Ang mga matatanda ay dapat na nagpapahinga na lamang sa bahay at hindi na nagtatrabaho. Pero minsan dahil sa hirap ng buhay, mayroong mga lolo at lola na pinagpapatuloy ang paghahanap buhay para sa kanila at sa kanilang pamilya.

Sa isang Facebook page na Trending TV ay ibinahagi ang larawan ng isang matanda na makikitang nagtitinda sa lansangan. Ayon sa post, nananawagan ang page na ito sa mga restaurants at mga fast food chains na malapit sa Camarin, Caloocan o Almar na kung sana ay tulungan nila ang lolo na nakilala bilang si Lolo Romy, 81 taong gulang.

Nagbebenta siya ng mga apron na nagkakahalagang trenta pesos lamang kada isa. Gagamitin niya kasi ang pera na makukuha niya mula sa kanyang mga paninda bilang pambili ng kanilang pagkain at iba pang pangangailangan.

Kahit sa sobrang init ng araw ay patuloy lang di umano ang matanda sa pagtitinda sa may footbridge.

Isang netizen naman na nagngangalang Nikki Marielle Efren Eviota ang kumakatok rin sa mga netizens na may mabubuting kalooban upang matulungan si Lolo Romy at ang kanyang may bahay na si Lola Corazon, 70 taong gulang.

Hiling raw kasi ng matanda para sa kanyang kaarawan ay magkaroon siya ng pustiso. Kung kaya’t may mga netizens sana na magpaabot ng kanilang tulong. At sa kabutihang palad nga naman ay may mga taong nagbigay sa kanila ng donasyon.

Samantala, isang netizen na nagngangalang Camillejoy Budol, ang kasintahan ng apo ni Lolo Romy na si Zoilord Gaa ay labis ang pasasalamat sa mga netizens na nagpaabot ng tulong sa matanda.

Paliwanag niya sa mga nagtatanong kung bakit patuloy ang pagtitinda ni Lolo Romy ng mga aprons ay dahil mas gusto raw ng matanda na mag-hanap buhay kaysa manatili sa bahay kahit na sinasabihan siya palagi na manatili na lamang siya sa bahay kasama ang kanyang mga apo.

Nagsisilbing exercise na rin daw iyon ng matanda dahil pakiramdam niya na mas lalo lang siyang manghihina kapag siya ay nasa bahay lang at walang ginagawa.

Sana ay mag-ingat na lamang ng mabuti si Lolo Romy sa kanyang pagtitinda, at nawa’y bumuhos pa ang mga tulong para sa kanya.

Read also:

Lolo, Namamalimos para Maibili ng Gatas ang Kanyang Apo

Isang Lolo ang humihigi ng tulong para sa kanyang apo dahil silang dalawa lang umano ang magkasama matapos na pumanaw ang ina ng sanggol.

Ayon sa post ni Emilio Torrente, nakita nya ang mag-Lolo na ito sa isang overpass sa Calamba na namamalimos para umano pambili ng gatas at diaper ng bata.

Ayon pa kay Torrente, pumanaw daw umano ang ina ng sanggol noong 9 na buwan pa lamang si baby kaya mula noon ay namalimos na lang ang Lolo ng sanggol upang maibili ito ng gatas.


Sa bangketa lamang natutulog ang mag-Lolo at humihingi sila ng tulong para sa mga gamit at gatas ng kanyang apo.

Read also:

Isang Delivery Man ang nakuhanan ng litrato habang nagtatrabaho buhat ang kanyang anak

Sa hirap ng buhay ngayon, hindi pa rin tayo sumusuko sa mga hamon na dumarating sa ating buhay. Para makakain ang buong pamilya, kailangan nating kumayod at magtrabaho. Para makapag-aral ang mga anak, kailangan ding kumayod at magtrabaho.

Kasabay ng kahirapan ng ekonomiya ng ilang bansa ay ang kahirapan din sa paghanap ng maayos na trabaho. Kadalasan ay hindi nasasapat ang kinikita ng ilan upang matustusan ang pangaraw-araw na buhay. Pero hindi dapat ito ang maging dahilan upang tayo ay tumigil lampasan ang mga dagok ng buhay.

May mga kwento ng buhay patungkol sa mga nagagawang sakripisyo ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ang ilan dito ay mga solo-parent na magisang itinataguyod ang pamilya. Lahat ay kayang gawin ng isang magulang para sa kanyang anak.

Katulad na lang ng isang ama na nakuhanan ng litrato ng mga napadaang tao. Isang lalaki ang nakita na naglalabas ng mga delivery na kahon gamit ang isang kamay at ang isang kamay naman ay gamit pambuhat sa kanyang munting anak.

Maraming naging reaksyon ang nga nakakita nito. Karaniwan sa mga reaksyon ay pagka-bilib sa ama na kayang pagsabayin ang trabaho at pagaalaga. Pero ang ilan naman ay nagaalala sa kaligtasan ng bata. Sinasabi din nila na sana ay mayroon siyang baby carrier para hindi siya mahirapang magbuhat at magamit ang dalawang kamay.

Sa kabilang banda, mas marami pa rin ang pumuri sa ipinakita ng ama na ito. Kung ano man ang dahilan ng pangyayaring ito, nagpapamalas pa rin ito ng pagiging isang ulirang ama sa kanyang anak. Sana lang ay maging maayos na ang sitwasyon niya para na rin sa kaligtasan at kapakanan ng kanyang anak.

Marahil nagtataka ang ilan kung bakit sinasama pa ang anak niya sa trabaho. Maaaring walang mapagiwanan ang bata kaya naman nagawa ito ng ama.

O kaya naman walang kakayahan ang ama na ilagak sa daycare ang kanyang anak. Pero kung iisipin, hindi biro ang ginagawang trabaho ng lalaking ito. Ito ay isang halimbawa ng pagpapamalas ng kasipagan sa trabaho.