PANOORIN! Lolo, Inabandona ng kanyang mga Pamangkin matapos nyang Alagaan at Pag-Aralin.

0
667

Isang matandang lalaki ang nag-iisa sa maliit na barong-barong dahil iniwan ito ng kanyang mga pamangkin matapos nya itong palakihin at pag-aralin.

Si Tatay Ruben na 68-anyos at naninirahan sa sira-sirang barong-barong sa gitna ng gubat mag-isa.

Ayon kay Tatay Ruben ay wala umano syang asawa at anak at ang kanyang magulang at mga kapatid ay pumanaw na kaya sya na lang namumuhay mag-isa.

Noong kabataan nya raw ay sagana ito sa buhay at may magandang trabaho kaya inalagaan nya ang apat nyang pamangkin at pinag-aral. Sya umano ang nagbabayad ng mga tuition fee ng mga ito.
Nalulungkot si Tatay Ruben habang kinukwento na hindi nya na makita ang kanyang mga pamangkin. Ngayong matanda at mahina na sya, kailangan nya ng tulong ng mga ito pero kinalimutan na raw sya ng mga ito at meron na ding sari-sariling Pamilya.Ang gusto lang ni Tatay Ruben ay maayos na matitirhan para kahit umulan o bumagyo ay hindi sya mababasa.

Lalaking hindi nakakakita, magtiyagang nagtitinda ng walis tambo upang kumita lamang ng perang pampatayo ng kaniyang baro-baro ng bahay.

Sa hirap ng buhay lahat ng tao ay kailangan kumayod upang maitaguyod ang araw-araw na mga pangangailangan. Kahit ang mga taong may käpãnsãnän ay nagsusumikap at nagsisipag sa paghahanapbuhay para lang matustusan ang kanilang pangunahing pangangailangan sa buhay.

Isa na rito ang kwento ng isang matandang lalaking bulag na nagtitiyagang maglakad sa pagbebenta ng mga walis tambo sa daan.Sa naging vlog ng sikat na vlogger na Vigerlyncares na tumutulong sa mga mahihirap, kaniyang ibinahagi ang naging kwento ng matandang lalaki.


Ayon kay Virgelyncares, nakita niya umano ang ibinahaging larawan ni Markclet R Clet sa facebook ng matanda habang naglalako ito ng mga walis tambo sa kabila ng mainit ng panahon. Nakilala ang matandang lalaki na si Manong Jimmy na isang bulag na mula pa sa Tiwi, Albay.

Ayon sa kaniya nagtitiyaga umano siyang maglako ng mga walis tambo para makaipon ng pera para maipatayong muli ang kaniyang nasirang tahanan dulot ng bagyo. Napag-alaman pa ng youbtube vlogger na si Virgelyn na nakikitira na lamang si Manong Jimmy sa kaniyang mga kamag-anak na siyang gumagawa ng mga walis tambo na kaniyang inilalako. May kaibigan din daw siyang kinukuhaan ng kaniyang mga panindang walis tambo upang maging doble raw ang kaniyang kinikita.

Dagdag pa niya, kahit daw maliit lang na bahay ang kaniyang maipatayo, ang mahalaga ay mayroon siyang sariling matutuluyan.Nakakaawa ang kalagayan ni Manong Jimmy dahil bukod sa kaniyang käpãnsãnän ay wala pa siyang sariling pamilya na makakasama sa buhay. Ayon kay Virgelyn, ang kinikita umano ni Manong Jimmy sa araw-araw ay sapat lang sa pang araw-araw niyang pagkain.

Source: Youtube/ Virgelyncares 2.0

At dagdag pa niya, hindi daw umaasa si Manong Jimmy sa mga taong kaniyang tinutulyan kaya kumakayod siya ng sarili. Sa araw-araw na paghahanapbuhay ni Manong Jimmy tinitiis niya ang init at pagod sa paglalakad upang maubos lang ang kaniyang mga walis tambo.

Maswerte na raw ang araw niyang nabibili lahat ang kaniyang mga walis tambo. Kaya dahil naantig ang puso ni Virgelyn kay Manong Jimmy kaniya binigyan niya ito ng tulong pinansiyal upang makabili ito ng kaniyang pangangailangan na gamot at pagkain.

Sa higit sa lahat ay maumpisahan ang kaniyang nasirang tahanan. Labis ang naging pasasalamat ni Manong Jimmy sa tulong na ibinigay sa kaniya pati na rin nung mga taong tinutulungan siya sa araw-araw ng kaniyang paglalako. Tunay na inspirasyon si Manong Jimmy dahil sa kabila ng kaniyang pagiging bulag nagagawa niyang maghanapbuhay upang mabuhay lamang sa araw-araw.