Nakakamanghang Nakapagtapos Ng Kolehiyo Ang Isang Street Sweeper, Sa Kabila Ng Kanyang Pagiging Isang Ina Sa 7 Niyang Mga Anak

0
402

Sa pag-abot natin sa ating mga pangarap, hindi kailanman nagiging hadlang ang kahirapan lalo pa’t kung ang isang tao ay determinadong maabot ang kanyang mga mithiin sa buhay. Wala sa edad at estado sa buhay ang sukatan upang maging matagumpay ang isang tao sa hinaharap. Ito ay kagaya na lamang ng kwento ng isang street sweeper na nag-viral dahil sa nakamit niyang tagumpay sa buhay.

Source: Facebook

Tunghayan natin kung paano pinatunayan ni Ofelia Mondaya ang kanyang nakamit na tagumpay. Si Ofelia ay nagtatrabaho bilang isang street sweeper sa edad na 55 taong gulang. Siya ay naglilinis ng kalsada sa Barangay Poblacion sa Batangas City. Maituturing na isang masipag na manggagawang Pilipino si Ofelia dahil patuloy ang kanyang pagtatrabaho sa gitna ng pandemiya. Marami ang humanga sa kanya dahil hindi kailanman tumigil ang kanyang pangarap na magkaroon ng diplomang maipapagmalaki niya.

Dahil bukod sa pagiging isang street sweeper naipagsasabay ni Ofelia ang kanyang trabaho at ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa loob ng apat na taon. Kumuha siya ng kursong Business Administration at isa siyang scholar ng Colegio ng Lungsod ng Batangas, ipinakita ni Ofelia ang kanyang determinasyon na makapagtapos ng pag-aaral, kahit na mayroon na siyang 7 mga anak.

Source: Facebook

Bago niya napagtagumpayan ang kolehiyo, sinikap ni Ofelia na makapagtapos ng Alternative Learning System (ALS) na programa ng Kagawaran ng Edukasyon. Sa pag-abot ni Ofelia sa kanyang mga pangarap, may mga tao ring labis na sumuporta sa kanyang pag-aaral kagaya na lamang ng kanyang supervisor. Tinulungan siya ng kanyang supervisor na magkaroon ng flexible working schedule upang hindi maapektuhan ang kanyang pag-aaral.

Kaya naman ang kanyang pamilya ay sobrang proud kay Ofelia lalo na ang kanyang mga anak. Dahil ayon sa isang anak nito, na ang kanilang ina ang tumupad sa kanilang pangarap na hindi nila nakamit at iyon nga ang makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kanilang kahirapan. Kwento pa ng ina ni Ofelia, hindi na dapat daw hintayin pang tumanda upang maisip ang tunay na kahalagahan ng edukasyon. Ayon naman kay Ofelia, ang makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang pangarap sa buhay upang sila ay makaahon sa kanilang kahirapan.

Source: Facebook

Ang anak ni Ofelia na si Crizel ay naging inspirasyon siya nito upang maging matiyaga at maging determinado ring maabot ang kanyang mga pangarap. Bilib daw siya sa kanyang ina, dahil kahit busy sa pag-aalaga sa kanila pati na rin sa kanyang trabaho hindi ito napapagod na maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Kaya naman idolo niya ang kanyang ina.

“Sobrang pinagtiyagaan niya talaga. Halos sa madaling araw umaalis siya, magtatrabaho, magwawalis tapos uuwi siya ng u maga na, maliwanag na. Tapos mag-aaral siya kasi marami siyang assignment,” aniya.

“Proud na proud kami sa kaniya. Hindi man kami nakapagtapos, katulad ng kanyang pinapangarap sa amin, masaya kami kasi siya ‘yung halos tumupad na rin ng pangarap namin,” sabi pa ni Crizel. Kahit na walang naganap na face to face na graduation ceremony, labis naman ang naging kagalakan ng mga anak ni Ofelia dahil siya ay nakapagtapos na ng pag-aaral sa kolehiyo at isa nang ganap na degree holder. Wika pa ni Ofelia sa mga kapwa niya nangangarap din na huwag silang sumuko at laging maging positibo sa buhay.

“Huwag na po nating hintayin na tayo ay magkaedad pa o maging matanda bago mag-aral… Kailangan po talaga maging positibo tayo sa buhay at gawin po natin ‘yung tama at alam natin na makakatulong sa atin. Ganoon din po sa ating kapwa.”

Source: Facebook

Sa ngayon isa ng job order employee sa city hall ng Batangas City si Ofelia, aniya pa gagamitin niya ang kanyang diploma upang makapag-apply siya bilang isang regular na empleyado. Nais pa ring maipagpatuloy ang kanyang pagiging isang lingkod-bayan.

Read also:

Inaaℓιρυѕtα siyα ng mgα emρℓєуadσ, hindi nila alam na siya pala ang may ari ng building

Dapat nga bang husgahan ang isang tao base sa kaniyang panlabas na anyo? Isang araw ay abala ang lahat ng empleyado sa isang kilalang hotel sapagkat maraming panauhin ang nagsisidatingan. Ilan sa mga ito ay mayayaman at kilala sa buong bansa. Isa na rito ay si Mrs. Jhemerlyn Roblez na kasalukuyang nakapila. Si Mrs. Roblez ay isang tanyag na manunulat.

Halos lahat ng tao sa bansa ay hinahangaan ang kaniyang mga sulat at likha kaya naman ay madalas na naituturing siyang “VIP” sa kaniyang mga pinupuntahang lugar. Nahinto ang lahat ng tao sa kanilang ginagawa nang pumasok ang isang matandang lalaking nakasuot ng simpleng pananamit.

Sa unang tingin ay aakalain mong ito ay isang pulubi sapagkat nakasuot lamang ito ng isang puting damit, simpleng shorts, at tanging tsinelas lamang ang sapin nito sa paa. Hindi mapigilang mapalingon ng mga mayayamang panauhin at tumingin nang masama rito.

Halata sa kanilang mukha ang pagka-inis sa matanda. Hindi sila pinansin ng matanda at nagpatuloy lamang ito sa paglalakad. Dali-dali siyang nilapitan ng mga empleyado upang asikasuhin. Nang makita iyon ni Mrs. Roblez ay kaagad itong nainis. “Ako ang nauna sa pila kaya ako dapat ang unahin ninyo!” sigaw nito. Nabaling ang atensyon ng mga tao sa kaniya at maski ang matanda’y tinapunan din siya ng tingin.

“Kanina pa ako naghihintay rito ngunit ang pulubing iyan ay kararating lamang. Dapat ako ang inuuna ninyo sapagkat ako ang may pambayad sa lugar na ito. Ang mga pulubing kagaya niya ay nararapat na mapunta sa pinaka dulo ng pila. O mas maganda ay hindi na pinapapasok pa sa mamahaling hotel kagaya nito!” inis nitong sumbat. Dinuro-duro niya ang matanda habang patuloy pa rin sa pag-sigaw.

Sinubukan siyang pigilan ng ilang empleyado ngunit ayaw talaga nitong huminto. Hindi nagtagal ay lumapit sa kanila ang manager ng hotel. “Kumalma ka, Mrs. Roblez. Ang ‘matandang pulubi’ na kausap mo ay ang may-ari ng resort. Siya ay si Mr. Salvadore.” saad nito.

Napahiya si Mrs. Roblez sa harap ng maraming tao. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkabigla. Hindi makapaniwala na ang lalaking inakala niyang pulubi ay ang may-ari pala ng hotel. Nang mapagtanto niya ang kamaliang kaniyang nagawa ay paulit-ulit siyang humingi ng tawad dito.

“Pasensiya na ho. Hindi ko talaga alam na ikaw ang may-ari ng hotel na ito. Handa akong magbayad para sa kasalanang nagawa ko.” “Ayos lang iyon, Hija. Sa susunod ay huwag kang manghuhusga ng tao base sa kanilang panlabas na anyo.

Huwag din mababa ang pagtrato mo sa iba dahil lamang mas nakakaangat ka sa buhay.” Sa huli ay nahiya at nagsisi si Mrs. Roblez. Napagtanto niya na hindi dapat hinusgahan ang isang tao base sa panlabas na anyo nito. Kahit kailan ay hindi naging maganda ang panghuhusga ng kapwa. Ugaliin nating kilalanin muna ang mga ito bago sila husgahan.