Marami sa mga netizens ang humanga at na-inspire sa “fitness journey” ni Megastar Sharon Cuneta dahil kitang-kita na ang resulta ng kanyang pinagpaguran ng ilang taon.

Nagbahagi ang Megastar ng kanyang larawan kung saan makikita ang malaking pagbabago at ibinawas ng kanyang timbang kung saan ang mga damit na hindi niya nasusuot dati ay nasusuot na niya ngayon. Ayon pa sa aktres, pangarap niya umano ang makasuot ng bikini dahil nawala ang kanyang self-confidence noon dahil sa kanyang pagtaba.

Ilang taon din niyang pinaghirapan ang kanyang slim figure at dahil sa kanyang determinasyon sa wakas ay nakamit na niya ito. Sa isang post sa kanyang social media, ang kanyang jacket umano ay naging size 38 na lamang at ang kanyang pantalon na nasusuot ay nahuhulog na.

Sa caption, “Si Darna naglunch sa Darya. Sarap! Persian food! (Nahuhulog na talaga jeans ko. Yayieeeee!!!)”

Marami sa kanyang mga kaibigan na celebrities ang humanga at nagkomento ng makita ang kanyang slim figure. Kagaya na lamang nina Donny Pangilinan, Dimples Romana, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, Cristina Gonzalez, Darla, Beth Tamayo, Karen Davila, Joross Gamboa at Rosanna Roces.

Nang dahil sa mga naranasang pambabash noon sa Megastar nang minsang tinawag siyang ‘balyena’ ng isang netizen ang naging inspirasyon ng aktres upang magpapayat. Kung saan sinabi niyang, “Dugong naman! Nagpapayat pa po. Wait ka lang pag nakatago na ako sa likod ni Kim Chiu, comment ka uli ha?”

Dalawang taon na nung simulang baguhin ng Megastar ang kanyang lifestyle at ang kanyang mga pagkain na kinakain. Aniya, “I started changing my lifestyle and eating habits. I was and still doing it for ME. And I want to live a long, healthy life for my children and future grandchildren.”

Kaya naman sobrang proud ngayon ang Megastar sa kanyang sarili dahil naging matagumpay ang kanyang naging ‘fitness goal’.

Read also:

Sharon Cuneta, pinaringgan ang Pangulong Duterte: “Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang”!

Talagang ginulat ni Megastar Sharon Cuneta ang social media dahil sa kanyang post laban sa Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang facebook post, binatikos niya ang pamumuno ng Pangulo dahil di-umano sa mga dumadaming mga ‘bastos’ at nawawalan na ng respeto ang mga tao sa bawat isa’t isa.

Saad ng Megastar, “I was already expecting lots of trolls and haters to descend on this page once I posted about VP Leni and Kiko. Sadly, this is what this present administration has created and instilled in our people.” Dagdag pa niya, “Now, lumalabas na ang pagkabastos at pagkawalang disente ng marami sa ating mga Pilipino. Kundi na tayo marunong rumespeto sa isa’t-isa, paano tayo rerespetuhin ng mundo? Nasaan na ang tunay na bayanihan?”

Aniya pa, “Noong araw, nagrerespetuhan tayo ng kanya-kanyang paniniwala at kandidato pag kampanya at eleksiyon na. Ngayon, ganito na – bastusan. Yan ang dapat ma-erase. Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang.” Todo ang kanyang pagpaparinig sa Pangulo lalo pa’t binanggit nito ang mga kontrobersiyal na ginawa nito kasama ang ang pahayag nito noon patungkol sa Diyos. Isinama din ng singer-actress ang kasalukuyang kontrobersiyal na trasaksyon sa pagitan ng Gobyerno at ng Pharmally Corp.

Ika pa niya, “Piliin ninyo ang mga pinuno na may takot sa Panginoon – yung hindi tinatawag ang Diyos na “ST*P*D.” Ang walang paniniwala sa Panginoon ay nakakatakot mamuno, dahil ang diyos niya ang ang sarili niya.”

“Pumili kayo ng mga walang bahid ng korupsyon, may tapat na hangaring makapaglingkod at protektahan tayo. Hindi yung wala na ngang trabaho ang mga kababayan natin, gutom na wala pang ayuda.”

Sabi pa ni Sharon, “Pero ang mga di makasagot kung saan na napunta ang bilyong-bilyong piso na napunta sa Pharmally pero kitang-kita ang mga magagarang sasakyan at biglang pagyaman ng mga kasali diyan, yun ang pinagtatakpan at pinoprotektahan.”

Hinimok din ni Sharon na gumising na ang lahat ng tao dahil daw pinagtatawanan na daw ang Pilipinas ng ibang mga bansa. “Magising na po tayo. Di na makausad ang Pilipinas! Tama na ang pambobola sa atin. Tama na ang pinagtatawanan ang Pilipino ng mundo. Naway tulungan tayo ng Panginoong Diyos. God bless us all po!”, sabi pa ng aktres.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malapit si Sharon noon sa pamilya Duterte. Ngunit, tila nagsimulang magkaroon ng lamat ang relasyon ng kanyang pamilya sa mga ito dahil sa mga pambabatikos na natanggap niya sa social media. At isa rin sa maaring dahilan nito ay ang pambabatikos ni Pangulong Duterte sa kanyang asawa na si Presidential elect Senator Kiko Pangilinan na isa sa mga lider ng oposisyon.