Mga Pulis Nagtulong Tulong Upang Maitayo Ang Bahay Ng Isang Lola

0
192

Nakakataba ng puso ang makita ang bawat isa sa atin na nagtutulungan at walang hinihinging kapalit. Nakakainspire rin ang mga istorya ng mga taong nagpapakita ng malasakit lalo na sa mga kapwa natin na kapus palad.Ibinahagi ng isang Facebook page na I Love PNP ang pagtutulungan ng mga kapulisan ng Ilocos Norte na maitayo ng isang bahay para sa isang 98 taong gulang na lola. Sanib-pwersa ang mga pulis ng Badoc Patrolbase, 101st Maneuver Company, RMFB1, Police Regional Office 1 mapa-babae man o lalaki na mabuo ang munting tahanan ng kawawang lola.Ayon sa I Love PNP, nagsimula ang pagtulong sa pagbibigay lang ng konting groceries hanggang mapansin ito ng mga netizens sa social media. Ito ang naging daan upang sila ay makalikom ng halaga upang matulungan ang kalagayan ng matanda.

Sila-sila rin ay nag-ambagan para mabigyan ng maayos na tahanan si Lola Celerina na sa kanyang edad ay nakakapagpahinga na dapat sa isang ligtas na tahanan.

Ang nakakatuwa pa sa ginawa ng mga kapulisan ay hindi naman nila kaano-ano ang lola ngunit pinakita pa rin nila ang kanilang busilak na puso sa pagtulong.

Makikita na sila-sila rin ang naghalo ng semento, naglagay ng pundasyon sa bahay, namintura, naglipat ng gamit at iba pa para agad nang makalipat sa bagong bahay si Lola Celerina.

Dagdag ng I Love PNP na mayroong dalawang anak si Lola na parehong lalaki, may edad na rin at hindi nakapag-asawa. Sila ang nag-aalaga sa matanda at tanging pagsasaka ang kanilang ikinabubuhay.

Saludo naman ang mga netizens sa mga pulis na ito dahil sa kanilang pagmamalasakit ay nabigyan ng tiyansang makatira sa isang maayos at matibay na tahanan si Lola Celerina.

“Wow! Sana lahat ng pulis ganito. Ang galing niyo mga sir napakabuti po ng mga puso ninyo. Ang saya saya ni lola.””Sobrang nakakataba ng puso na makakita ng ganitong bayanihan na pinangungunahan ng mga mabubuting taong gayo niyo.””Napaiyak ako sa tuwa na ang mga kapulisan natin ang mapagkawanggawa.”

P2 million, isinauli ng nakapulot na tricycle driver sa may-aring foreigner

Tumataginting na dalawang milyong piso ang isinauli ng isang driver sa Sogod, Southern Leyte matapos itong maiwan ng may-ari sa kaniyang motor cab.

Kinilala ang tapat na driver bilang si Dennis Geverola. Ayon sa kaniya, nagulat siya nang makita ang malaking halaga ng pera sa kaniyang minamanehong sasakyan.

Naiwan ng isang foreigner ang kaniyang bag sa motor cab ni Dennis laman ang P2 milyong at iba pang mahahalagang dokumento.

Hindi raw nagdalawang isip si Dennis na ibalik sa may-ari ang bag kaya naman pumunta ito sa kinauukulan upang mag-surrender.

Buong puso namang ipinagmamalaki ng munisipalidad ng Sogoc ang ipinamalas na katapatan ni Dennis.

“On behalf of the Municipality of Sogod, I would like to comment the motorcab driver, Mr. Dennis Geverola for returning the bag that was left in his vehicle. The bag contained 2 million pesos in cash and other important documents. May God bless you!” saad ni Municipal Mayor Imelda Tan sa kaniyang Facebook post.

Nagulat Ang Isang Dalaga Nang Makatanggap ng 23,000 Pesos Mula Sa Kaniyang Ninang Na Hindi Nakabigay Sa Kaniya Mula Noon Pa

Sabi nila ang mga Ninong at Ninang ay mga pangalawang magulang ng isang bata. Ang paggabay ng mga Ninong at Ninang ang pangunahing pangangailangan sa kanila ng mga bata. Ngunit, nauuso talaga tuwing kaarawan at pasko ang pagbibigay ng mga Ninong at Ninang sa kanilang mga inaanak. Minsan ang ibang mga magulang sila pa ang nagde-demand na humingi sa mga Ninong at Ninang ng kanilang mga anak. Kaya dahil sa mga ganitong pangyayari tila nababago ang totoong kahulugan ng pagiging isang Ninong at Ninang. Pero maswerte pa rin kung may mga Ninong at Ninang talaga ang malugod na nagbibigay.


Isa na rito ang kwento ng isang dalagitang nag-viral ngayon sa Facebook, dahil sa kaniyang natanggap mula sa kaniyang Ninang. Ang dalagang ito ay 23-taong gulang na. Ayon sa kaniya, siya umano ay biglang pinadalhan ng kaniyang Ninang ng Php23,000 cash bilang regalo sa kaniya sa mga lumipas niyang kaarawan at pasko. Hindi naman raw inaasahan ito ng dalaga nang bigla na lang nag-message sa kaniya ang kaniyang Ninang, kung saan tinanong siya kung natanggap na niya ang padala nito. Nagulat naman ang dalaga at labis na natuwa dahil hindi niya inaasahan ang pagbibigay ng kaniyang Ninang.

Kaya napakaswerte naman ng dalaga dahil nagkaroon siya ng instant Php23,000 galing sa kaniyang Ninang na mula pa sa ibang bansa. Napakabait naman ng Ninang na ito dahil kahit 23 taon na ang nakalilipas inalala niya pa rin ang magbigay sa kaniyang inaanak. Marami naman ang mga netizens na napa-wow sa naging post ng dalaga at dahil dito mapapa sana all ka na lang talaga.


Dahil sa ibinahaging post ng dalaga, karamihan sa mga netizens ay tinag ang kanilang mga Ninong at Ninang sa post. Narito ang naturang mga komento.
“Hindi pera mula sa kaniyang ninong at ninang ang kukumpleto sa kaniyang Pasko. “I don’t need money. My only wish is to have my lola back this Christmas.”
“Kung ganito na ang panahon ngayon, ayoko na talaga mag Ninang. Kakatak0t baka makul0ng ako pag ‘di ako makabigay tuwing sisingilin ako ng mga inaanak ko.”

“The best gift we can have from our ninongs and ninangs are life advices from their experiences.”
Nauuso man ang singilan sa mga Ninong at Ninang, ang mahalaga sila ang matatakbuhan ng isang bata sa panahon na ay ito ay mangailangan ng tulong. Ito man ay emosyunal, pisikal, mental at pinansiyal man ay mayroon silang pangalawang mga magulang na malalapitan.