Robin Padilla, tapat na inamin na nagalaw narin ang savings na para dapat sa kanyang mga anak dahil sa hirap ngayon

0
48

Robin Padilla, ramdam na din ang hirap ngayong pandemy4!

Marami pa rin sa mga kababayan natin ang ramdam ang hirap dahil sa pandemy4. Isang taon na mahigit simula nang mag lockd0wn at marami pa din ang walang trabaho.

Katulad na lamang ng iba, ramdam na din ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang financial problem.

Parehas na sa industriya ng showbiz sina Robin at Mariel at hanggang ngayon, madalang pa din ang projects.

Nadagdagan pa ito nang magsara ang home network n Mariel ang ABS-CBN.

Makalipas ang higit isang taon ng lockd0wn, tapat na inamin ng action star ang kanilang pinagdadaanan ngayon.

Sa kanyang mahabang Instagram post, naging open si Robin sa kanyang followers kung ano ang hirap na pinagdadaanan nila ngayon.

“Hindi lamang po kayo ang hirap pati po kami sa aming tirahan ay masikip na masikip na ang sinturon sa pagtitipid,” sabi ni Robin.

Inamin niya din na nagastos na din nila ang savings na dapat nakalaan sa pag-aaral ng kanilang anak ni Mariel.

“Ang mga savings ay naghihingalo na kaya’t pati ang nakalaan para sa edukasyon ng mga bata ay nagalaw na pero patuloy pa rin naming itinatawid ang mga taong nasa pakpak namin, hangga’t maaari ayaw namin sila maghirap kaya’t ang aming mga sueldo ay diretso na sa kanila,” pag amin ng aktor.

Kaya naman, minabuti nang mag business ng asawa niyang si Mariel para makatulong sa gastusin nila sa bahay.

“Ang asawa ko ay nag negosyo na rin para makatulong sa aming mga panggastos halos wala ng tulog sa kakaalaga sa pamilya niya at sa pag aayos ng karne niya pero kinakailangan niya kumilos.”

Sa huli, naging positibo pa din ang mensahe ni Robin na malalagpasan daw ng lahat ang paghihir4p na ito.