Netizens, inalala ang dating sikat na child star na si Serena Dalrymple na masaya na ngayon ang buhay sa Amerika

0
81

Ang dating child wonder noon turning 31 years old na ngayon!

Si Serena Dalrymple ay unang nakilala sa napaka-cute na commercial noon ng isang sikat na fast food chain.

Makatapos makitaan ng potensyal sa kanyang commercial ay sunod sunod na ang oportunidad na dumating sakanya.

Pinasok na din niya ang industriya ng showbiz at namayagpag siya noong 90’s.

Nabigyan siya ng napakadaming pelikula, teleserye gaya ng Mga palabas sa TV Marinella, Spirits, Sanay walang ng wakas, Wansapanataym, ito na ang susunod na kabanata, Tanging Ina.

Ngunit kahit pa nga ba, bumabaha ang proyekto niya at nagniningning ang bituin niya bilang isang child actress sa local showbiz industry, ay nagpasya si Serena na mag-pokus muna sa kanyang pag-aaral, hanggang sa naninirahan na nga ang aktres sa ibang bansa.

Iniwan niya ang kanyang career dito sa Pilipinas bilang isang child actress noong siya ay 14-taong gulang

Upang tapusin ang kanyang pag-aaral sa De La Salle College of St. Benilde, kung saan siya ay nagtapos ng kursong Export Management.

2004 ng pumunta si Serena sa Ibang bansa upang pag patuloy ang pag aaral.

2010 bumalik siya upang tapusin ang pelikulang Ang Tanging Ina kasama si Ai Ai Delasalas.

Pagkatapos ng pelikula ay bumalik na sa dating niyang bu’hay si Serena, pinag patuloy niya ang pag aaral hangang sa ito nga ay makapagtapos ng Masters in International Business sa Hult International Business School sa London.

Hindi man nasisilayan sa tv o big screen ay updated naman ang kanyang mga fans sa kanyang Instagram.

Sa ngayon nga ay nagtatrabaho na si Serena bilang Manager

Sa the Center of Excellence sa Viacom sa New York ayon sakanyang LinkedIn profile.