Pamanang Lupa Ng Nanay Sa Kanyang 11 Na Anak, 16 Taong Hindi Nasilip At Nang Makita Nila Sa Personal Ay Talagang Namangha Sila

0
601

Isa sa mga naiiwan ng ating mga mahal sa buhay ay mga ari-arian, minsan ay lupa, bahay at mga kagamitan. Isang pamana ang nakakamangha ng isang ina sa kanyang mga anak ang trending sa social media ngayon.

Kadalasang iminumungkahi ni Nanay Leoning Suque sa kaniyang mga anak na merong iniwang lupa mula sa kaniyang ina noong siya ay nabubuhay.

Ang lokasyon ng naturang lupa ay sa Bicol.

Gayundin ang gusto ni nanay Leoning na ipamana sa kaniyang minamahal na mga anak. Sa pamamagitan ng hanabuhay ni nanay sa pagbebenta ng gulay sa palengke sa Cainta, Rizal, dito siya kumukuha ng pangtustos sa labing isa nitong anak.

Kabilang sa labing isa na anak ay si Noel, batay sa kaniyang mensahe na hindi man sila lumaking mayaman, labis labis naman ang kanilang natutunan sa pagturo ng magandang ugali at mayamang pagmamahal sapagkat ginabayan sila ng kanilang masipag na ina.

Ayon pa nga kay Noel, ” Napakabait ng nanay ko. Madaling araw pa lang nasa palengke na siya, nagtitinda na.”

Batay kay Consolacion Baula na isa sa magkakapatid, ” Basta ang nagluluto ng ulam namin ay ang nanay namin. Kahit anong ulam iyan, masarap kase masarap magluto ang nanay namin.”

Narito naman ang mensahe ni Arturo, ” Ang nanay ko talaga, napakamatuwid niyan. Ayaw niya ng [email protected]@kaw kami.”

Na sinundan ni Noel, ” Kaya Kami hindi natutong magsugal.” Napakabait po, sila ng tatay ko hanggang sa tumanda sila.”

Taong 2004, si nanay Leoning ay lumisan sanhi ng mild stroke.

Nagdaang 17 taon ay siyang paggunita sa matagal ng lupa. Saad ni Noel, wala na sa kanilang isipan ang nasabing lupa ng ina. Napasok ang kanilang usapan tungkol sa lupa noong nagdaang 17 taon ng kanilang kapamilya at taon ring July 2021 ding iyon ay lumisan ang kanilang tiyahin. Ipinagbigay alam nang kanilang kamag-anak na silipin ang naturang lupa ng kanilang ina sapagkat nagdaang panahon na ang walang dumadalaw doon.

Ayon kay Noel, ” Nabanggit nga ng isang tita ko na kung maaari ay pasyalan namin ang lupa ni nanay.” Sa paglaganap ng virus ay siyang paglaki ng epekto sa negosyo niyang tindahan kaya’t dagli niya itong pinuntahan at subukang alamin kung bùkas ang naturang lupa sa masaganang oportunidad doon.

Lubos ang tuwa sa pamana. Hindi na sila nag aksaya ng panahon kasama ang kapatid nitong si Joey ,patungong Barangay Kutmon, Bato, Camarines Sur ang kanilang biyahe na kung saan ang nasabing lupa ng ina. At ito’y nagbigay ng kamangha-mangha sa nakita. Ang lote na tinitirikan ng lupa ay hindi ordinaryo sapagkat ang ipinamana ng ina sa kanila ay hindi kapirasong lupa bagkus humigit limang ektarya ang lawak. Kasama rin dito ang 50-feet tall Bagacay Falls! na bahagi rin dito ang ilog at burol.

Nahihinuha na rin ni Noel ang potensyal ng lupain para sa negosyo, ” Maaaring mag-alaga ng kambing sa mga gilid-gilid. Maraming puno.” Habang siya’y nakatanaw sa ilog na kulay asul na tubig, ito’y madamdamin nitong wika, ” Parang may yumakap sa akin na malamig. Sabi ko’ Siguro kasama ko ang nanay ko.”

Papalaguin at bibigyan ng importansya ang naturang pamana. Merong ginawang Youtube channel si Noel, Ang Honda Best Bros, upang ibahagi at bigyan ng updates ang lupang ipinamana. Napag-isipan ng magkakapatid na ang lupang minana ay payabungin. Batay kay Arturo, ” Imbes na paghatian namin iyan, walang sizes. Sandali lang yung pera, e.”

Napagplanuhan nilang gawan ng munting bahay na parang Campsite upang hindi na nila ito pangkat-pangkatin. Maganda ring suhestiyon ng magkakapatid na pagyabungin at paglaguin ang iniwang pamana para sa kanila upang maging katulad rin para sa magiging legacy ng kanilang mga anak, katulad ng pamana ng kanilang nanay Leoning.