Ibinahagi ni Janice De Belen ang nakakatuwang pahayag ni Ruffa Gutierrez tungkol sa mga mister na nangangaliwa.

Sa vlog ni Ogie Diaz sa YouTube channel nitong ‘Ogie Diaz Showbiz Update’. Nakapanayam niya sina Janice De Belen at Ruffa Gutierrez.

Kung saan ay napag-uspan nila ang pagiging hurado ng dalawa sa isang segment ng It’s Showtime na ‘ReiNanay’.

Una ng nagbigay si Ruffa ng kanyang pahayag at reaksyon tungkol sa nag-viral noon na isang contestant. Na naglabas ng hinaing laban sa komento sa kanya noon ni Ruffa.

Binalewala na lang umano ng aktres ang mga pahayag noon ng nasabing contestant. Minabuti na lang umano niyang intindihin ang pinagdaanan nito bilang isang ina.

Hanggang napunta ang usapan nila sa pagkakaroon ng karelasyon. Ayon kay Ogie dapat ay humanap na din si Ruffa ng makakatuwang niya sa buhay.

Matagal na din kasing single si Ruffa. Ibinaling naman ni Ruffa ang usapan kay Janice at sinabing dapat ay hanapan din ito.

Dahil tulad niya ay matagal na din itong hiwalay sa asawa at wala ring napabalitang naging karelasyon.

Habang sila ay nagkekwentuhan ay bigla naman napasok sa usapan ang topic na pangangaliwa ng mga mister.

Madami daw kasing mga contestant sa ‘ReiNanay’ ang ibinabahaging nangangaliwa ang kanilang mister.

Kaya naman ibinunyag ni Janice ang komento ni Ruffa ukol dito.

Ayon kay Janice sabi daw ni Ruffa, ‘Oh my God, Ate Janice! Kaya ayoko na mag-asawa, e. ‘Di ba mayayaman lang ang nangangaliwa? Ngayon pati mga mahihirap, mga bungi, mga pangit!’

Maraming netizens naman ang kinagiliwan ang prangkang pahayag na ito ni Ruffa. Kung tutuusin ay may point daw ang aktres sa sinabi niyang iyon.

Panoorin dito ang kabuuan ng nakakatuwa nilang chikahan:

Read also:

Sharon Cuneta, pinaringgan ang Pangulong Duterte: “Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang”!

Talagang ginulat ni Megastar Sharon Cuneta ang social media dahil sa kanyang post laban sa Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang facebook post, binatikos niya ang pamumuno ng Pangulo dahil di-umano sa mga dumadaming mga ‘bastos’ at nawawalan na ng respeto ang mga tao sa bawat isa’t isa.

Saad ng Megastar, “I was already expecting lots of trolls and haters to descend on this page once I posted about VP Leni and Kiko. Sadly, this is what this present administration has created and instilled in our people.” Dagdag pa niya, “Now, lumalabas na ang pagkabastos at pagkawalang disente ng marami sa ating mga Pilipino. Kundi na tayo marunong rumespeto sa isa’t-isa, paano tayo rerespetuhin ng mundo? Nasaan na ang tunay na bayanihan?”

Aniya pa, “Noong araw, nagrerespetuhan tayo ng kanya-kanyang paniniwala at kandidato pag kampanya at eleksiyon na. Ngayon, ganito na – bastusan. Yan ang dapat ma-erase. Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang.” Todo ang kanyang pagpaparinig sa Pangulo lalo pa’t binanggit nito ang mga kontrobersiyal na ginawa nito kasama ang ang pahayag nito noon patungkol sa Diyos. Isinama din ng singer-actress ang kasalukuyang kontrobersiyal na trasaksyon sa pagitan ng Gobyerno at ng Pharmally Corp.

Ika pa niya, “Piliin ninyo ang mga pinuno na may takot sa Panginoon – yung hindi tinatawag ang Diyos na “ST*P*D.” Ang walang paniniwala sa Panginoon ay nakakatakot mamuno, dahil ang diyos niya ang ang sarili niya.”

“Pumili kayo ng mga walang bahid ng korupsyon, may tapat na hangaring makapaglingkod at protektahan tayo. Hindi yung wala na ngang trabaho ang mga kababayan natin, gutom na wala pang ayuda.”

Sabi pa ni Sharon, “Pero ang mga di makasagot kung saan na napunta ang bilyong-bilyong piso na napunta sa Pharmally pero kitang-kita ang mga magagarang sasakyan at biglang pagyaman ng mga kasali diyan, yun ang pinagtatakpan at pinoprotektahan.”

Hinimok din ni Sharon na gumising na ang lahat ng tao dahil daw pinagtatawanan na daw ang Pilipinas ng ibang mga bansa. “Magising na po tayo. Di na makausad ang Pilipinas! Tama na ang pambobola sa atin. Tama na ang pinagtatawanan ang Pilipino ng mundo. Naway tulungan tayo ng Panginoong Diyos. God bless us all po!”, sabi pa ng aktres.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malapit si Sharon noon sa pamilya Duterte. Ngunit, tila nagsimulang magkaroon ng lamat ang relasyon ng kanyang pamilya sa mga ito dahil sa mga pambabatikos na natanggap niya sa social media. At isa rin sa maaring dahilan nito ay ang pambabatikos ni Pangulong Duterte sa kanyang asawa na si Presidential elect Senator Kiko Pangilinan na isa sa mga lider ng oposisyon.

Read also:

Sharon Cuneta, ipinakilala sa mga netizens ang isa pang ‘anak’ na nasa US: “Napakagwapo, iyan ang lahi namin”

Proud na proud si Megastar Sharon Cuneta nang ipakilala niya ang kanyang anak na lalaki na naninirahan sa US.

Sa tagal nang nasa industriya ng showbiz si Sharon Cuneta, halos lahat sa kaniyang pagkatao at pamumuhay ay alam na ng masa.

Kung tutuusin ay wala nang maitatago ang tinaguriang Mega Star na si Sharon.

Ngunit nitong nakaraan lamang nang ginulat muli niya ang mga netizens sa isang pagbubulgar.

Ukol sa isa pa niyang anak na kailan man ay hindi niya isina- publiko.

Kaya naman sa kanyang latest vlog update sa YouTube ay ipinakilala na ni Sharon ang tinutukoy niyang “son”.

Ito ay si Curtis, na isang sundalo at miyembro ng US Army.

Sa ngayon ay nasa Las Vegas ang Megastar upang magbakasyon kasama ang ilang kapamilya at malalapit na kaibigan.

Sa kanyang vlog, ipinakilala ni Mega si Curtis, ito ay ang kanyang pamangkin na tinuring na niyang anak.

Itinuturing din niyang “pride and joy” ang pamangkin at sana raw ay naging tunay na anak na lang niya ang sundalo.

“I’m with my son Curtis. I’m so happy to see him. He looks like me. He looks like tatay, my dad,” saad ni Sharon.

Aniya kulang na lamang daw na siya ang maglabas kay Curtis, proud na proud pang sambit ni Mega, “napakaguwapo. Iyan ang lahi namin!”

Kuwento ni Curtis, miyembro siya ng US Army at isa sa mga sniper section leader. Hirit naman ni Mega, mukhang namana sa kanya ng kanyang pamangkin ang pagiging sharp shooter.

“I don’t just fire and fire and fire like some people. I actually aim!” sey ni Sharon na sinang-ayunan naman ni Curtis.

Sa nasabing vlog ay nakipag reunion din si Sharon sa aktres na si Beth Tamayo na naninirahan na din sa U.S.