Ang simbang gabi ay isa sa mga pagdiriwang na ginaganap tuwing naghahanda tayo sa pagsapit ng kapaskuhan. Ang kwento nga ng iba, kapag nakumpleto ang siyam na misa de gallo ay matutupad ang bawat hiling. Kaya nakakamangha na hindi lang pala tayong mga tao ang naghahanda sa pagsapit ng kapaskuhan.

May isang aso ang nag-viral sa social media dahil sa pagsisimba nito tuwing simbang gabi. Siya ang asong si Bukoy na taga Ormoc City. Ang amo ng asong si Bukoy ay nagsisimba tuwing simbang gabi. Ayon sa kanila, hindi nila namamalayan na sumasama pala ito sa kanila sa loob ng simbahan. Ang amo ni Bukoy ay nakapwesto sa unahan na mga upuan samantalang si Bukoy ay nasa bandang likuran pumupuwesto kaya hindi nila ito talaga napapansin.

Napansin na lamang ng pinsan ng amo ni Bukoy na si Maria Dayde Laude, na madalas na niya itong nakikita sa loob ng simbahan simula nung nagsimula ang simbang gabi at nauuna pa itong dumarating sa kaniyang amo.

Kaya kinukuhaan niya ito ng larawan sa bawat misa. Ibinahagi niya sa kaniyang facebook account, ang nakunan niyang larawan ni Bukoy tuwing simbang gabi. Hanggang sa nalaman ng may-ari na sumusunod pala papuntang simbahan ang kanilang aso upang magsimbang gabi.

Talagang napamangha si Maria sa ginawa ni Bukoy dahil tahimik lamang itong nakikinig sa pari habang nagmimisa hindi kagaya ng ibang aso na labas pasok sa loob ng simbahan. Ayon pa sa kaniya, dati ay sumasama na talaga ito sa kaniyang amo sa tuwing nagsisimba ngunit sa ilalim lamang ito ng upuan pumupuwesto.

Ngunit ngayon sa pagdaraos ng simbang gabi, ay nasa gitna na ito sa may bandang likuran na animo’y taimtim na nagdarasal na parang tao. Ang hinala ni Maria na ipinagdarasal ni Bukoy ay sana maayos na ang problema ng kaniyang amo tungkol sa lupa na kinatatayuan ng kanilang bahay.

Kaya maraming mga netizens ang namangha at naaliw sa kaniya. Kagaya na lamang ng mga komentong ito.

Ang amo ni Bukoy ay nakatanggap din ng papuri dahil sila ang naging dahilan kung bakit pumupunta ang kanilang alagang aso upang magsimba at makumpleto ang simbang gabi. Hayop man na maituturing si Bukoy mas tao naman siya makiramdam at mag-isip. Nawa’y maging inspirasyon si Bukoy para sa lahat.

Read also:

Isang aso na naputulan ng binti sa harapan, natuto nang maglakad gamit lamang ang kaniyang dalawang binti sa likuran!

Marami sa ating mga Pilipino ang talagang mahilig mag-alaga ng hayop, hindi lamang upang magpalaki o magparami ng mga ito at saka ibebenta o gagawing negosyo kundi bilang isang pet. Malaki din kasi ang naitutulong ng mga alagang hayop sa kanilang mga amo kung kaya naman halos bawat pamilyang Pilipino ay mayroon talagang alagang aso, pusa, ibon, at iba pang mga uri ng hayop na maaaring alagaan.

Kamakailan lamang ay marami ang nakapansin sa asong ito sa TikTok na nakilala bilang si Dexter. Siya ay kilala bilang ang “three-legged dog” mula sa Colorado. Hindi katulad ng ibang mga aso na nakakapaglaro at nakakatakbo gamit ang apat nilang mga binti, hilig ni Dexter ang tumakbo gamit ang kaniyang dalawang binti sa likuran.

Ayon sa pagkukwento ng kaniyang amo, wala pang isang taong gulang si Dexter noong 2016 nang siya ay makawala mula sa kanilang bakuran, marami ang tumulong sa kanila upang mahanap siya ng halos ilang oras din. Natagpuan siya si Tim Pasek, asawa ng kaniyang amo na aksidenteng nagulungan ng isang van kung kaya naman agad niya itong dinala sa beterinaryo.

Nailigtas naman ang buhay ni Dexter ngunit hindi ang isa niyang binti sa harapan. Mahina na rin ang isa pa niyang binti rito kung kaya naman sinikap ng mag-asawang mabilhan siya ng isang dog wheelchair.

“We bought him custom wheels and at first he was not even using that front arm. We used the wheelchair on walks and monitored around the house for rehab strength on the front leg,” Pahayag ni Kentee Pasek, ang nagmamay-ari kay Dexter.

“After a bit the front leg became strong and he used it while walking in the wheel chair. Then one day, he stood upright with them strapped to his stomach. My reaction was pure shock and disbelief I called the vet and it was decided Dexter was safer to walk upright if he wished without the wheels then to walk upright with them attached.” Dagdag pa niya.

Read also:

Dalawang aso ang nailigtas ang buhay ng kaniyang dalawang anak sa sunog, ngunit sa kasamaang palad buhay naman ng dalawang alagang aso ang naging kapalit

Isa ito sa nag papatunay na “Dogs are man’s best friend” matapos kasing masunogan ng bahay ang netizen na si Rommel Tuyay kwento niya “Ang dalawa kong alagang aso ang nagligtas sa buhay ng aking dalawang natutulog na anak, kasag-sagan ng tulog nila ng tumahol ng tumahol ang dalawa kong alaga para gisingin lang sila”

“Sa awa ng Diyos naalimpungatan ang mga ito at dali-dali silang lumabas ng bahay ngunit sa kasamaang palad ang dalawang aso ko ang naging kapalit ng mabagsakan sila ng yero at hindi na nagawa pang makalabas”

Sinubukan pa umanong sagipin ng kaniyang mga anak ang kanilang alagang aso ngunit dahil sa taas narin ng apoy na tumutupok sa mga kabahayan ay hindi na nila nagawa pang mailigtas ang mga ito.

Tuluyan nangang tinupok ng apoy ang kanilang bahay kasabay sa sunog na naiwan sa loob ang kanilang alagang aso, nakakalungkot man isipin ngunit nagpapasalamat parin ang pamilya sa ginawang ito ng kanilang alaga, kung marahil hindi ito tumahol para gisingin sila ay siguro’y sila naiwan sa loob at tuluyang nasunog.

“Ito Po Ang 2 aso n ngligtas s Buhay Ng 2 anak q, thank you Lord.

Paalam s 2 pinakamamahal Kong mga alaga n Hindi bilang hayop,kundi bilang tao Ang Turing nmin s kanila.ksama s Bahay katabi s pagtulog atsila Rin Ang ngbibigay kasiyahan s tuwing kami ay umuuwi s Bahay.

Sila Po Ang gumising s 2 Kong anak Nung kasagsagan Ng sunog dahil natutulog Ang 2 anak q,at s kasamaang palad Ang mga aso q nman Po Ang Hindi nakaligtas natamaan cla Ng mga bumagsak n yero kaya nd npo cla nakalabas.

Salamat s mga alaga ko,hinding Hindi q kau makakalimutan dahil s kabayanihang ginawa nio para s mga anak q,Wala man naisalba gamit pero my naisalba nman kau 2 Buhay mahal n mahal nmin kau.

Hanggang s muli SAKURA at BERRY andto lang kau s puso nmin.Rest in Peace aming mga alaga.”