Panindang Mais at nilagang saging ni lolo, Pinakyaw ng Mag-asawa para makauwi na siya at may kasamang Tip pa

0
434

Marahil ay narinig niyo na ang mga salitang “Mag-ipon ka habang bata ka pa”. Madalas natin itong marining sa mga kamag anak nating mejo may edad na.

Marami kasi sa ating mga Pilipinong senior citizen ang nαριριℓιtαng magtrabaho parin imbes na nag papahinga nalang sa bahay.

Sa facebook post ni Jolina Pantila Serit, Isang matandang lalaki ang naglalaki ng mais at nilagang saging sa tapat ng kanilang tindahan.

Nakaupo ang matanda sa semento habang bitbit niya ang tray kung saan nakalagay ang kanyang mga paninda. Nakita siya ni Jolina at kanyang asawa, dahil sa nakitang sitwasyon ni lolo, binili nila lahat ng kanyang paninda.

Tinulungan ni Jolina si lolo na ilagay ang lahat ng kanyang paninda sa supot. Nasa 500 lang sana ang halaga ng lahat ng paninda ni lolo ngunit ibinigay ng buo ni ate ang 1000.

“Eto na lang. Para sayo lahat yan. Uwi  ka na ha. Sabi ni ate kay lolo. Pinaalalahanan rin niya si lolo na itago ang kanyang pera at baka ito mαωαℓα.

Kapansin-pansin rin sa video na bago umalis ang mag-asawa ay nagmano pa si ate kay lolo na para  bang tunay niya itong ka dugo.

Sabi pa ni Jolina sa kanyang post

“Kanina sa labas ng tindahan namin nakita ng mag asawa c tatay nag titinda ng mais saka saging naawa sya Kay tatay kaya binili niya lahat ng paninda ni tatay. binili lahat ni ate para makauwi na daw si tatay ngayon Lang ako nakakita ng ganito kaya pinost ko kabaitan ni ate #God bless you po sainyong mag asawa

Nag trending ang post ni Jolina na umabot ng 6.5K likes at 19K shares. Maraming mga netizen ang natuwa ang nagkumento.

Nabillah Masasa: lagi ko pinapanood ito maiiyak ako sa kabaitan n ate kay tatay pra maka owena cya ag bait n ate ag lambut ng puso nya sana all ganito

Diane Demeterio: Uuwi ka na tay ingat po palagi. Kahit papaano makakapag day off ka ng may kita. Godbless!

Razon Lexglo: Sna mkita ng kabataan to…kng paano tayo mkakatulog s mga nkkatanda s atin kapwa..bilang aral ito s mga tao hnd mrunong tumulog s kapwa…sna lahat NG kapwa k Pinoy gnito…lord sna Po buksan ninyo Po mga puso nman n mkatulog s Amin kapwa.amen

Source: Facebook post

Isang Lalaking Nagbebenta Lamang Ng Lumpia Ay Kumikita Ng Higit 100,000 Pesos Sa Isang Buwan

Tunay ngang may mararating ang kasipagan ng tao. Ang determinasyon at ang pagiging madiskarte sa buhay ang nagdadala sa tao upang umasenso.

Kahit anong paraan ng paghahanapbuhay ay ginagawa ng tao upang may kikitain na pera sa bawat araw.

Katulad na lamang ng isang lumpia vendor na viral ngayon sa social media na kumikita ng malaki sa bawat linggo. Ang kaniyang kwento ay ibinahagi ng isang netizen na siyang nakatuklas ng kwento ng buhay nito.

Ang netizen na ito ay si Jomer Arañas, ibinahagi niya ang kwento ng lalaki dahil napabilib siya kasipagan at diskarte nito sa pagbebenta ng lumpia kahit nasa kalsada lamang siya.

Ibinahagi ni Jomer sa kaniyang post kung paano niya nakapanayam ang lalaki. Ayon sa kaniya, habang siya ay naglalakad sa daan nakita niya ang lalaki na nagbebenta ng lumpia.

Siya ay napahinto at bumili ng binebenta nitong lumpia, pagkabili niya ng lumpia sa lalaki tsaka siya nagkaroon ng pagkakataon upang mainterview ito.

Ayon sa lalaki, nakaka-ubos siya ng 600 na pirasong lumpia sa isang araw at madalas talaga itong nauubos dahil gustong-gusto ito ng kaniyang mga mamimili.

Ayon pa sa kaniya, ang tinitinda niyang lumpia ay nakakahalaga ng Php20 sa bawat tatlong piraso na kung ito ay bibilangin ay umaabot ang mga ito sa Php4,000 sa bawat araw.

Kung kaya’t ang 600 na pirasong lumpia ay umaabot sa Php28,000 sa loob lamang ng isang linggo. Ang kinikita ng lalaki ay nakakahalaga ng kabuuang kita na umaabot sa Php112,000 sa loob lamang ng isang buwan.

binahagi ni Jomer sa kaniyang facebook ang naging kaniyang pagkalkula sa kinikita ng lalaki sa pagtitinda lamang ng lumpia. Kaya maraming mga netizen ang nagulat sa kinikita ng lalaki na dinaig pa ang sahod ng isang empleyado.

Sa kabilang banda hindi naman ganoon kalaki ang gastos ng lalaki sa paggawa ng lumpia at solo naman niya ang kaniyang kinikita. Kaya’t umani ito ng samu’t saring komento kagaya na lamang ng mga ito.

“Oo malaki nga kita pero siyempre meron pa diyan gastos sa Gas, Mantika, Gulay, wrapper pero ayos din yan atleast kumikita diba mga sir”

“The labor is hard. I hate making it and cooking it. I`d rather buy”.

“Kahit ano pa ang sabihin ng iba kesyo marami pang kelangan bilihin bago makapagtinda niyan gastos dito gastos don! suma total kumikita si kuya yon ang mahalaga! Godbless kuya!”

Ang pagtatagumpay sa isang bagay ay nakasalalay sa tamang diskarte sa buhay.

Basta determinado kang makuha ang isa bagay nararapat lang na lagi itong lalakipan ng kasipagan.