Naantig ang Puso ng mga Netizen dahil sa Kasipagan ng Batang ito

0
140

Marami sa atin ang bata pa lang ay sinusubok na ng hirap ng buhay. Kung minsan ay ang mga anak ang nagsisilbing katuwang ng kanilang mga magulabng kahit na sila ay nasa murang edad pa lamang.

Gaya na lamang ng ibinahagi sa social media ni Connie B. Sotomayor-Davila. Kwento niya ay madalas niyang nakakasabay sa pampasaherong dyip ang batang lalaki na si Leo Rafael o “Rafraf” tuwing siya ay papauwi na ng Gumaca galing Atimonan.

Matyaga umanong  nagtitinda si Rafraf ng mga gulat at mga halaman.

Si Rafraf ay naghahanapbuhay na sa edad murang edad pa lamang. Labing-dalawang taong pa lamang umano si Rafraf at hindi alintana sa kanyan ang pånganib na maaari niyang kaharapin lalo na ngayong panahon ng pandemyå.

Wala na din magawa dahil naging katuwang na siya ng kanyang ama at inaasahan na makakatulong sa paghahanap buhay.

Ang kanyang ama ay taga-tabas mga gulat at mga halaman samantalang siya ay taga-lako ng mga ito.

Habang sila ay naghahanapbuhay ay ang kanyang ina naman ay nag-aalaga ng mga nakakabata niyang mga kapatid.

Base sa kwento ni Rafraf kay Connie ay inaasahan siya ng kanyang pamilya sa pangbili ng pagkain at nag-iipon pa ito para sa pangbili ng gam0t ng kanyang kapatid na may karamdaman.

Sa tuwing wala siyang benta ay wala silang pangbili ng bigas kaya naglalakad na lamang ito kapag siya ay uuwi na.

Dahil dito ay lubos na humanga si Connie sa kanyang dedikasyon at sipag sa buhay. Nang ibahagi niya ang sitwasyon ng bata ay marami ang nag-abot ng tulong sa pamilya ni Rafraf na naging malaking tulong sa kanila.

Sa murang edad ay nararanasan na ni Rafraf ang kahirapan kaya naman isa siyang inspirasyon sa mga kabataan na maswerteng hindi na kailangan magbanat ng buto para makaraos sa buhay.

Bata palang kargador na

Sabrung hirap ibang tao na pipilitan na mag trabaho kahit murang edad pa ito para makatulong sa magulang  mas pili lang mag trabaho kesa mag laro sa kalsada

Minsan, mapapaisip tayo kung bakit ganito kahirap ang pinagdadaanan natin at wala man lang ni isang tao na lumapit at tumulong sa atin, kahit pa ang pamilya natin.

Subalit, sa hindi inaasahang pagkakataon, habang tayo ay kontento o tanggap na ang ating mga buhay at paghihirap, doon darating ang isang tao na tutulong sa atin ng buong puso.

Unang nakilala ng mga Pilipino o netizens ang isang bata na kargador sa Divisoria sa video ng isang vlogger na si Techram.

Ang batang kargador ay 12-anyos, ayon sa kanya siya daw ay lumayas sa kanila dahil pinalayas siya ng kaniyang sariling ina na mayroon ng bagong kinakasama.

Ang batang iyon ay si Dave, siya daw ay inampon ni Kang Martin at dahil don siya ay napadpad sa divisoria at naging kargador.

Maraming puso ang napaiyak sa kwento ni Dave at ito ay unang tinulongan ni Techram hanggang sa bumuhos na ang tulong mula sa ibang tao.

Si Dave ay kinupkop ni Techram dahil hindi naman ganon kaganda ang buhay ng mga umampon sa kaniya.

Tinulongan din ni Techram ang mga umampon dito, hinanap ang mga magulang, at tinulongan din.

Sa kasalukuyan, si Dave ay kasama parin ni Tekram, siya ay malusog na, nakakapag-aral, at nakakapag laro na walang inaalalang trabaho.

Sa buhay, maraming magagandang bagay na nangyayari na ‘di natin inaasahan.

Minsan ang mga taong hindi natin kadugo o kilala, sila pa ang handang tumolong at magmalasakit sa atin.

Gaano man kahirap ang buhay, mayroon paring mga tao tulad ni Techram na handang mag-alay ng tulong para sa iba na walang hinihintay na kabayaran.