Napurnada diumano ang 500K a month na sana’y sustento ni Gretchen Barretto para sa kapatid na si Claudine Barretto.

Ito ang ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang showbiz update vlog.

Ayon sa talent manager at showbiz columnist, hindi lang daw nasunod ang ilang kagustuhan ni Gretchen kaya naudlot ang sustento nito sa kanyang kapatid.

“Merong nag-chika sa akin, dapat pala itong si Claudine ay sinusuportahan na raw ni Gretchen Barretto. Kaya lang medyo hindi nasunod yung gustong mangyari ni Gretchen,” panimula ni Ogie.

“Ah may kondisyon?” tanong ng co-host niya na si Mama Loi.

“Oo, para rin kay Claudine. Kaya lang, parang hindi yata ito nasunod ni Claudine at nasuway niya. So sayang ‘yung supposedly eh P500,000 a month na suporta nitong si Gretchen kay Claudine.

Dagdag pa ni Ogie, may kondisyon daw kasing binigay si Gretchen kay Claudine, ngunit tila hindi raw ata ito nagawa ng nakababatang Barretto.

“‘Yung idiretso lang ang buhay… Love naman ni Claudine at Gretchen ang isa’t isa. Kaya lang sa checklist ni Gretchen na gustong mangyari kay Claudine, eh merong hindi nagawa doon si Claudine. Kaya waley na ‘yung 500K,” dagdag pa ni Ogie.

Mukhang ayaw daw kasi ni La Greta na pasukin ng kapatid ang politika. Ngunit tumakbo pa din itong konsehal sa Olongapo.

Ayon naman kay Ogie na ang dahilan ng pag-atras ni Gretchen sa suporta ay hindi dahil sa pagbabati nina Claudine at Marjorie Barretto.

Sa huli hiling ni Ogie na sana ay tumabo sa takilya ang pelikula ngayon ni Claudine kasama si Mark Anthony Fernandez.

Panoorin dito ang kabuuan ng vlog ni Ogie: