Masipag Na Lolo Na Nagtitinda Ng Candy, Nagpaantig Ng Puso Sa Mga Netizens

0
276

Talagang kahanga-hanga at nakaantig ng puso tuwing mayroong kang makikitang isang matanda na patuloy pa rin ang pagsisikap na makapagtrabaho sa kabila ng kanilang edad.

Ang karamihan kasi sa dahilan nila kung bakit pa rin nila ito ginagawa ay dahil ayaw nilang maging pasanin sa kanilang pamilya.

Katulad na lamang ng isang lolong nagtitinda ng kendi na naibahagi ng netizen na si Kym Manalaysay.


Photo credit: Kym Manalaysay

Ayon sa kanyang post ay hinihimok niya ang mga netizens na kung sino man raw ang madadaanan ang matanda ay sana ay bumili sila rito bilang tulong na rin sa lolo.

Aniya,

“Guys! Please buy kay tatay kapag nagawi kayong Tayuman nandyan siya lagi sa harap ng Kings lalo na weekends at hapon.”

Nagbebenta diumano ang matanda ng mga kendi na siya mismo raw ang may gawa. Ang kada isang supot raw ng kendi na may apat na piraso ay nagkakahalagang bente pesos lamang.


Photo credit: Kym Manalaysay

Dagdag ni Kym na ilang oras na raw nakatayo ang matanda doon sa lugar na kanyang pinagbebentahan subalit walang pumapansin sa kanya para bumili.

“Ilang hours na dyan hawak yung supot dinadaanan lang siya at ang dami pa rin niyang candy. For 20 pesos 4 pcs na candy, siya mismo may gawa.
Please buy kayo, kapag nadaan kayo malaking tulong yung 20 pesos na kay tatay para sa pang araw araw na need niya di natin need maging mayaman to help.”


Photo credit: Kym Manalaysay

Isang komento naman ng isang netizen na kapitbahay raw ng matanda ang nagpatunay na likas raw talaga itong masipag at nakilala bilang si Lolo Jacinto. Ayaw raw kasi niyang maging pabigat sa kanyang mga anak kung kaya’t nagtitinda pa rin siya.

Isa pang dahilan kung bakit ay para raw may maipambili siya ng gamot niya na pang-maintenance dahil siya ay isang diabetic.

Suhestiyon ni Kym, kung may nais tumulong at bumili sa matanda ay maaaring isend sa kanya ng kanyang mga kaibigan ang pera gamit ang Gcash app at siya na mismo ang bibili ng mga paninda nito. At pwede rin niyang ibigay sa mga street children ang mga kending kanyang napamili.

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Nakakalungkot isipin na mayroon pa ring mga matatanda na imbes na nagpapahinga na lang sana sa bahay ay patuloy pa rin silang kumayod at magtrabaho upang sila ay mabuhay.

Ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Saharat Yean ang isang matanda na kanyang kinaawan nang makita niya itong nagtitinda kahit na hating gabi.

Habang napadaan ang netizen sa Wat Bua Temple sa Ubon Ratchathan sa Thailand, ay nakapukaw sa kanyang atensyon ang mumunting ilaw sa isang maliit na tindahan malapit sa isang tourist spot. Nang makita niya ang isang matanda na mag-isang nagtitinda ay naisipan ni Saharat na huminto muna upang bumili ng makakakain.

Sa katunayan, hindi naman talaga siya nagugutom, ngunit talaga lang naging agaw atensyon sa kanya ang kalagayan ng matanda. Lalo na pa’t hating gabi na pero hindi pa rin sinasarado ng matanda ang kanyang tindahan kahit na wala nang gaanong turistang namamasyal sa lugar na iyon at sa oras na iyon.

“I saw a light of a store that was still on at the dark corner of the temple. There, stood an elderly man who’s operating the cart. He was sitting by his meatball shop and was awaiting customers to buy his items. So I walked up to him.”Noong nakakwentuhan niya ang matanda ay mas lalong nadurog ang kanyang puso ng malaman niya ang rason kung bakit nagtitinda pa rin siya sa ganitong oras”

Saharat: Why are you staying up so late today?

Old Man: It’s late night and items are not selling well.

Saharat: What is there left for me to buy?

Old Man: There are still meatballs and steam squid left.

Saharat: [Opens the pot and realizes the whole pot is still full] I’ll take these and here’s your 20 baht (Php35).., Are you going to sleep soon? Aren’t you tired?Old Man: I’m indeed tired but I have to be patient. If I’m not patient I won’t be able to eat.”

Sa hirap ng buhay ay kailangan ng matandang vendor na magpuyat para maibenta ang mga natitirang mga tinda dahil kung hindi ay wala siyang ipangkakain. Dahil sa awa ay bumili pa si Saharat ng pagkain kahit na hindi na siya nagugutom para lang makatulong sa matanda.

Nais ipabatid ng netizen na sana ay mayroong mga taong makatulong sa matanda o kung hindi man ay sana ay lagi tayong tumulong sa ating kapwa anu mang oras.

lalaki nakatulog habang nag titinda ng pizza marahil sa pagod nito

Sa isang lugar sa maynila, nakita ng isang netizen na nag-ngangalang Idhoy Estopin ang tatay na ito habang pauwi galing ng 7/11.

Makikita na nakatulog na ito sa subrang pagod sa pag titinda ng PIZZA yun lamang siguro ang kanyang kabuhayan para maitaguyod ang kanyang pamilya.

Isa ang tatay na ito sa matatawag na “DAKILANG AMA” kaya dapat lamang parangalan ang kanyang kasipagan at pagtyaga.

Sa panahon ngayon iilan na lamang ang katulad ni tatay na gagawin ang lahat makaraos lang ang kanyang sariling pamilya. Ito ang ay isang magandang ihemplo para stin lahat at inspirasyon sa bawat ama, na nakaalalay na halaigi nila.. Walang hanggang pasasalamat sa ating mga “DAKILANG AMA” na punong puno ng pag asa, at pagsusumikap para makamit lahat ng mithiin sa buhay tulad ni tata

Pedicab driver na may pa-free mask at shield sa kanyang mga pasahero, hinangaan

Hinangaan ng marami ang isang pedicab driver sa San Mateo Rizal dahil sa libre niyang face mask at face shield sa mga pasahero, Isa sa mga nakasakay ang nagbahagi sa social media ng mga “freebies” sa loob ng pedicab.

Aminadong nakakataba raw ng puso ang ginagawa ng tsuper na sa kabila ng hirap ng buhay, nakuha pa rin na magbahagi sa iba, Sa ngayon, umani na ng nasa 30,000 na mga positibong reaksyon ang viral post.

Nagpaantig sa puso ng marami ang isang post ni Camille Joselle, dahil sa isang pedicab driver kwento ni Camille sa kaniyang post ” Nagulat ako dahil may libreng face mask at face shield na ipinamimigay si kuyang pedicab driver na nakilala niyang si kuyang Rogello Cañares.

Nabasa ng pasaherong si camille ang sulat sa karton ni kuyang pedicab driver na nag sasabing ” Mahal kong pasaheros ‘yong papasok sa trabaho na walang face shield, libre po ang face shield, face mask at alcohol dito”

Ibinahagi ito ni Camille sakaniyang facebook account dahil sa kabaitang, ginagawa ni kuyang pedicab driver sa kaniyang mga pasahero, dahil sa ibinahagi niyang larawan ay umanni ito ng maraming papuri mula sa mga netizen na nakabasa ng kaniyang post.