Makatulong lang sa magulang, Batang nag lalako ng kabute kahit tirik ang araw

0
279

Dahil sa hirap ng buhay kahit bata nag hahanap ng pag kakakitaan hindi na nila iniisip pa mag laro bagkus makatulong sa magulang .

Imbes na naglalaro kasama ang ibang mga bata, tinitiis ng 10 taong gulang na batang ito ang mainit na araw sa gilid ng kalsada upang mag-abang ng mga motoristang nais bumili ng kanyang mga panindang kabute.

Naging parte na ng kabataan ng mga lokal sa Cordillera ang mangolekta ng mga kabute o mushroom na kung tawagin nila ay bo-o.

Ito ay mga organic mushrooms na binibili rin ng kanilang kapwa mga lokal dahil sa health benefits na hatid nito.

Kung kayat ang batang si Jessie Almoza ay matiyagang naghihintay sa gilid ng kalsada na may motoristang dumaan upang bumili ng kanyang mga paninda.

Sa unang tingin ay akala mo ay tila isang batang nagpapahinga lang sa maliit na ginawang silong na ito.

Ngunit kung maririnig siya ay sinisigaw niya ang kanyang paninda na kung tawagin nila ay “bo-o.”

Sa kanyang maliit na pwesto ay doon siya naghihintay na may bumili kahit na tirik at mainit ang araw. Ang kanyang munting silong ay nasa kahabaan ng Sitio Camisong, Loacan, Itogon, Benguet.

Habang wala pang pasok sa eskwela dahil sa dulot ng ραndεmүα ay tulong na rin ito ni Jessie sa kanyang pamilya. Ang mga kinikita ni Jessie sa pagtitinda ng kabute ay kanya ring iniipon sa isang plastic na bote para sa mga gagastusin niya kapag bumalik na siya sa pag-aaral.

Ang mga magulang niya ay wala namang permanenteng trabaho.

Ang tatay nito ay nα-ιstrσkε at ang kanyang ina at kapatid ay maagang gumigising upang umakyat ng bundok para mangolekta ng mga kabute na siya namang ititinda ni Jessie.

Ito ang pangunahing kabuhayan ng kanilang pamilya. Kung kayat ganito na rin ka-determinadong magtinda ang grade 4 student na ito.

Dahil bukod sa ito ang nakakapagtawid sa kanyang pag-aaral ay ito na rin ang bumubuhay sa kanilang pamilya.

Hinangaan naman ng mga netizens ang pagiging madiskarte at masipag ni Jessie sa murang edad pa lamang.

Kahit bata pa lamang siya ay tumutulong na siya sa kanyang pamilya at nag-iipon para na rin sa kanyang kinabukasan.

Pursigido sa Pag-aaral Kahit na sa Bangketa Lamang Nakatira, 5-Anyos na Batang Babae, Hinangaan ng mga Netizens!

Mapapansin sa henerasyon ngayon ang ilang mga kabataan na halos nakatutok na lamang sa gadgets at kadalasang tinatamad ng mag-aral.

Sa panahon natin ngayon na may kinahaharap tayong ραndεmүα ay sa bahay na lamang nag-aaral ang mga estudyante sa halip na sa paaralan para makaiwas sa vιяυs a kυmαkαℓαt ​at para maging ligtas ang mga mag-aaral.

Isang 5-taong gulang na batang babae naman ang hinangaan ng marami. Siya ay kinilalang si May Bayagas.

Si May ay nakatira sa pedicab kasama ang kanyang pamilya. Tanging pangangalakal lamang ng basura nag hanapbuhay ng kanyang mga magulang.

Nakuhanan si May ng litrato mula sa malayo habang siya ay abala sa pagsagot ng kanyang mga modules.

Abala si May sa kanyang pag-aaral at kung mapapansin ay nakatutok siyang maigi dito habang ginagabayan siya ng kanyang ina.

Marami ang natuwa kay May dahil sa pagiging pursigido nito na makapag-aral sa kabila ng kαhιяαραn at ng ραndεmүα.

Isang inspirasyon si May lalo na sa mga kabataan na huwag makakalimot na pagtuunang pansin ang pag-aaral dahil ang edukasyon ay matuturing isang kayamanan ng hindi makukuha ninuman.

Sa tulong ng Unang Hirit Program ay nag-abot sila ng mga gamit para sa pag-aaral ni May.

Bukod sa mga school supplies ay binigyan din sila ng grocery para pamilya ni May. Lubos naman ang pasasalamat ni May sa biyayang natanggap niya mula sa nasabing programa.

Malaking tulong na para sa kanila ang mga natanggap ng tulong dahil hindi na sila mamomroblema sa kanyang pag-aaral at maging sa pagkain nilang lahat.