Mabait Na Lolo, Namahagi Ng Biskwit Sa Mga Bahay-bahay Bilang Tulong

0
203

Ika nga, hindi hadlang kung ano ang estado mo sa buhay upang tumulong sa iyong kapwa. Kahit na kapos ka, kung bukal sa loob mo talaga ang tumulong kahit na sa maliit na bagay ay tutulong at tutulong ka pa rin.

Sa pandemic na nararanasan ng ating bansa ngayon, marami sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng tulong. Ang iba kahit na gusto nilang pumasok sa kanilang mga trabaho upang kumita ng pera ay wala silang magawa dahil sarado ang mga kumpanya. Ang ilan ay nakaasa na lamang sa kung anong ibibigay na relief goods ng kanilang lokal na pamahalaan.Ngunit sa kabila ng ating nararansan ngayon, mayroon pa ring mga tao kahit na sa maliit na bagay ay nagpapaabot sila ng tulong sa kanilang kapwa. Katulad na lamang ng isang mabuting lolo na ito na namahagi ng mga biskwit sa kanyang mga kapitbahay.

Ibinahagi ang larawan ng matanda ng isang netizen na si Ter Dee sa kanyang Facebook account na may caption na,”It’s true what the say… the poor people are often the most generous. Lahat magulo, si Tatang relax lang sa pamimigay ng Hansel. #SpreadLoveNotHate”

Sa katunayan, pinapahintulutang lumabas ang mga senior citizens sa panahon ng enhanced community quarantine dahil mas ‘at risk’ silang madapuan ng Covid-19. Alam naman siguro ito ng lolo kaya’t kahit nagbahay-bahay siya sa pamimigay ng mga biskwit ay mayroon itong suot na face mask.

Marahil maraming netizens ang nangamba para sa kalagayan ni tatay ay hinangaan pa rin ang kanyang kabutihang loob upang mag-abot kahit na maliit na tulong sa kanyang kapwa. Kahit na dadalawang crackers ang naipamahagi ng matanda kada bahay ay tiyak na malaking tulong na ito para sa ilan.

Nawa’y magsilbing inspirasyon si tatay sa ibang tao lalo na sa mga nakakaangat sa buhay lalo pa’t ngayon na marami ang talagang nangangailangan ng tulong.
Source: Facebook

Ginang, Umani ng Positibong Reaksyon Dahil sa Paghandog Niya ng mga Inaning Gulay sa Isang ‘Community Pantry”

Ang pagtulong sa kapwa ay hindi nasusukat sa dami, sa laki o sa presyo dahil ang pagtulong, mapamaliit man o mapalaki ay matatawag pa din itong tulong. Gaya na lamang ng isang ginang na ito, ibinigay niya ang inani niyang gulay sa isang community pantry sa Centro, Pamplona Cagayan.

Ang ‘community pantry’ ay nagsimula ng magtrending ang balita sa isang ‘Maginhawa Community Pantry’ na mayroong katagang nakasulat na “Magbigay ayon sa kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan.”

“Ang diwa ng pagkakaisa at bayanihan ay hindi nasusukat sa estado ng iyong pamumuhay bagkus nasusukat ito sa kung paano mo tanggapin ang hamon ng pagtulong sa kapwa mo.” ani ni Mark Ian sa kanyang facebook post.
“Maraming salamat po , Manang sa iyong ibinahagi sa Community Pantry ng Centro , Pamplona Cagayan. Maraming- maraming salamat po ! Pag-uwi ko pupuntahan po kita at ang iyong pamilya upang makapag-abot din ng sukli sa iyong napakagandang kalooban,” dagdag pa ni Mark Ian.

Nakakamanghang isipin na kung sino pa ‘yung mga walang wala ay sila pa ‘yung bukas palad na handang tumulong sa kanilang kapwa.

Narito naman ang post ni Anford Aquino na natutuwa at nagulat dahil sa ginawa ng ilan sa kanilang komunidad na nagbigay ng tulong sa ginawa nilang ‘community pantry’:


“Bago kami mag launch ng opening ng Community Pantry sa aming barangay, we were surprised because many of our kababayan from centro voluntarily gave their help na galing sa kanilang bukal na puso at kusang loob na ibinigay.

Ang ganitong sistema na kanilang ginagawa ay magandang ehemplo upang tularan sa ating komunidad, Dahil hindi mo na kailangan na sabihin na magbigay sila, sila mismo ang kusang loob na magbibigay nito sa iyo.

I would like to convey to the people that hopefully, we will imitate the habits shown by our kababayan’s from centro and of course we are sincerely proud of our kababayan’s considering that there are such people in our barangay who do not hinder the pandemic to help those people who are in need. Barangay Centro is sincerely grateful to all of you, I hope there will be more like you, sana madagdagan pa ang mga kagaya nyo at sana maging maganda ang inyong mga kalusugan.”

sa panahon ngayon  dapat tayo mag tulongan dahil sa pandemya lalo’t ang iba natin kababayan ay nahihirapan ganyan ang  ginawa ni lola imbes na kumita mas pili pa malugi at makatulong sa kapwa na ngangailanga.

Alam naman natin na sa panahon ngayon ay ang limang piso ay hindi na makakabili ng importanteng bagay tulad ng pagkain at tila kendi na lamang ang mabibili sa halagang ito.

Ngunit sa Meycauayan, Bulacan, pinatunayan ng isang lola na maaari ka ng mabusog sa halagang limang piso sa pagbili ng kanyang masarap na paninda.

Umani ng mga positibong reaksyon mula sa mga netizen ang kabutihang loob ni ginang Mel na nagtitinda ng abot kayang presyong pagkain sa mga estudyante sa Bulacan.

Ayon kay Nanay Mel, napag-alaman niyang maraming estudyanteng hindi sapat ang baon na pera para makabili ng sapat na pagkain sa kanilang pag-aaral, kung kaya naman upang makatulong ay naisip ni Nanay Mel na magtayo ng maliit na tindahan at magbenta ng abot kayang presyo na pagkain malapit sa paaralan.

“Ang isang mahirap, magtatanong ka paano ka makakatulong sa kapwa mo? Hindi porket mahirap ka, hindi ka makakatulong, sa maliit na paraan magagawa mo yan.” ayon kay ginang Mel

Napag-alaman na mahigit isang dekada na palang ginagawa ni Nanay Mel ang pagbebenta sa Bulacan ng P5 meal.

Dahil sa sobrang murang pagkain ay patok na patok ito sa mga estudyante, ganun na rin sa mga malapit na empleydo tama lang ang sinasahod na sa halagang limang pisong budget ay may kanin at ulam ka na.

Ibinahagi din ni ginang Mel ang kanyang sariling recipe na ‘chowfan rice’ na gawa sa fried rice at mayroon sangkap na hotdog na sa halagang limang piso ay makakaraos kana sa tanghalian.

Mga halimbawa ng ulam na ititinda ni Nanay Mel ay tulad ng tinolang manok,bopis,kare-kare,menudo at iba pa.

Nakakataba ng puso ang hangarin ni ginang Mel para makatulong sa mga estudyante dahil malinaw na ang pagtitinda niya ay hindi para kumita siya ng pera kundi para matulungan ang mga mahihirap ng estudyante na kaunti lamang ang baon sa eskwela.

Ayon kay ginang Mel, hindi importante kung nalulugi siya sa kanyang pagtitinda ng murang ulam dahil ang importante umano sa kanya ay nakakatulong siya sa mga katulad niyang mahihirap ang buhay.

“Hindi porket mahirap ka, hindi ka makakatulong, sa maliit na paraan magagawa mo yan.” ayon kay ginang Mel

Nakaka-bilib ang ginagawang pagtulong ni ginang Mel sa mga estudyanteng kapos ang baon kahit na mahirap lang din siya. Sana ay madami pa ang maging katulad ni ginang Mel na handang tumulong sa mga nangangailangan.