Bilang isang tao kumakayod tayo upang mabuhay at matustusan ang mga pangangailangan ng ating pamilya. Minsan kahit na pagod ay nakukuha pa nating maghanap ng raket upang makapangdagdag ng pambili ng ating pangangailangan sa pang araw-araw.

Ika nga ng karamihan sa atin ‘kumayod at magpatuloy lang sa buhay’ wag susuko para sa ating pangarap. Ngunit papaano na lamang kung ang isa sa atin ay kumakayod upang mabuhay ay may kåpansαn1an at matanda na, magagawa pa rin kaya natin ito?

Agaw atensyon sa social media kamakailan lang ang video na kuha ng isang netizen. Ang video na kanyang nakunan ay video ng isang lalaki na naglalakad sa may daan ng Pasig City at naglalako ito ng basahan. Makikita sa video na nahihirapan siya sa kanyang paglalakad ngunit patuloy pa rin ito sa paglalakad para makapag benta ng tinda niyang basahan sa halagang P20 kada isang balot.

Ayon sa kumuha ng video, “Nandito po tayo sa Pasig, malapit sa palengke. Nakita ko po si Tatay na may kapansanan siya, hirap siyang makalakad. Tapos po nagtitinda po siya ng basahan sa halagang bente pesos, para po sa kanyang gamot yung kinikita niya. May karamdaman siya, parang hirap siyang makalakad po.”

Umabot na ito sa 74K shares, 30K comments at 508K reactions ang post na ito mula sa OFW Join Force – Philippine Chapter Facebook page, at may caption na “Kawawa naman si Tatay.”

Umani ito ng samu’t-saring komento mula sa mga netizen, karamihan sa kanila ay nababahala sa sitwasyon na iyon ni Tatay at iba naman ay nalulungkot dahil raw nakakadurog ng puso ang kalagayan na iyon ni Tatay. Ngunit, ang iilan naman sa kanila ay humanga sa kanya pagkat sa kabila ng kanyang kalagayan ay nakukuha pa niyang maghanap-buhay para matustusan ang pangangailangan.

Narito ang iilan sa kanilang naging komento:

“Saludo ako sa lahat nang tatay! Lalo na at mas inu-una nila ang kanilang pamilya sa kabila nang kanilang iniindang karamdaman! Mabuhay po kayo. Lalo na si tatay! Sana po marami pang blessing ang darating sa inyo at sana maka recover po kayo. Godbless po.”

“God bless always, tatay lagi ka pong mag iingat. Di man kami makatulong financial, isasama ka naming sa prayers. Loveyou tatay.”

“Napaluha ako bigla nakakadurog ng puso sana may tumulong kay tatay ingat po palagi God bless po tatay.”

Read also:

Maraming Naantig ang mga Puso ng Makita Nila ang mga Batang Ito na Tinutulungan ang Isang Matanda na Itulak ang Kanyang Ice Cream Cart

Natatandaan niyo pa ba ang awiting ito? Ang lirikong ito ay tila ipinakita ng kabataan sa isang nakunang video.

Ang video ng mga grade school na mga bata kung saan ay tinutulungan nila ang isang lolong sorbetero na itulak ang kanyang karitola ng sorbetes pataas sa tulay ay nakapukaw ng mga damdamin ng maraming mga netizen.

Tunay na nakapupukaw ng damdamin ang kabataan na mga ito dahil sa asal na kanilang ipinakita. Sa tuwing nakakikita tayo ng ganito, tila’y nakakakita tayo ng liwanag sa dilim, hindi ba?

Sa panahon natin ngayon, samu’t sari na ang mga nagyayari sa mundo pati na rin sa ating bansa. Gayunpaman, nananatili pa rin ang kabutihan sa gitna nang mga kaguluhan. Ipinakita ito nang mga batang ipinalaki nang may mapangmahal na mga puso.

Ang tatlong mga grade school na mga bata ay napansin nang tulungan nila ang isang lolong nahihirapan umakyat sa Bang Bang Bridge sa pasig habang tulak- tulak niya ang kanyang karitola ng sorbetes.

Mabuti nalang, siya ay tinulungan ng mga napakabait na mga bata dahil ang paakyat na tulay na ito ay maaaring maging mapanganib kung hindi man niya kinayang gawin ito ng mag isa.

Ang unang napukaw na damdamin ay ang kay Armel Manglallan na nakakita nito nang siya ay nagmamaneho sa tulay. Kanyang kinunan ng maikling video ang pangyayaring ito at ipinost sa social media. Maraming nakakita nito at namangha. Nakalikom ang post niya nang mga komento, pagbabahagi, at halos 2 milyon na views.

Ang pangyayaring ito ay nagpapaalala sa atin ng mga magagandang bagay na maari nating gawin at maranasan. Sana ay magbigay ng inpirasyon ang kwentong ito sa ating lahat.