Mag-asawa, Bahay-kubo Lamang ang Tirahan Noon, Nakapagpatayo na ng Konkretong Bahay Ngayon

0
223

Talaga nga namang walang imposible sa pag-abot ng pangarap basta mayroong sipag at tiyaga sa buhay. Nakakamangha at nakaka-inspire din ang mga tao na kung dati ay talaga napakahiråp ng buhay at ngayon ay maginhawa na.

Kaya naman para sa mga nangangarap na makapagpundar ng sarili nilang tahanan, ay maging masipag, madiskarte at manalig lamang sa Diyos ay siguradong mapagtatagumpayan ito.

Katulad na lamang ng mag-asawa na halos sampong taon na nagtrabaho sa Taiwan. Ayon sa isang post ni Maxelira Carnate sa isang facebook group, pinagsumikapan umano ng kanyang kapatid at ng asawa nito na makapag-ipon at unti-unting makapagpatayo ng bahay.

Kung dati ay sa bahay-kubo sila naninirahan, ngayon ay mayroon na silang kongkretong bahay. At kung makikita sa larawan ay napakalaki talaga ng pinagkaiba ng bahay nila noon sa bahay nila ngayon.

Wala talagang imposible sa pag-abot ng pangarap. Matagal man ang proseso ay ang mahalaga, matutupad ang pangarap. Kahit na pakonti-konti, ay may progreso. Kaya naman, marami ang mga humanga at nainspire sa mag-asawa.

Narito ang post ni Maxelira:

“flex ko lang ang bahay ng kapatid kong ofw,sa loob ng sampong taon nilang magasawa sa taiwan paunti unti ay pinagsikapan nilang makapagpatayo ng maayos ayos na masisilungan,mula sa bahay na kubo,ngayon ay meron na silang matatawag na bahay na bato”.

Lalaki Na Umorder Lamang Ng Isang Cup Na Kanin At Tubig, Naiyak Matapos Makatanggap Ng Sorpresa Sa Mga Crew

Sa pagsubok at hirap ng buhay na pinagdaanan natin ngayon, maituturing mo pa ding swerte ang iyong kung ikaw ay nakakakain pa din ng tatlong beses sa isang araw at hindi nawawalan ng pagkain sa hapag. Kaya naman dapat ay hindi natin ito kalimutan na ipagpasalamat sa Panginoon.

Naging viral sa social media kamakailan lamang ang post ng netizen na si Earl Achievan Calixto sa kaniyang Facebook account tungkol sa isang lalaki na um-order ng isang cup ng kanin at tubig sa isang kilalang fastfood chain sa Pampanga.

Napag-alaman na ang lalaki ay mula pa pala sa Tacloban ngunit nakipagsapalaran bumyahe patungo sa Pampanga sa pag-asa na makahanap ng mas maayos at magandang trabaho dahil sa hirap na pinagdaanan nila sa kanilang lugar.

Ayon kay Earl, una kaagad niyang napansin si Tatay noong pumasok ito McDonalds sa San Fernando Pampanga dahil napansin niya sa hitsura nito ang gutom at pagod. Noong nag-order ito, nakita ni Earl na isang cup lamang ng rice at tubig ang mayroon ito at kanin lamang ang kaniyang kinakain.

Kaya naman hindi na nagdalawang isip pa si Earl na lapitan ang lalaki at tinanong kung gusto pa nito ng makakain. Sumagot naman ang lalaki na siya ay nagugutom pa ngunit kulang ang kaniyang pera.

Saad ni Earl,

“Nilapitan ko si tatay tinanong ko kung gusto pa niya ng makakain, OO daw kase nagugutom siya pero kulang ang pera niya. So inorder ko siya ng makakain”.

Nag-order si Earl ng pagkain para kay Tatay ngunit laking gulat na lamang niya dahil pagbalik niya sa pwesto nito upang ibigay ang pagkain ay mayroon ng chicken fillet sa mesa nito. Sinabi ng lalaki na bigay lamang daw iyon ng crew.

Ani Earl,

“Thank you sa buong staff at crew ng McDonald’s San Fernando malapit sa SM, di kayo nagdalawang isip na tulungan si Tatay.”