Naantig Ang Puso Ng Mga Netizens Sa Dalawang Batang Kalye Na Nagsasalo Sa Mumunting Pagkain Habang Nasa Lansangan

0
729

Madalas na sinasabi ng ating mga magulang na “huwag magsasayang ng pagkain dahil maraming bata ang walang makain at nagugutom.”

Sa bawat araw na mayroong pagkaing nakahapag sa ating hapag-kainan ay marapat na tayo ay magpasalamat. Dahil hindi lahat ay nakakain ng tatlong beses sa isang araw.

Mayroong mga tao at maging mga bata na tinitiis ang gutom sa buong araw dahil walang makain. Makikita ang ilan na nanlilimos upang may maipangbili ng kanilang pagkain, na kung minsan ay pinaghahatian pa ng kanilang pamilya.

Isang larawan na naibahagi ng netizen na si Keizl Necosia sa kanyang Facebook account ang umantig sa puso ng mga netizens.

Makikita kasi ang dalawang batang lansangan na nagsasalo sa isang pagkaing naka-styro habang sila ay nasa tapat ng isang sikat na fastfood restaurant. Napag-alaman na ang lugar kung saan nakuha ang larawan ay sa Maasin City.

Ang dalawang bata ay nakitang namamalimos doon gamit ang tambol na kahoy at nagpahinga muna sa isang tabi upang kumain. Ang mas batang kapatid ay makikitang may hawak-hawak na isang chocolate drink.

Nilagyan naman ni Necosia ng caption na. “IF YOU CAN SHARE MEMES, TRY THIS ONE INSTEAD! A BROTHER’S LOVE.”

Sa murang edad ng dalawang bata ay tila ang mas nakakatandang kapatid ang nag-aalaga sa kanyang mas batang kapatid at isinama habang sila ay nanlilimos. Na kung iisipin natin ay mapanganib ang kanilang sitwasyon dahil sila ay nasa lansangan.

Maraming netizens naman ang naantig sa larawan ng dalawang bata at narito ang kanilang mga komento:

“Naiyak ako nung nakita ku tong pic na to nakakadurog ng puso. good kuya wag mo sanang pabayaan kapatid mo.”

“Hindi lahat ng nakakita ng ganyan kahit konting food lang po. Hindi kabawasan sa mga natatanggap nating blessing. Kumpara natin ang life natin sa kanila.”

“Swerte pako kesa sa kanila pero complain ako ng complain sa buhay ko.”

“Sana naman matulungan sila at ang iba pang mga katulad nila. Mabigyan ng magandang edukasyon at mapaunlad pa ang sarili nila.”

Sa ngayon ay umabot nang 71k shares ang larawan at nawa’y matulungan ang dalawang batang ito.

Mag-asawa nag-aalala sa maganda batang babae na vendor ng sampaguita na inaabot ng hating gabi

Viral ngayon sa social media ang batang sampaguita vendor na ito. Ayon sa uploader na si Honney Balasabas, binebentahan sila ng bata kaya nakita nila nang malapitan ang itsura nito. Nagandahan sila sa vendor kaya kinunan nila ng larawan. Madalas siyang nakikita sa may stoplight sa bahagi ng Boni Serrano at Katipunan sa Quezon City.

“I can only pray na sana may family pa siya na gumagabay sa kanya. Hindi kasi natin alam baka sa malayo ay nakabantay naman ang mama o papa niya. Na sana may bahay siyang inuuwian after magbenta ng sampaguita. Na sana safe siya parati sa lansangan. Na wala sanang masasamang tao na mag-tatake advantage sa kanya,” ayon kay Honney.

Dahil sa maganda nga ang bata, kinuhanan siya ng litrato ni Honney. Tinanggihan naman ng bata ang alok ni Onnie na bayad sa sampaguita at ilalako niya pa raw ito sa iba pang mga motorista. Ipinaliwanag din niya na gusto na niyang umuwi.

Hinangaan ni Onnie ang bata, ngunit nag-aalala rin siya sa pagtitinda nito na inaabot pa ng hanggang gabi. Sa taglay na kagandahan, nangangamba si Honney na baka may mga taong manamantala sa bata o kaya naman ay dalhin ito sa kung saan upang pagkakitaan ang kanyang ganda.

Sa kanya pa ring post, ibinahagi pa ni Honney na nakita ulit nila ang bata pagkalipas ng ilang araw. Ngumiti ang bata ng kunan niya ito ng litrato at panalangin ng mag-asawa na nawa’y maging ligtas ang bata sa kanyang pagtitinda sa kalsada.

Isang matanda mano-manong itinutulak ang kariton ng panindang wood crafts dahil walang kalabaw, isang netizen nag-magandang loob

Napansin ng isang netizen ang isang kariton ng mga paninda nyang wooden at native crafts na madalas nating nakikita na hinihila ng isang kalabaw o baka noong tayo at nga bata pa at naging bahagi na nga ng ating kultura.

Ngunit nang lapitan ng netizen ang kariton na may mga dalang wooden crafts, isang matandang lalaki pala ang nagtutulak nito.

Nakaramdam ng kurot sa puso ang nasabing netizen na si Ms. Crystal Jacinto, na isang businesswoman na may ginintuang puso. Bumaba pa sya sa kanyang SUV upang kausapin ang matanda. Laking gulat ng netizen, dahil akala niya ay may kalabaw na nagtutulak sa kariton nya ngunit wala pala.

In-upload ng netizen sa kanyang social media account ang video kung saan makikita ang sakripisyo ng matandang lalaki upang kumita ng pera para sa kanyang pamilya.

Dagdag pa ng netizen at uploader ng videong ito, sa paglilibot ni manong na masipag ng kanyang mga paninda sa kahabaan ng Sta. Rosa, Laguna at Alaminos, Batangas, Binanggit din nito sa kanyang caption na sa kariton na rin nakatira ang matanda at kung saan na sya abutan ng dilim, ay doon na rin siya matutulog.

“GRABE! This is no joke.. inuubos nya ang mga paninda bago umuwi.. kung san sya abutan ng gabi dun na sya sa kariton matulog.” ani ng netizen na tumulong sa matanda na si  Binibing Crystal Jacinto.

Halos pakyawin na ni Crystal ang mga paninda ni Manong at bukod pa diyan ay pinasobrahan pa nya ng cash ang pinambayad kay dito at hindi na nito kinuha pa ang sukli. Makikita sa Tiktok video na likas na matulungin ang negosyanteng netizen na ito.

“Akala ko may kalabaw, wala pala. Mano-mano… Diyos ko, ang hirap-hirap nito…  Ang hirap niyan… Nagtutulak talaga siya ang init-init!” dagdag pa ni Crystal sa kanyang video.

Mangiyak-ngiyak si tuwa si manong sa pagkakataong ito at abut-abot ang kanyang pasasalamat sa netizen na nakapansin sa kanya. Bakas ang paghihirap ni Manong sa pagtutulak ng kanyang mga paninda at halos masunog na ang balat nito.

Sa hirap ng buhay ngayon lalo pa at may ραndєmуα tayong kinakaharap, maraming Pilipino ang nαωαℓαn ng hanap-buhay.

Ngunit hindi naman magpapahuli ang mag Pilipino ραgdαtιng ѕα mgα krιѕιѕ gαуα nιtσ, hahanap at hahanap oa din tayo ng paraan upang kumita ng marangal.

Kanya-kanyang diskarte na lang ang ating mga kababayan upang kumita ng pera. Sa panahong ito ay nasusubok ang kasipagan at katatagan nating mga Pilipino.

At sa mga panahon ding ito, makikita ang diwa ng bayanihan at pakikipag-kapwa ay buhay pa din sa ating mga Pilipino. Agad namang nagviral ang nasabing video at marami ang nagnanais magpaaabot ng tulong kay Manong.

Hinangaan at pinasalamatan din ng mga netizen ang uploader ng nasabing video, dahil sa pagpansin nya sa sakripisyo, pagtitiyaga at kasipagan ng matanda.

Isang biyaya talaga ang makatagpo ng isang taong may ginituan puso na handang tumulong sa kanyang kapwa at magbahagi ng kanyang blessing sa iba. Nakaktaba ng puso panuoorin ang netizen na tumulong kay Manong.

Mabuhay po kayo at nawa ay bumuhos pa lalo sa inyo ang biyaya ng Dios upang marami pa kayong matulungan lalo na ang mga mahihirap sa panahong ng krιѕιѕ sa ραndєmуα.