Sweet video ng vlogger na si Whamos Cruz at magandang girlfriend nito umani ng maraming reaksyon ngayon

0
267

True love na talaga na itinuturing ni Kim Whamos Cruz ang naramdaman niya sa nobyang si Antonette Gail Del Rosario.

Kahit hindi man siya nanalo sa Idol Philippines noong 2019, siya naman ngayon ang panalo sa puso ng netizens nang mag-upload ito ng video na sinagot na siya ng kanyang girlfriend na si Antonette Gail.

Sa official Facebook post ni Whamos Cruz, kita sa kanyang vlog na nagpatulong siya sa kanyang mga kaibigan upang madisenyuhan ang kanyang kwarto para sa plano nitong tanungin si Antonette Gail upang maging girlfriend niya.

Matapos nga na ipakilala ni Whamos sa madala ang kanyang nobya ay marami ang naghinala na pera lang ang habol sa kanya ng babae.

Ngunit ang lahat ng ito ay binalewala ng magkasintahan.

Sa kanilang mga bagong post na video ay mas pinatunayan nila Whamos at Antonette na tunay ang kanilang pagmamahalan.

Ilang video nga nila sa TikTok  ang viral ngayon online kung saan makikitang napakasweet ng dalawa.

Ang isa ay habang natutulog si Whamos sa dibdib ni Antonette na may saliw na tugtog na “Don’t Matter”.

Sa sumunod naman na video ay kitang kita na binigyan ni Antonette ng matamis na halik si Whamos. Nang gisingin nito ang nobyo.

Agad namang umani ito ng samu’t-saring komento mula sa netizens.

Narito ang ilan sa kanilang say:

“Wow…proven na sa mga judgemental dyan….the girl kissed whamos on his lips…let them enjoy their relationship…masaktan man cla…cla yun ndi tayo”

“Mga taong inggit pikit na lang mata nyo hahahaha”

“Wow nakakain love n man hayaan monah ingget LNG yan”

Vlogger na si Whamos, masayang ibinahagi na natagpuan na niya ang kanyang true love

Tila nahanap na ng sikat na vlogger na si Kim Whamos Cruz ang kanyang true love.

Isa si Whamos sa kinagigiliwang internet personality. Ang kanyang mga nakakatuwang video ay laging trending sa social media.

Una siyang nakilala dahil sa kakatwang mga videos niya at tumatak sa mga netizens ang kanyang itsura.

Matatandaan na sumali si Whamos sa Philippine idol last 2019 at talagang napatawa c Moira Dela Torre at humanga sa pagiging kwela nito.

At magmula noon ay sumikat na nga siya sa social media. Marami na din ang naging taga subaybay ni Whamos.

Iba’t-ibang video parody na din ang kanyang ginawa na talagang patok na patok sa mga netizens. Kaya naman mas lalo siyang minahal ng kanyang mga fans.

Dahil anila, good vibes ang laging hatid ni Whamos. Tuwing may ginagawa siyang video ay humahakot ito ng napakaraming views.

At kamakailan nga lamang, isang masayang pangyayari sa kanyang buhay pag-ibig ang proud na ibinahagi ni Whamos.

Sa kanyang social media post, isang video ang ibinahagi ng sikat na vlogger. Kung saan makikita na nakamtan na niya ang matamis na oo ng kanyang sinisinta.

“THE DAY SHE ANSWERED(07/06/21)” maikling caption ni Whamos sa kanyang video.

Sa nasabing video ay naghanda si Whamos ng surpresa sa kanyang nobya na ngayon na si Antonette Gail Del Rosario.

Punong puno ng mga rose petals ang kanyang kwarto at may nakadesign na tanong na, Will You Be My Girlfriend?”

Sobrang kasiyahan naman ang masisilayan kay Whamos ng YES ang isagot ni Antonette sa kanya.

At magmula noon ay panay sweet photos na nila ang ibinabahagi ng magkasintahan sa kanilang Facebook page.

Marming fans naman ni Whamos ang naging masaya na natagpuan na niya ang kanyang true love.

Mapapanood dito ang kanilang video: