Tatay at 4-Anyos na Anak, Nakatira sa Kariton Matapos Mawalan ng Trabaho ang Tatay

0
287

Viral sa social media ang larawan ng mag-ama kung saan nakatira lamang sila ngayon sa isang kariton. Si Mang Rodel Mojica, apat na put anim na taib gulang at kasama ang anak si Ruben, apat na taong gulang ay kasalukuyang nakatira sa isang 1×2 meter na kariton. Nakatira sila ngayon sa bangketa sa may Pasig River sa Guadalupe, Makati City.

Ayon sa ulat, nawalan ng traabho bilang laborer sa isang construction company si Mang Rodel. Dahil sa hirap ng buhay ay minabuti niya na gumawa ng matitirhan nilang mag-ama. Mahirap umano ang kanilang kalagayan ngunit wala siyang magagawa kundi magsumikap para sa kaniyang anak. Ang karitong gawa ni Mang Rodel ay masikip na pinagkakasya nilang dalawa ng kaniyang anak.

Mayroon pa itong maliit na lagayan ng kanilang damit sa loob at may bintana rin upang makaamoy ng preskong hangin. Ganyan ang kanilang tahanan, bagama’t maliit ay malaking tulong ito sa kanila upang may masilungan sa oras ng tag-ulan.

Masaya naman daw sila dahil ang importante ay magkasama sila at maibibigay niya ang kailangan ng anak. Saad pa sa ulat ng 24 oras, nawala ang kaniyang misis na nagkaroon ng tuberculosis noong nakaraang taon lang, kaya naman naiwan silang dalawa ng kaniyang anak. Ngunit talagang pinapakita ni Mang Rodel na kung may nais talaga ay magagawan ng paraan at tunay na pinapakita niya na kahit anong mangyari ay magsasama at magsasama sila ng kaniyang anak sa hirap at ginhawa.

Netizen, Naantig ang Puso Matapos na Masaksihan ang Mag-ama na Nakasabay Niya sa Jeep

Nakapagpahabag ng damdamin ang mag-ama na ito sa mga netizen. Ayon sa uploader, hindi niya naiwasan na ibahagi sa iba ang larawan ng mag-amang nakasabay niya sa pampasaherong jeep.

Aniya, pinagpahinga ng ama ang kanyang anak dahil tila napag0d ito sa kanilang pagtitinda. makikita sa larawan na tila pinagpapahinga niya ang anak sa kanyang dibd!b. Para bang nais umano nitong sabihin na “Anak alam ko pagod ka, magpahinga ka muna.”

Ibinahagi ni Annie Gamoza Cruz ang ilang larawan ng mag-ama. Makikita sa kanila ang tunay na pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak. Narito ang kwento na ibinahagi ni Annie.
“Kanina habang nasa byahe papunta kami ng GMA may sumakay na dalawang lalaki sa jeep. Yung isa na may edad na ay tumabi sa akin at yung bata ay sa kabilang upuan umupo dahil hindi na sila magkakasya kung magkatabi pa sila, may dalang basket na may mga plastik yung bata na halata namang galing sila sa paglalako ng kanilang paninda.

“Habang dumudukot ng pera si tatay sa bulsa nya para sa pamasahe nila, kita ko yung pagod sa kanyang mga mata. Yung anak nya nag lagay ng panyo sa mata na wari bang iidlip muna sa byahe upang makapagpahinga. Nang magbabaan na ang ibang pasahero sa jeep naramdaman kong lumipat si tatay sa tabi ng bata na agad na nakapukaw sa atensyon ko, unti unti ay nakita kong pinadantay ni tatay ang bata sa kanyang dibdib na para bang nais sabihin na “Anak alam ko pagod ka, magpahinga ka muna”

“Hindi ko alam pero habang tinititigan ko sila pareho ay naluluha ako at agad kong kinunan ng litrato. Habang nasa byahe ay tingin ako ng tingin sa mag ama at pinipigilan ko ang aking mga paghikbi dahil naalala ko ang aking ama. Kung may isang bagay man akong natutunan sa kanila yun ay; hindi man kayang ibigay ng ating mga magulang ang lahat ng ating pangagailangan, pero ang kanilang pag mamahal ay hindi kayang pantayan nino man.

“Ps: sorry kila tatay sa pagkuha ng litrato, gusto ko lang ishare ito sa iba upang maalala nila ang pagmamahal ng isang magulang.
Sana maisahre nyo ito para may mabubusilak na puso na makatulong sa kanila.”

Mag-amang Foreigner, Inaband0na at Pinabayaan ng Asawang Pinay

Ayon sa facebook post ni Jhoanna Clapano, hindi makauwi sa kanilang bansa ang mag-ama na ito. Sinasåktan umano siya ng dati niyang asawang pinay at inaband0na silang mag-ama.

Habang nagkukuwento ang ama ay hindi na napigilang maluha nito dahil marami umano silang masasåkit na naranasan at narinig dito sa Pilipinas.

Ayon sa kuwento kay Jhoanna ng foreigner ay mismong pulis ang diumano’y tumawag sa kanilang bab0y, as0ng gala at iba’t-iba pang masasåkit na salita.

Naawa rin si Jhonna sa sitwasyon ng bata dahil sobrang pag0d na at ang kaniyang ama ay marami umanong sugåt. Humingi na ng tulong ang mag-ama sa iba ngunit ang tumulong sa kanila ay diumano’y pinalabas na wala na silang buhay.

Humihingi ng tulong si Jhoanna para sa mag-ama dahil wala umano itong kaanak dito o kaibigan manlang.

Narito ang kabuuang post ni Jhoanna sa kaniyang facebook account:

“Guys please tulongan po natin sila. Inabandona siya ng asawa niya at sinasaktan. ‘Di sila makauwi sa bansa nila. Habang nag kukwento siya sa akin ng mga karanasan nila sa loob ng apat na taon umiiyak siya habang kikwento na mismong polis ay tinawag silang baboy. asong gala. At madami pa. Nakakaawa po sila at sana sa simpleng share lang po ay matulongan natin siya para umabot ito kay Sir Raffy Tulfo in Acti0n.

“Naawa ako sa bata dahil sobrang pagod na at ang tatay niya ay madaming sugat. Tinanong ko siya kong humingi na ba siya ng tulong at sabi niya oo humingi na sila ng tulong pero ‘yung pinaghingan nila ng tulong pinalabas na [email protected] na siya. Magpapasko pa naman. Wala po silang kamag anak dito o kahit kaibigan man lang. Kaya sana po kahit share man lang para sa kanila. Nasa ermita po sila.”