“Utang na 1 Million, gone!”- Donnalyn, Isiniwalat ang Pαnℓσℓσкσng Ginawa sa Kanya ng Kapwa Youtuber

0
229

Naging usap-usapan sa social media ang di umano’y panlolokong sinapit ng social media influencer na si Donnalyn Bartolome sa kamay rin ng isang kapwa niya Youtuber. Sa kanyang official Facebook page, isiniwalat ng ‘social media goddess’ na may isang sikat na Youtuber na umutang sa kanya ng P1 million, ngunit sinira nito ang tiwala niya.

Matapos pautangin ay nangako ang Youtuber na agad niyang ibabalik, ngunit hindi siya makapaniwala na gagamitin pa pala nito ang pangalan niya upang makautang sa iba. Kaya naman nag-desisyon si Donnalyn na i-post ito upang balaan ang ibang tao na maaaring maloko rin ng nasabing Youtuber na hindi naman niya pinangalanan.

“Utang na 1 Million, gone just like that. This guy is not the only one na nakautang saakin but he is using my name to fool people into lending him money kasi kung pinagkatiwalaan ka nga naman ni Donnalyn diba? I’m posting to say nagkamali ako. Wag kayo paloko.”

Upang maiwasan na ang ganitong mga pangyayari, napagdesisyunan ng kampo ni Donnalyn na umaksyon na. Sa panibagong update, ibinahagi ng vlogger na kasalukuyan silang nakikipag-coordinate sa isang abogado para mabigyan sila ng legal assistance. Papadalhan na rin nila ng demand letter ang mga taong may pinagkakautangan kay Donnalyn.

 

Dagdag pa ng social media star, nawa’y maging leksyon ito sa ibang taong nangungutang na wag samantalahin ang tiwalang ibinigay sa kanila. Dahil wala silang isang salita, tuluyan na ring nasira ang tiwala ni Donnalyn sa kanila, kaya naman ayaw niyang pamarisan pa ito ng iba.

“Isa isahin ko kayo mga sumira sa tiwala ko. You guys are lucky I don’t want to use privileges like this ‘cause I feel like mas may ibang case na need ng action. Lalo yung mga kawawang inutangan tapos nung na nangangailangan na yung nagpautang ngayon pahirapan contactin yung may utang sakanila,” pahayag ni Donnalyn.

 

 

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Sharon Cuneta, Ginulat Ang Fans Matapos Aminin Na Umabot Sa Kalahating Bilyon Ang Utang Niya

Sa kabila ng kanilang katanyagan ay matapang na inamin ng Megastar na si Sharon Cuneta na minsan na rin siyang nagkanda baun-baon sa utang.

Sa presscon ng kaniyang concert kasama ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, isiniwalat ni Sharon na nagkaroon siya ng karanasan kung saan pumatak ng halos kalahating bilyon ang kaniyang pinag kakautangan.

Ngunit ayon sa singer, buong pasasalamat niya at nagawa niyang matapos bayaran ang lahat ng iyon.

“A few years ago I was so problematic. I was remember I even post it in social media-which I don’t do anymore! Hahaha! I said I was at the lowest point of my life and career, I’ve never been so sad. And that was when everyone thought that I was clinically depressed, that I might kill myself… of course, people like to exaggerate.

“I was really sad and I didn’t know what to do and I had a big-big-big utang..when I say utang, I think I never told you the exact amount-it was over half a billion! And now I’m down to couple of hundreds of million. So, I’m fine. I was able to pay that back because of smart investing in the past. So that was how big my problems were. So down a few hundred. And I’m working. But I’m okay. I’ve invested so it’s just a matter of managing my…”

Ito ang nagdulot sa kaniya ng depression, ngunit naging leksyon din ito para sa aktres.

“And so I had to work non-stop but at that point. I couldn’t work and I didn’t know what to do and then I realized that I removed my focus from God and started focusing too much on my problems… that I was becoming the kind of person that I despised, the kind of person I never wanted to be, the kind of people I would avoid in showbiz since I was young.

“So parang, ‘Ba’t ako nagkaganito?’ Magmula sa Twitter na hindi ako sanay, ba’t ako pumapatol? Parang anong nagawa ‘ko? Ano’ng nangyayari? You know, sa madaling-salita, when I refocused on God who’s bigger that all the problem in this world can throw my way, I refocused on Him, I said I surrendered everything.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!