Marami ang naantig sa video tampok ang isang PWD na sa kabila ng kαραnѕαnαn, siya ay patuloy pa din na nagtitinda ng mga kakanin sa daan upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya sa araw-araw.

Sa video na ibinahagi ng Facebook page na “Sabrinacio Footwear – main”, makikita na nadaanan nila ang isang babae na nagtitinda sa gilid ng kalsada habang sila ay bumabyahe. Maririnig din sa video ang pagtatanong kung saang lugar papunta ang tinatahak nilang daan. Doon ay napag-alaman nila na ang pangalan ng babae ay “Rosal” at 38-taong-gulang na. Ayon kay Rosal, ang kaniyang paninda ay naubos na daw.

Maya maya pa, tinanong siya ng kumukuha ng video kung siya ba ay naniniwala sa Panginoon. Dito ay pinagdaop na ni Rosal ang kaniyang mga palad at saka tumango dito. Matapos nito, si Rosal ay binigyan ng pera ng kumuha ng video.

Labis naman ang pasasalamat ni Rosal para sa kumuha ng video dahil malaking bagay na para sa kaniya ang perang natanggap mula dito.

Basahin ang kabuuang post:

“WHEN WE BELIEVE, GOD WORKS ????

Sya si ate rosal 38 yrs old taga bauang la union. Nakasalubong namen sya sa init ng araw nag titinda ng kakanin sa daan para lang mabuhay. Kita sa mukha nya yung pagod at hirap ng buhay. Pero disya nawalan ng pag asa at alam nyang mahal sya ng panginoon at alam nyang di sya pababayahan ??❤️?”

Samantala, mabilis naman na naging viral sa social media ang naturang video at umani ng samu’t saring reaksyon mula sa online community.

Sa komento ng isang netizen, naibahagi niya na malapit lamang ang tahanan nila Rosal sa kanila. Taga Barangay Bautista, Caba daw si Rosal at minsan ay nanghihingi daw ito ng mga barya at naglalako din ng balot.

Narito naman ang ilang komento mula sa mga netizens:

“While viewing this short clip it breaks my heart into pieces and I didn’t notice a tear roll down my face.I salute you sir, continue to be a blessings to others all the time. May God bless, guide your family always and gives you an overflowing blessings.❤??”

“Si Rosal po yan tga Caba La Union palagi kopo yan kinaksusap kpag nkikita ko sa skul o dadayo sa amin..Napakabait mo po Sir Sana all may mabuting puso, I am proud of u Sir..?”

“Good samaritan kahit pala nasa ραdєmιc tayo mero at meron paring taong gaya ni ser.ser kahit hindi ko nakita mukha mo sana maulanan ka para dumai ka.god bless and to your family”

Batang lalaki Double Job’ upang Maipagamot at Buhayin ang mga Magulang at Pamilya

Sinasabing ang pinaka-masayang yugto ng buhay ng isang tao ay ang pagiging bata dahil wala pa itong kahit anong kaakibat na problema at responsibilidad. Ang tanging kailangan lang nilang gawin ay mag-aral at maglaro.

Nasa mga bata din ang maraming karapatan na kailangan ibigay ng kanilang mga magulang. Ang karapatan makapag-aral, karapatan sa masayang kapaligiran, maayos na tirahan, sapat na pagkain at higit sa lahat ay karapatan maging masaya at makapaglaro kung kailan man nila naisin.

Ngunit sadyang nakakalungkot isipin na hindi lahat ng mga bata ay maswerteng nararanasan ang lahat ng ito.

Tulad na lamang ng isang batang si Manny na taga North Caloocan, na sa murang edad ay kinailangan ng maghanap-buhay para bυhαу ραrα bυhαуιn αng kαnуαng ραмιℓуα αt мαιραgαмσt αng kαnуαng mgα mαgυℓαng nα ραrєhσng mαу ѕαkιt.

Sinasabing bαℓdαdσ ang ama at may Tυвєrcυℓσѕιѕ nαmαn ang ina ni Manny, kaya naman siya na lamang ang inaasahan ng mga ito upang patuloy na bumuhay sa kanila.

Sa kanyang pagkabata ay kinailangan na munang kalimutan ni Manny ang pag-aaral at paglalaro upang maging bread winner at magdoble-kayod para matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Kaya naman sa buong maghapon ay kailangan niya maghanap ng dobleng pagkakakitaan o ‘double job’. Sa umaga ay nagtitinda siya ng walis, sponge at iba pang gamit sa bahay at matiyagang binabaybay ang mga barangay sa kanilang lugar.

Pagdating naman ng hapon hanggang gabi ay nag-iikot muli si Manny para naman magtinda at maglako ng balut. Ito lang daw kasi ang kaniyang nakikitang paraan para buhayin ang kanyang pamilya, at sa paraang ito ay mapasaya ang kanyang mga magulang.