𝙷𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚖𝚊𝚒𝚙𝚊𝚐𝚔𝚊𝚔𝚊𝚒𝚕𝚊 𝚗𝚊 𝚒𝚜𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚗𝚜𝚊𝚗𝚐 𝙿𝚒𝚕𝚒𝚙𝚒𝚗𝚊𝚜 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚋𝚊𝚗𝚜𝚊 𝚜𝚊 𝚋𝚞𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚞𝚗𝚍𝚘 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚢𝚛𝚘𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚕𝚊𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚙𝚘𝚙𝚞𝚕𝚊𝚜𝚢𝚘𝚗. 𝙰𝚗𝚐 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚙𝚊𝚐𝚜𝚞𝚗𝚘𝚍 𝚜𝚊 𝚏𝚊𝚖𝚒𝚕𝚢 𝚙𝚕𝚊𝚗𝚗𝚒𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚊 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚗𝚊𝚐𝚒𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕𝚊𝚗 𝚗𝚒𝚝𝚘.

Bukod pa diyan, parami din ng parami ang mga kabataan na maagang nabubuntis dahil na din sa kakulangan sa kaalaman at edukasyon tungkol sa pagtatal1k.

Isa sa mga posibleng dahilan na nakikita ng mga eksperto kung bakit lalong naghihirap ang Pilipinas ay dahil sa patuloy na pagdami ng tao sa bansa.

Ngunit, kung sa Pilipinas ay patuloy na lumalaki ang populasyon, ang pangyayaring ito ay kabaligtaran naman sa Faroe Island sa Denmark.

Sa katunayan nga niyan, naghahanap na ng mga mapapangasawa ang ibang kalalakihan dito dahil sa pagbaba ng kanilang populasyon, lalo na ang mga babae.

Sa ngayon, tinatayang nasa 50,000 ang mga tao na naninirahan dito ngunit habang tumatagal ay nababawasan at bumababa ang bilang ng populasyon sa Faroe Island.

Halos nasa apat na porsyento lamang ang mga kababaihan sa kanilang lugar. Kaya naman ang ilan ay pinipili na makapag-asawa ng nasa ibang lugar dahil kahit gustuhin man nila na magkaroon ng asawa sa kanilang lugar ay hindi nila magawa dahil sa kakulangan ng mga kababaihan.

Sila ay natuto na din ngayon na gumamit ng mga dating apps gamit ang internet dahil halos lahat ay hi-tech na din sa kanilang bansa.

Karaniwan na hinahanap nila ay babae na mula sa Asya. Ang iba naman ay naghahanap sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigan na mayroong kasintahan na Asyana.

Patunay lamang dito ay ang 300 na kababaihan na mula sa iba’t ibang parte ng Asya na ngayon ay lumipat na sa Faroe Island at sumama sa kanilang kasintahan na nakilala sa mga dating sites.

Ang grupo ng mga taga Asya sa ngayon ang mayroong pinakamataas na ethic minority sa 18 isla.

Ngunit, bakit nga ba sa halip na tumaas ang populasyon sa Faroe Island ay patuloy pa din itong nababawasan habang tumatagal?

Ayon kay Prime Minister Axel Johannesen, marami na daw ang mga residente nila ang nalipat sa ibang bansa para makahanap ng mas mataas na edukasyon o kaya naman ay magandang trabaho. Ngunit, kahit lumipas na ang mga taon ay hindi na bumalik pa ang iba dito.

Para naman sa Pinay na si Antonette Egholm, maganda naman daw at maaliwas ang lugar sa Faroe Island kahit pa man iba ang kanilang klima at kultura.

Sa panayam ni Tim Ecott ng BBC kay Antonette, mababait daw ang mga tao sa Faroe Island. Maliban pa diyan, sila ay mga palakaibigan din. Kung ikukumpara nga daw sa Pilipinas, ang Faroe Island ay malayong malayo dahil sa Pilipinas ay talamak daw ang matinding traffic at kr1men.

Dagdag pa ni Antonette, maganda daw at maayos ang sistema ng Faroe Island pagdating sa kalidad ng edukasyon at serbisyong medical.

Saad naman ng kaniyang asawa na si Regin, ang kanilang lugar daw ay hindi dapat katakutan sa halip ay subukan daw nila na magpunta dito at yakapin sila.

Sa ngayon kasi ay lubos silang nangangailangan ng mga bagong tao sa kanilang lugar.

“We actually need fresh blood here. I like seeing so many children now who have mixed parentage. Our gene pool is very restr1cted, and it’s got to be a good thing that we welcome outsiders who can have families.”

Read also:

Jericho Rosales, masayang ibinahagi na nakapagpagawa sila ng 20 na bahay para sa 20 pamilyang nawalan noon ng tirahan nang dahil sa bagyong Ulysses

Masayang ibinahagi ni Jericho Rosales ang pagiging successful ng kanyang Project Salinong.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Echo na napagtagumpayan nilang makapagpatayo ng dalawampung bahay. Para sa dalawampung pamilya na nasala’nta noon ng bagy0ng Ulysses.

Aniya, ang perang ginamit niya para maipatayo ang house project na ito at mula sa donasyon ng malalapit niyang kaibigan. At pati na din ng mga taong may mabubuting puso at bukal sa loob ang tumulong sa kanilang kapwa.

Ani Jericho sa kanyang caption, “It’s been almost a year since Typh00n Ulysses dev’astat’ed many parts of our country including Marikina and Cagayan. We’re happy to share that with the help of one of the best titas of Manila (@marinezelizalde) , our friends too many to mention, and you who donated to the cause. Ulysses Relief Fund were also able to help build 20 houses for 20 families to Project Salinong in Baggao, Cagayan.”

Kalakio nito ay ang mga larawan ng mga bahay. Na malapit ng matapos at pwedeng pwede ng tirahan ng dalawampung pamilya.

Hindi pangkaraniwang bahay lamang ang naipatayo ng grupo nila Jericho. Makikitang gawa sa bato ang mga kabahayan.

Upang matiyak na hindi na ito muli pang masisira ng kahit ano pa mang un0s.

Kalakip din ang larawan nila ng asawa niyang si Kim Jones.

Kuha ito noong mga panahon na kasagsagan ni Ulysses at sumuong silang mag asawa. Upang tumulong sa mga kalugar nila sa Marikina.

Maraming netizens naman ang bumilib sa proyektong ito ni Jericho. Humanga sila sa abilidad ng aktor.

At sa kagustuhan nilang mag asawa na makatulong sa kanilang kapwa.

Read also:

Jane De Leon, umani ng samut-saring komento matapos makitang kumakain ng balot sa labas!

Hinangaan ng maraming netizens ang kasimplehan ng bagong Darna na si Jane De Leon.

Tuloy na tuloy na ang paglipad ni Jane de Leon bilang Pinay superhero na “Darna”. Dating miyembro din daw siya ng all-girl dance group na ‘GirlTrends’ ng It’s Showtime.

Bago pa siya maging cast ng teleryeng pinagbibidahan noon ni Jericho Rosales. Nakasali rin siya sa 2017 fantasy drama series na ‘La Luna Sangre.’

Nagpakita rin siya sa Wansapanataym Presents ‘Tikboyong,’ at bumida na rin sa ilang episodes ng Maalaala Mo Kaya at Ipaglaban Mo. At ngayon na nga ay siya ang napili na bagong sisigaw na Darna/Narda.

Pero bago pa man ito, napahanga na ni Jane ang marami dahil sa kanyang kasimplehan. Namataan kasi siya kamakailan na sarap na sarap sa pagkain ng balot.

Ibinahagi din ng may-ari ng kinainan ni Jane ang pagbisita ng aktres sa kanilang tindahan.

“Thank you Jane De Leon. Sa pag bisita sa balut tambayan,” saad sa nasabing post.

Umani naman agad ng papuri ang kasimplehang ito ng aktres mula sa maraming netizens.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“ding ang balot ”

“Bihira lang po ang nkain nang balot nang ganyan , after ng isa .gagawing medium ng suka ”

“sarap talaga yan balut na may suka”

“Yan ang filipina hehehehe yung iba kasi parang madedead pag kumain ng balot ”

“Nakakamiss kumain ng balot ”

“Bakit kapag ikaw maganda pa din? Pag kami kumakain muka kaming dugyot??”

Matatandaang Enero nitong taon lamang nang sumalang ang aktres bilang si Pol. Cap. Natalia Mante sa serye na pinagbibidahan ni Coco Martin.