Isang Lolo ang dalawang araw ng naglalakad mula Pampanga papuntang Quezon City ang nakita ng isang Doktor at pinasakay niya ito sa kanyang sasakyan.

Isang doktor na si Sherwin Enriquez mula sa Philippine General Hospital (PGH) ang nagmagandang loob sa 65-anyos na lalaki matapos itong makitang naglalakad sa kahabaan ng NLEX o North Luzon Expressway.

Napansin niya ang kawawang matanda habang nagmamaneho sya papuntang Manila para kunin ang donasyon para sa kanilang fundraising campaign.

Ayon kay doc Sherwin papunta siya sa Cubao sa Quezon City ngunit dahil sa tigil transportasyon ay kinailangan niyang lakarin ang napakalayong lugat sa kabila ng katandaan, paghingi ng tulong sa kanyang kapatid ang kanyang pakay sa pagluwas.

Habang nakikipag-usap sa doktor, bakas ang paghihirap sa kasalukuyang sitwasyon sa mukha ng matanda na hawak-hawak pa ang binalatang mangga sa kanang kamay, at ang mga pinagbalatan nito sa supot sa kaliwa.

“I decided to give him a ride and five minutes later, he was already sleeping,” saad ng doktor.

Subalit pagdating sa NLEX Bocaue Toll Gate Office, nagpasya si doc Enrique na i-turn over na sya sa mga awtoridad para mas matugunan ang kanyang mga pangangailangan, dala na rin ng mahigpit na quarantine guidelines.

Read also:

Isang MMDA Enforcer, Nagalit ng Sitahin sya ng Grab Delivery Rider dahil Ginawang pag Counterflow!

Nag ani ng mga ibat ibang negatibong komento, nang ipost ng isang grab driver na si Urcino Rodriguez ang video na pag sita nya sa isang MMDA Enforcer na lumabag sa batas at nag counterflow sa may Ever Gotesco, Commonwealth.

Ayon kay Urcino ay nagpapahinga lamang daw sya at naghihintay ng booking ng nakita nyang nag counterflow ang isang MMDA Enforcer at vinideohan nya. Ngunit nang nakita sya nito na nag vivideo ay bigla nalamang itong nagalit. Ngayon ay humingi ng tulong si Urcino dahil edenemanda sya ng nasabing traffic enforcer.

Read also:

Ama na Naghahanap-Buhay para sa Kanyang Pamilya, Binayaran ng Pekeng Pera

Marami sa mga Pilipino ang kapos at hirap sa buhay. Isa ito sa pinakamalaking problema ng pamahalaan na hanggang ngayon ay hindi pa din natutugunan o nareresulbahan dahil sa dami ng problema kinahaharap ng ating pamahalaan.

Dagdag pa dito ang pag pasok ng pandemya sa ating bansa, isang malaking epekto ang pandemya sa pagbagsak ng ekonomiya at paghihirap ng mga Pilipino.

Kaya naman, ang iba ay lumalapit sa mga sanhi ng pamahalaan upang makahingi ng tulong pang pinansyal, ang karamihan naman ay gumagamit ng Social Media upang manawagan ng tulong.

Isa na lamang dito ang ama na si Xander Ross na may dalawang anak. Ayon sa kanya, isa siyang tindero ng tubig. Kwento nito, halos wala daw siyang kinikita dahil binabayad lang niya sa utang ang kanyang pinagbentahan.

Hirap siyang kumita ngunit hindi niya naisip na gumawa ng masama bagkus nagtatrabaho ng marangal.Upang makalikom ng tulong pang pinansyal para sa kanyang dalawang anak na nag gagatas pa at sa kanyang lola na diåbetic at may komplikasyon na din sa båga.

Sa pamamagitan ng facebook, ibinahagi ni Xander Ross ang kanilang sitwasyon upang humingi ng tulong sa may mabubuting kalooban