𝙰𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚊𝚕𝚊-𝚊𝚔𝚜𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚙𝚎𝚕𝚒𝚔𝚞𝚕𝚊, 𝚊𝚢 𝚒𝚜𝚊 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚙𝚊𝚋𝚘𝚛𝚒𝚝𝚘𝚗𝚐 𝚜𝚞𝚋𝚊𝚢𝚋𝚊𝚢𝚊𝚗 𝚊𝚝 𝚙𝚊𝚗𝚘𝚘𝚛𝚒𝚗 𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚛𝚊𝚖𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚊𝚗𝚘𝚗𝚘𝚘𝚍 𝚗𝚊 𝙿𝚒𝚗𝚘𝚢. 𝙻𝚊𝚕𝚘 𝚙𝚊 𝚗𝚐𝚊 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚋𝚒𝚍𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚛𝚝𝚒𝚜𝚝𝚊 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚙𝚎𝚕𝚒𝚔𝚞𝚕𝚊 𝚗𝚊 𝚒𝚝𝚘, 𝚊𝚢 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚙𝚊𝚋𝚘𝚛𝚒𝚝𝚘 𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚌𝚝𝚒𝚘𝚗 𝚜𝚝𝚊𝚛 𝚗𝚊 𝚝𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚐 𝚑𝚞𝚜𝚊𝚢 𝚊𝚝 𝚐𝚊𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚐𝚊𝚠𝚊 𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚕𝚊-𝚊𝚔𝚜𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚙𝚎𝚕𝚒𝚔𝚞𝚕𝚊 𝚊𝚢 𝚝𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚑𝚊𝚗𝚐𝚊-𝚑𝚊𝚗𝚐𝚊.
𝙳𝚒𝚝𝚘 𝚜𝚊 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚗𝚜𝚊, 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚛𝚊𝚖𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚊𝚌𝚝𝚒𝚘𝚗 𝚜𝚝𝚊𝚛, 𝚊𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚝𝚞𝚖𝚊𝚝𝚊𝚔𝚝𝚊𝚔 𝚗𝚊 𝚜𝚊 𝚒𝚜𝚒𝚙𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚛𝚊𝚖𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚊𝚗𝚘𝚗𝚘𝚘𝚍.
Kabilang na dito ang mga beteranong action star sa telebisyon na sina Robin Padilla, Bong Revilla, at ang yumao ng Hari ng Pelikulang Pinoy na si Fernandoe Poe Jr. Nabibilang na rin ngayon sa mga hinahangaang action star sa ating bansa, ang aktor na si Coco Martin.
Samantala, pagdating naman sa “international action movies”, ay nangunguna sa mga mahuhusay at hinahangaang action star ay si Jackie Chan.
Si Jackie Chan, ay isa sa mga pikasikat at popular na acyion star, hindi lang sa Pilipinas, kundi sa iba’t ibang panig pa ng mundo, dahil na nga ito sa kanyang husay at galing pagdating sa pagbibigay uhay sa mga mala-aksyong pelikula na kanyang ginagawa.
Halos nasa 150 na mga pelikula na nga ang nagawa ni Jackie Chan, na sinuportahan at tinangkilik ng maraming mga manonood at kanyang mga tagahanga.
Siya ay hindi ng lamang kilala bilang isang aktor, kundi isa rin siyang prodyuser at naging direktor na rin ng ilang mga pelikula.
Dahil nga sa pagkakaroon ng matagumpay na karera ni Jackie Chan, ay hindi naging imposible sa aktor, ang magkaroon ng mga bonggang ari-arian. Isa na nga sa mga ito ay ang napakagarbo at napakalaki niyang bahay na matatagpuan sa French Villas sa Beverly hills hilaga ng Sunset Boulevard.
Ayon sa mga naging ulat, taong 1986 ng itinayo ang bahay ni Jackie Chan, sa kanyang pagmamay-aring lupain na may sukat na 30,000 sq.ft, kung saan ang tinitirhan niyang ito ay nasa halos 7,600 sq.ft din ang sukat.
Marami nga sa mga netizens ang namangha ng maiulat ang tahanan na ito ng kanilang paboritong action star. Dahil talagang mala-mansyon ang tahanan na ito ng aktor, kung saan ito ay may dalawang palapag , at kupleto sa lahat ng parte ng tahanan, tulad ng living room, dining area, step down bar, kitchen, breakfast room, powder room, at ilang mga bedroom.
Bago pa man nga makarating sa malamansyon na bahay na ito ng aktor, ay sa labas palang mapapansin na ang napakataas na gate, na gawa sa mga bakal, at ang direksyon na iyong daraanan ay agad kang dadalhin patungo sa motor court at fountain ng bakuran.
Pagdating naman sa ikalawang palapag ng bahay na ito ni Jackie Chan, ay naroon makikita ang bar, at ang master suite na kumpeleto rin sa lahat, dahil sa ito ay mayroong private sitting room, walk-n closet at napakalagarang bathroom.
Kung sa loob ng bahay ni Jackie, ay talagang nakakalula na sa laki, ay nakamamangha naman sa ganda ang labas ng bakran nito. Ito ay dahil makikita sa labas, na mayroon itong cabana, kung saan pwede magamit sa pag-ihaw. Makikita rin ang outdoor dining area, at ang swimming pool sa bakuran nito na talaga namang napakaganda dahil sa mayroon itong waterfall at spa.
Tunay nga namang napakagara at nakamamangha ng mala-mansyong bahay ni Jackie Chan, at ito nga ay kanyang nakuha, dahil na rin sa kanyang pagiging masipag at tiyaga. Iniulat naman na ang tahanan na ito ng batikang action star, ay nagkakahalaga ng $12.25 milyon, o Php 612, 500, 000.
Read also: