Emosyonal ang naging pagpapaalam ni Benj Manalo sa huling sandali ng kanyang ina.

Sa Facebook post ni Lovely Abella, ibinahagi niya ang emosyonal na pamamaalam ng Manalo siblings. Sa kanilang ina na nam4yapa noong January 14.

Nagbigay pugay din ang aktres sa kanyang byenan. Na aniya’y naging parte ng kanyang buhay kahit sa maigsing panahon lamang.

Ipinangako niya din na hindi niya pababayaan si Benj at maging ang mga kapatid nito.

Nagbigay din ng mensahe si Lovey para sa kaniyang mister na si Benj.

“Mahal pinahanga mo ako, pinahanga mo ako kung gaano kabuti ang Puso mo,” saad ni Lovely.

Samantala, nagpaantig naman sa puso ng maraming netizens ang larawan ni Benj. Kung saan makikita ang huling yakap niya sa kanyang ina.

Ito ay nang ihahatid na nila sa kolumbaryo ang urn ng kanilang ina na si Anna Lyn.

Habang nasa loob ng kotse si Benj ay niyakap niya ng mahigpit ang urn. At kitang kita na naging emosyonal ang aktor.

Bakas din ang kalungkutan at pangungulila ng bawat isa sa kanilang magkakapatid.

Sa Facebook post naman ni Myki, ang doktorang anak nina Anna Lyn at Jose Manalo. Makikita na sabay sabay nilang pinalipad ang puting lobo.

Aniya sa caption, “Such a beautiful day to bring your Earthly body to rest. Watch over us from the top of the world, Mommy! We love you very much!”

January 16, nang lumabas ang balita ng pamamaalam ni Anna Lyn. Agad namang bumuhos ang pakikiramay sa kanilang pamilya.