Matapos mag-resign bilang main host ng Pinoy Big Brother, isang isyu na naman ang kinasasangkutan ngayon ng TV host-actress na si Toni Gonzaga.

Sa tweet ng Theater artist na si Mark Ghosn, ibinahagi niya ang masamang karanasan niya kay Toni noong nakasama niya ito minsan nang siya ay nago-ojt pa lang sa Star Cinema.

Ayon kay Mark, nakasama daw niya si Toni sa isang event at doon niya daw naranasan ang ugali nito matapos siyang batuhin ng aktres ng tissue sa mukha na pinahid na nito sa kili-kili.

Pagbabahagi pa ni Mark, may pagkakataon daw na inirapan siya ng aktres habang sila ay naka-standby para sa nasabing event kahit ngumiti naman siya dito.

Matapos nito ay nagpakuha umano sa kaniya si Toni ng tissue dahil iritable ito sa basang kili-kili. Ngunit kahit inabutan na niya ito ng tissue ay hindi man lang daw ito nagpasalamat sa kaniya bagkus ay binato pa ito sa kaniyang mukha.

Kwento ni Mark,

“Pinunas ang tissue sa kili-kili habang naiinip na tawagin kahit kararating niya pa lang naman.

“Inabot ko ang mic sa kanya, binat0 sa mukha ko ang tissue na galing sa kili-kili. Shookt ako.”

Nakita daw ng kaniyang manager ang ginawa ni Toni sa kaniya ngunit sinabi lang nito na hayaan at huwag na lamang pansinin ito dahil ganun daw talaga ang attitude ng TV host.

Saad pa niya,

“Pagsalang sa stage, nag-transform siya, ang bait bigla, todo ngiti. Inabutan ko ng poster sa stage, aba nag thank you, haha, parang hindi siya yung kasama ko sa likod kanina.”

Kahit pa man hindi binanggit ni Mark sa kaniyang post ang apelyidong “Gonzaga” o “Soriano”, marami pa din sa mga netizens ang nagulat sa rebelasyong ito.

Lalo na at mainit na usap-usapan sa social media ngayon si Toni matapos nitong mag-host sa proclamation rally ng UniTeam sa Philippine Arena noong February 8.