Pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ang kabutihang ipinakita ng mga sakay ng isang delivery truck matapos pakyawin ang panindang ice cream ng isang matandang lalaking nagbebenta pa rin kahit na umuulan.

Ayon sa post ng isang netizen na si Patrick Mariano, nagliligpit daw siya ng gamit sa kaniyang kuwarto nang makita niya ang biglaang pagparada ng isang delivery truck sa harapan ng kanilang bahay.

“Doon ko nakita na tinigilan pala nila si tatay na naglalako ng ice cream habang umuulan. Inubos na pala nila yung tinda ni tatay para makauwi na at hindi na magkasakit dahil raincoat lang at sombrero ang suot na proteksyon sa ulan ni tatay.”

Dahil dito ay hinangaan ni Mariano ang mga tumulong sa matanda at ibinahagi pang “faith in humanity restored.”

“Shalom Organic Fertilizer, , salute to you for reminding us that a small act of kindness can bring enormous impact on someone else.

Seeing you do that gesture from a far without you knowing it inspire us to do better for other people.

God sees your heart and may God bless your business MORE!”

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“God bless sa mga tao mabait at bumibili ni Tatay.sana .bigyan pa kayo ng maraming blessings sa life nyo dhil naawa kyo ky Tatay.at good health.thnks mga Sir. Congrats,” ani ng isang netizen.

Pahayag naman ng isa, nawa’y pagpalain silang lahat ng Panginoon. Hiling niya rin na sana ay nakauwi raw ng maayos ang matanda sa kabila ng pagkakaroon ng sama ng panahon.

Read also:

Saging na Nilalako ng Isang Lolo sa Katirikan ng Araw, Pinakyaw ng Isang Pulis para Makauwi na ang Matanda

Isang pulis ang pumakyaw ng tindang saging ng isang matandang lalaki upang maka-uwi na ito at hindi na mapagod sa paglalako.Nagviral ang larawan ng isang pulis na pumakyaw sa paninda ng isang matandang lalaki. Imbes na sitahin, ay binili lahat ng pulis ang mga saging na tinda ni lolo para makauwi na ito.

Maliban sa pagpakyaw ng paninda ni lolo, inabutan pa ito ng pulis ng dagdag na tulong na maiuuwi nito sa kanyang pamilya.

Ang pulis sa mga larawang binahagi ng Facebook page na Gov. Garry ay kinilalang si Police officer Jojo Paguia mula sa Bulacan.

Pinayuhan din ng pulis ang matanda na umuwi na dahil mapanganib para sa senior citizen ang makasalamuha ng marami tao dahil sa patuloy na paglaganap ng virus.

“umuwi ka na tatang papakyawin ko na po itong mga paninda mo, tirik ang araw kaya wag na po kayo maglakad sa kalsada para di na kayo mapagod saka para hindi na kayo makasagap pa ng virus sa makakasalamuha mo” ayon umano sa pulis

Dahil dito, hinangaan ng mga netizens ang nasabing pulis dahil sa kabutihan na ipinakita nito at nararapat lamang na siya ay tularan ng kanyang mga kabaro.

Sobrang tuwa at pasasalamat naman ng matanda sa ginawang pagtulong sa kanya ni officer Paguia. *

Narito naman ang ilang mga nakakatuwang mensahe ng mga netizens para kay officer Paguia.

“Saludo ako sau sir sana mga kasama no ganun din Sana ligtas ka sa lahat ng oras para madami kapa matulungan”

“sna lahat ng pulis kagaya mo sir..nagbibigay ng solusyun hnd jailer..isa kang mabuting halimbawa..”

“Thanks to our God Sir for your kindness,, Sana Marami ka pang matulongan na katulad ni Tatay, our God is bless you many more Sir,, Take care always.”

“I salute u Sir jojo Paguia. God bless u sn mrming pulis ang tumulad sau n handang tumulong lalo n s my mga idad n. Salamat sau sir, binigyan mo ng kaligayahan at pag asa c tatay n my mauuwi ciang blessing gling sau. Mabuhay k sir.”

“More blessings po sau mamang pulis. Gabayan ka lagi ni Lord sir”

Read also:

Nawa ay tularan ka Police Officer Paguia ng iyong kapwa pulis. Kami ay saludo sa iyo, sir.

Kamalailan lang ay nag viral ang Facebook post ng isang vlogger na rider na kung saan nadaanan niya ang matandang tindero na nagtitinda ng ice cream na tila’y wala pang nabebenta kahit isa kaya naman pinakyaw na lamang niya ang paninda nito.

Batay sa kwento ng vlogger na si Team Katagumpay, nadaanan niya si tatay na naglalako ng kaniyang ice cream. Sa tingin nito, wala pang kinikita ang matanda kaya naman tinawag niya ito upang maka-usap. Napansin ng vlogger na rider na tulala at tila malungkot ang matanda

Tingin nya dahil sa wala pa umano itong benta kaya ganun ang kanyang hitsura. Kaya naman naisip muna ng rider na patawanin si Tatay upang kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam bago nya gawin ang naiisip nitong surpresa sa matanda.

Unang banat ni Team Katagumpay ay ang pagbibiro kay Tatay kung meron ba itong tindang kamote flavor.Walang reaksyon ang matanda at patuloy na naghalukay upang ipakita ang mga flavor na meron siya. Nagbiro ulit ang rider kung meron ba itong pakwan o pomelo.

Ang sabi ni Tatay ay wala siyang ganung flavor ng ice cream. Sa kanilang pagpapalitan ng salita, napag-alaman ng rider na 71 anyos na si Tatay at hiwalay na ito sa kaniyang asawa, kaya naman namumuhay na lamang siya ng mag-isa.

Tinanong ng rider kung ilang piraso lahat ang kaniyang paninda at bibilhin na lamang niya ito. Sumagot si Tatay, nasa 40 piraso ito lahat. Ngunit ang matanda ay hindi agad naniwala sa sinabi ng rider na papakyawin nya na ang lahat ng paninda nito.

Pinaliwanag ni Team Katagumpayan na hindi malulugi si Tatay dahil ang benta niya ngayon at bukas ay kaniya ng papakyawin. At dagdag pa nito, na maaari niyang ibenta ulit ang paninda upang dumoble pa ang kita nito.

Nang iabot ng rider ang ₱1000 halagang bayad gumuhit ang ngiti sa labi ni Tatay, na una’y lungkot ang makikita. Umalis ang matanda ng may galak sa kanyang mata’t labi dahil sa kabutihang kaniyang natanggap. Sa caption post ni Team Katagumpay, saad niya, “Ikaw yung meron, Kailangan ka ng wala”

Dahil sa kabutihang kaniyang ipinamalas, si Team Katagumpay ay kilala na bilang mapagbigay. Lahat ng madadaanan nito mapa-vendor o kahit ano pa man na nangangailangan ng tulong ay kanyang tinutulungan.

Maliit na bagay para sa iilan pero malaking tulong na ito para sa mga nakakatanggap. Hindi lahat ay may pribeleheyo sa lahat ng bagay ngunit ang ganitong simpleng kabutihan ay makakapagbigay na ng sobrang galak sa mata ng marami.