Tindero Na Kumakanta Habang Nagbebenta Ng Mini Videoke, Hinangaan Ng Mga Netizens

0
338

Hinangaan at naging viral sa social media ang lalaki na ito na ipinakita ang kaniyang galing sa pagkanta habang nagtitinda ng mini videoke.

Sa video na ibinahagi ng netizen na si Carmen Illao, makikita ang isang lalaki na kumakanta habang bitbit ang kaniyang mga panindang mini videoke at hawak ang isang mic.

Ayon kay Carmen, natuwa at namangha daw siya kay Tatay dahil bukod sa kaniyang galing sa pag-awit, nakakaaliw din daw ang kanta na inaawit nito.

Si Tatay ay nagtitinda ng mga mini videoke at naisipan niyang umawit marahil upang ipakita sa mga customer ang ganda ng item na kaniyang ibinebenta.

Samantala, kaagad naman na naging viral sa social media ang nasabing video at umani ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens online.

Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga kay Tatay dahil hindi maipagkakaila na mayroon itong talento pagdating sa pag-awit. May ilan namang netizens ang naaliw din kay Tatay dahil sa napili nitong kantahin ganun din sa kaniyang mga moves habang kumakanta.

May ilang netizens ang nagbahagi din ng kanilang encounter kay Tatay na aniya ay nakakatuwa daw talaga si Tatay lalo na sa tuwing ito ay kumakanta.

Hiling naman ng maraming netizens na sana ay madaming mabenta na mini videoke si Tatay.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Magaling talaga yan minsan kinatahan din kame nya nakakatuwa naman gd bless po”

“Demo kung demo ❤️ salute to you sir 🤜🤛”

“Ang galing nm sana madami sya mabenta ,… God bless”

“Ayos back up dancer n tatay hihi…umuwi k n tatay magglit c aling tisay”

“Ang galing nman ni tatay… umuwi kana kay nanay,,nagaAntay ng pera pag wala kang Benta ay yari ka kay nanay!! Wahahaha!! lol!”

“Dapat ung nag video ..binigyan nyo sana ng TIP o kaya binilhan nyo …pang bigas bigas na sana ni tatay un”

Netizen Nahabag Sa Isang Matandang Nagtitinda Ng Mga Crochet Items At Hinikayat Ang Publiko Na Bumili Rito

Kahanga hanga talaga ang mga matatanda na kahit sa kanilang edad ay nagsusumikap pa ring magtrabaho. Minsan, dahil na rin kasi sa hirap ng buhay kung kaya’t ang ilang mga senior citizens ay pinipili pa ring maghanap-buhay.

Ngunit nakakalungkot lang dahil imbes na sana ay nagpapahinga na lamang sila sa kanilang mga bahay ay napapagod pa sila sa kakatrabaho. Kagaya na lamang ng isang matanda na ito na nakitang nagtitinda ng mga ginantsilyong mga gamit.

Ibinahagi ng netizen na si Jose Aran sa Facebook ang larawan ng isang matandang nagtitinda ng mga crochet items. Hinimok niya ang kung sino mang madadaanan si nanay ay bumili sana sa kanya ng kanyang mga paninda tulad ng lalagyanan ng cellphone, wallet, water bottle, sombrero etc. na siya mismo ang naggantsilyo.

“Baka mapadaan kayo sa may ilalim ng LRT sa may sidewalk along old GSIS building papuntang SM Manila. 

Bili na kayo kay Nanay ng mga crocheted wallet, lagayan ng water at etc…

P150 tong lagayan ng water (bottle not included) medyo pricey pero effort naman sa pag crochet yan for sure.”

Napakasaya raw ng matanda nang bumili ito sa kanya dahil siya raw ang kanyang buena mano. Dagdag pa niya na libreng repair kapag may nasira man sa kanyang binili.
Wika ng isang netizen na sana ay magawan raw ng Shopee account si Nanay para mas marami siyang mabentahan at hindi na pa kailangang lumabas ng bahay.

Kahanga-hanga ang mga katulad ni Nanay na napaka-tiyaga sa paggawa ng mga ginantsilyong mga bagay. Di biro ang paggantsilyo dahil nakakapagod rin ito sa kamay at sa mata.

Kaya naman sana kung sino man nga ang madadaanan siya ay bumili sa kanya hindi niyo lang siya mapapasaya kung di makakatulong na rin kayo sa kanya.

God bless you po nanay!

Ina na Kakapanganak pa Lamang, Natagpuang Naninirahan sa Maliit na Kariton

Isang concerned netizen na si Allen Malergo ang nagbahagi ng larawan ng mag-ina na naninirahan sa maliit na kariton. Ayon sa kanya ay 10 araw pa lang ang nakakalipas simula ng isilang nito ang sang0l.

May tumulong sa kanila sa ospital kaya nakalabas silang mag-ina. Natagpuan ang mag-anak sa Malolos, Bulacan.

Nang tanungin ni Allen ang lalaki na may katandaan na din kung anak ba nito ang sangg0l ay sinagot niya ng oo na may ngiti sa kanyang labi.

Tinanong din ni Allen kun saan sila kumukuha ng panggatas ng kanilang anak, ang gatas lamang na nanggagaling sa ina nito ang pinapaded3 nila dahil wala silang kakayahang bumuli ng gatas.Dahil dito, hindi naman nagdalawang isip si Allen na magbigay ng tulong para kahit papaano ay may pangbili ang mag-anak ng gatas o pagkain nila.

Ayon pa kay Allen, nakita niyang pursigido at masaya ang mag-anak kahit na maliit lamang ang kanilang sinisilungan at salat sa buhay.

“Kanina pong umaga habang naglalakad ako sa may palengke ng Malolos, pumukaw ng damdamin ko ang isang baby na bagong panganak na nasa loob ng kariton kasama ang kaniang nanay,habang ang kaniang tatay ay iiwan muna sila panamantala upang bumili ng ulam..Tinanong ko ang lalake mejo may katandaan na…anak nio po? Habang may ngiti sa labi,oo mag ina ko..10 araw palang Na naipapanganak sa Provincial.”

“Buti ho may napangbayad kau,oo wala kaming binayaran dahil may tumulong sa amin..Pero paano po ang kaniang gatas ?Sa gatas na lang ng nanay niya wala kaming pangbili ng gatas..At ng umalis na ang tatay ay kinausap ko ang nanay na parang sa tingin ko ay hindi masyadong nakakarinig o nakakaintindi ng tagalog..kaya sa abot ng aking makakaya ay inabutan ko sila para may pangbili ng gatas o ulam nilang mag anak..Natutuwa ako sa ama na pursigido at masaya kahit sa maliit na tahanan lang..”

“Subalit mapapaisip ka paano ang kinabukasan ng batang ito?.
Kung makikita nio ang karitong ito ay ang kanilang “munting tahanan.”.
Kailangan din nila ng inyong munting tulong..salamat po.
Paki share na lang po para kumalat at mas marami ang pwedeng tumulong sa kanya.”