Service crew na “Bιngι” at “Pιρι” sa isang fast food kinaantigan ng maraming netizen

0
412

Viral ang isang post ng isang facebook page “Romina” na kung saan ibinahagi nito ang karanasan ng isang netizen sa isang fast food saad ng netizen na nag bahagi ng kaniyang kwento

Nasa POPEYES kami kanina sa SM SAN LAZARO habang waiting kami sa food napapansin kona to si kuya na kada may umaalis na customer nililinis niya agad yung table dahil siya lang ang crew na naka-assign sa dining.

*siya lang kasi nakita ko* Yung nakaserve na yung food namin need pa namin ng extra plate for rice & chicken.

So tinawag ko si kuya pero dinedma niya ko kahit malakas naman yung pagkakatawag ko sakanya.

Nasa isip ko.. “Hala dedma si kuya!” Tapos nag asikaso ulit sya sa isang table nung tapos na sya at papunta dun sa pag lalagyan niya ng mga tray tinawag ko ulit sya at tinaas kamay ko para mapansin niya ko.

Then nilapag niya muna mga hawak niyang tray na may mga cups at plates sa kabilang table at lumapit sakin sabi ko.. “Hello kuya, pahingi po extra plate pls!” Nagtaka ako kasi naglabas siya ng maliit na notebook at ballpen. *shempre napaisip nanaman ako* Sabi ko.. “Kuya hindi na kami oorder need ko lang extra plate po.”

Sabay bigla siyang sumenyas na di daw siya nakakarinig at nakakapagsalita. Sabay abot ng papel at ballpen kaya ang ginawa ko sinulat ko yung extra plate at sumenyas din ako na need lang namin isa.

Kaya lumapit agad siya sa counter at pinabasa yung sinulat ko at sumenyas siya kay ateng cashier na need ko lang ay isang plate. Nung inaabot nya sakin nagthank you ako shempre at sumenyas ng “👍” ganito sabay smile.

Hindi ko nakuha name ni kuya dahil malabo mga mata ko hehe, Ang nakita ko lang na nakalagay sa name plate niya ay.. “I’M DEAF” Gusto ko lang i-share sainyo to guys kasi sobrang natutuwa yung puso kooooo.

Sana lahat ng company, agency, o sa kahit saan o sino pang employer ay ganito. Yung hindi namimili, Yung walang discrimination, Yung walang sobrang taas ng standards. Sana lahat tinatanggap o tumatanggap

Dahil para sakin hindi hadlang yung may kαραnsαnαn ka o wala, As long as kaya mong magtrabaho para sa mga mahal mo sa buhay. Lαbαn ℓαng!

At para sayo kuya kung ano mang name mo, Gusto ko lang sabihin sayo na.. “SOBRANG PROUD AKO SAYO!”

Ipagpatuloy mo lang yung layunin at pangarap mo sa buhay, Nandiyan lang palagi si Lord nakagabay. God bless po kuya!

Dahil sa ganitong post ay maraming kababayan natin ang umaasang may mga kαrαmdαmαn din na hindi nalalayo sa pagiging “bιngι” at “pιpι” na umaasang mabibigyan rin sila nang pagkakataon namakapag trabaho katulad ng isang normal na tao.

Lalaki Na Umorder Lamang Ng Isang Cup Na Kanin At Tubig, Naiyak Matapos Makatanggap Ng Sorpresa Sa Mga Crew

Sa pagsubok at hirap ng buhay na pinagdaanan natin ngayon, maituturing mo pa ding swerte ang iyong kung ikaw ay nakakakain pa din ng tatlong beses sa isang araw at hindi nawawalan ng pagkain sa hapag. Kaya naman dapat ay hindi natin ito kalimutan na ipagpasalamat sa Panginoon.

Naging viral sa social media kamakailan lamang ang post ng netizen na si Earl Achievan Calixto sa kaniyang Facebook account tungkol sa isang lalaki na um-order ng isang cup ng kanin at tubig sa isang kilalang fastfood chain sa Pampanga.

Napag-alaman na ang lalaki ay mula pa pala sa Tacloban ngunit nakipagsapalaran bumyahe patungo sa Pampanga sa pag-asa na makahanap ng mas maayos at magandang trabaho dahil sa hirap na pinagdaanan nila sa kanilang lugar.

Ayon kay Earl, una kaagad niyang napansin si Tatay noong pumasok ito McDonalds sa San Fernando Pampanga dahil napansin niya sa hitsura nito ang gutom at pagod. Noong nag-order ito, nakita ni Earl na isang cup lamang ng rice at tubig ang mayroon ito at kanin lamang ang kaniyang kinakain.

Kaya naman hindi na nagdalawang isip pa si Earl na lapitan ang lalaki at tinanong kung gusto pa nito ng makakain. Sumagot naman ang lalaki na siya ay nagugutom pa ngunit kulang ang kaniyang pera.

Saad ni Earl,

“Nilapitan ko si tatay tinanong ko kung gusto pa niya ng makakain, OO daw kase nagugutom siya pero kulang ang pera niya. So inorder ko siya ng makakain”.

Nag-order si Earl ng pagkain para kay Tatay ngunit laking gulat na lamang niya dahil pagbalik niya sa pwesto nito upang ibigay ang pagkain ay mayroon ng chicken fillet sa mesa nito. Sinabi ng lalaki na bigay lamang daw iyon ng crew.

Ani Earl,

“Thank you sa buong staff at crew ng McDonald’s San Fernando malapit sa SM, di kayo nagdalawang isip na tulungan si Tatay.”