Dahil sa hiwalayang Scottie Thompson at Pau Fajardo, naging usap usapan sa social media na lahat daw ng naghihiwalay ngayon ay mga long term relationship at ipinagpapalit lamang sa mga bagong kakilala.

Matatandaang noong nakaraang taon ay nagkaroon ng break up story si Crisha Uy sa kanyang youtube channel. Dito kitang kita sa kanyang hirap na hirap siya sa pinagdadaanan at sobrang sakit para sa kanya ang kinahinatnan ng relasyon nila ng aktor na si Joem Bascon. Ang relasyon nila ay tumagal ng 8 years at engaged na rin ang couple na ito.

“Hindi ko ni-regret na naging kami, iyong eight years namin kasi mahal ko naman siya. …Mahirap sabihin pero wala na tayong magagawa if he fell out of love”, ani Crisha.

Nitong taon ay umugong din ang balitang hiwalay na ang sikat na streamer na sina AkoSiDogie at ChixxniDogie. Ito ay ang kanilang ikalawa at huling paghihiwalay.

“Hindi ko ni-regret na naging kami, iyong eight years namin kasi mahal ko naman siya. …Mahirap sabihin pero wala na tayong magagawa if he fell out of love”, ani Chixx.

Netizens: “A woman’s loyalty is tested when her man has nothing and a man’s loyalty is tested when he has everything.”

At nitong Linggo naman ay binulaga ang netizen ng kinumpirma ang kasal ng basketball player na si Scottie Thompson kay Jinky Serrano. Noong bagong taon ay maaalalang nag-propose si Scottie sa kanyang long term girlfriend na si Pau Fajardo.

Read also:

Scottie Thompson, proud na ibinahagi ang larawan nila ng kanyang asawa na si Jinky Serrano sa social media sa unang pagkakataon

For the first time, pinakita na ni Scottie Thompson sa kanyang social media ang kanyang misis na si Jinky Serrano.

Tila handa nang isapubliko ni Scottie  ang tungkol sa kanyang asawang si Jinky. Sa unang pagkakataon mula nang lumabas ang balita tungkol sa kanilang kasal.

Ipinakita ni Scottie ang kanyang misis sa kanyang Instagram post kamakailan. Puro emojis lang ang caption ng basketbolista sa kanilang litrato.

Kung saan makikitang tila nasa isang resort silang mag asawa. Nakasuot si Jinky ng black one-piece bikini. Samantalang topless naman si Scottie at nakasuot ng itim na broadshort.

Agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon ang larawang ito ng controversial couple.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Flex nya ung ch3ating days nila

“Hangga’t may inapakang kayong tao sa pakikipagrelasyon nyu di rin kayo magiging masaya hanggang dulo”

“Nakanang pineflex na, di na takot yern”

Matatandaang nabahiran ng kontrobersiya ang dapat sana’y espesyal na araw para sa kanila matapos lumabas ang balita tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib.

Marami ang nagulat dahil marami ang umaasa na kay Pau Fajardo siya ikakasal na kanyang long-time girlfriend at naging fiancée niya matapos niyang mag-propose nitong Enero ng kasalukuyang taon.

Sinabi naman ni Scottie na siya ang dapat sisihin sa mga nangyari sa kanila ni Pau.

“Buhay niyo ba to? Okay sige. Dahil ito gusto niyo para matapos na. Sa mga nagtatanong at sa mga gumagawa pa mga dummy account thank you sa effort niyo alam ko ito lang gusto niyo marinig at gusto niyo trending kayo. AKO REASON NG HIWALAYAN NAMIN AKO ANG MAY MALI NG LAHAT.”

Ang ilan namang netizens ay may himutok pa din dahil sa naging issue ng tatlo.

Read also:

Dennis Trillo, kumpirmadong daddy na nga ba sa magiging baby nila Jennelyn Mercado, dahil namanhikan na ito sa pamilya ng aktres?

Ang long time celebrity couple na Dennis Trillo at Jennelyn Mercado ikakasal na nga ba? Sa kamakailan lamang na naging usap-usapan ang pagsugod sa ospital kay Jennelyn habang ito ay may lock-in taping kasama ang aktor na Xian Lim para sa kanilang drama series na “Love. D!e. Repeat”.

Ayon sa mga balita, buntis di-umano ang aktres at nagkaroon umano ito ng bleeding kaya ito biglaang isinugod sa ospital.

Kasunod naman nito ang balitang papalitan raw muna ang aktres bilang main character ng palabas ngunit nagdesisyon ang management na antayin na lamang ang pagbabalik ni Jennelyn.

Lalo naman nagka ideya ang mga netizens na totoo nga ang balita, dahil sa isang post ni Jennelyn na nakatag ang isang maternity clothing brand.

Ang naturang post ay tungkol sa kanyang pasasalamat sa event stylist na si Gideon Hermosa para sa kanilang bagong Christmas Tree.

Marami tuloy ang nagsasabing unti-unti nang pinapaalam ng aktres ang magandang balita. Marami na rin sa kanilang mga fans ang excited para sa magiging announcement ng aktres at ng longtime boyfriend nitong si Dennis Trillo.

Makalipas kasi ng issue na ito, may kumalat na rin na balita na namahinkan na di-umano si Dennis sa pamilya ni Jennelyn.

Kahit ang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ay nagbahagi sa kanyang Instagram account. Kung saan sinabi niyang, “Kung totoo iyong nabalita at nabasa ko na namanhikan na ang parents ni Dennis Trillo kila Jennylyn Mercado, ang saya.”

“Hindi naman siguro gugustuhin ni Jennylyn na sa pangalawang pagkakataon ay wala pa rin sa tabi niya ang lalaking mahal niya para makasama sa exciting stage ng buhay niya bilang babae.”

Dagdag pa nito, deserve din naman daw ni Jennelyn ang tunay na pagmamahal at pangangalaga mula sa taong mahal niya.Aniya, “Dapat talagang nasa tabi niya ito para suportahan siya at manindigan sa desisyon ginawa nila.”

Tila nagpaabot na agad ng pagbati si Manay Lolit sa celebrity couple. Saad niya, “Happy days for Jennylyn Mefcado and Dennis Trillo. Best wishes sa tatahakin nilang bagong buhay. A round of applause for their happiness.”