Hinangaan ng maraming netizen ang isang lolo na matapos magpakitang gilas sa kaniyang mga bike stunts

Kinilala si Lolo Conrado Magcalas sa kabila ng kaniyang edad na 77-anyos ay nagagawa pa nito ang mga delikado at mahihirap na bike stunts

Kaya ni Lolo Conrado ang tumayo sa gulong kaniyang bike nang hindi natutumba kaya rin nitong mag paandar ng bike habang nakaupo sa manibela

At marami pang-iba na talagang kabibiliban ng marami, kung iisipin ay lubhang delikado ito para sa kaniyang edad, kaya naman maraming bumilib sa kaniyang angking talento.

“Lahat ng ginagawa ko, o yung mga ginagawa ko ay mahirap basta palagi lamang mag eensayo araw-araw”- kwento ni lolo

Isa raw si lolong professional cyclist noong 1960s. Nasa 60 taon na rind aw ang ginagamit nitong bisikleta ngunit may mga piyesang napalitan na.