Toni Gonzaga, may mensahe sa kanyang mga bashers matapos siyang batikusin sa naging panayam kay dating Sen. Bongbong Marcos: “I have nothing hide”

0
64

Kilalang-kilala si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano o mas kilala bilang si Toni Gonzaga bilang isang magaling na aktres, TV-host, producer, vlogger, at entrepreneur. Maraming tao ang sumubaybay sa kanyang mga naging tagumpay sa kanyang karera sa showbiz.

Ngayon ay tila nagiging kontrabersyal ang TV-host at aktres, dahil sa kanyang naging panayam kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kamakailan nga lamang ay nagkaroon ng interview si Toni kay dating Senador Bongbong Marcos sa kanyang YouTube vlog na ‘Toni Talks’. Ngunit, ang naging panayam na ito ay inulan ng batikos sa social media na ‘Twitter’.

Ayon sa mga bumabatikos ngayon kay Toni, binigyan daw niya ang dating Senador ng pagkakataon para magpakalat ng propaganda tungkol sa kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Dahil dito maraming netizens ang umalma sa kanyang naging vlog na ito, dahil dagdag pa ng iilan ay tila ginamit ni Toni ang kanyang social media platform upang muling balikan ang mga hindi magandang pangyayari sa bansa noon sa ilalim na dictatoryal na pamahalaan ng dating Pangulong Marcos, lalo na ang mga nangyari sa naging biktima ng Martial Law.

Kaya naman maraming ang bumatikos kay Toni dahil dito. Kagaya na lamang ng mga komentong ito.

“This isnt about her giving a platform for different political parties to be neutral, lol. inviting bongbong marcos to talk positively about his father is toni gonzaga actively participating in historical revisionism. let’s not pretend otherwise.”

“Dapat may portion na “Oh my goodness ungkatan ng past” dun sa interview ni Toni Gonzaga kay BBM kung saan kilala ang pamilya nila. Why give that man a platform?”

Samantala, sa kabila ng pagbabatikos kay Toni ay nagbigay naman ito ng mensahe para sa kanyang mga kritiko.

Pahayag ni Toni, “I’ve reached a point in my life where I realized that other people’s perception of me is not my responsibility anymore. Na parang pag sinabi sa akin ng isang tao na one plus one equals 10, I’ll just tell that person yes you’re correct, you’re right. ara whatever judgement or assumption they have of me I feel like I don’t have anymore, the need to explain, to prove, to defend and to hide. Because I have nothing to hide, I have nothing to defend, I have nothing to prove, I have nothing to explain to anybody because I know who I am deep inside.”