Marami sa mga first time mom ang nagpapakuha ng litrato na nagpapakita ng kanilang pagbubuntis. Ito ay tinatawag na maternity shoot kung saan, isang remebrance o alaala ng kanilang pagdadalang-tao. Viral naman ngayo ang maternity shoot ng hindi lamang isa kung hindi limang future moms. Sabay-sabay na nabuntis ang limang magbabarkada na ito.

Nagulat at naexcite ang photographer na si Marvin Ponce dahil unang beses umano niyang nakaranas na kumuha ng litrato sa limang magbabarkada na magkakasabay na nabuntis.

Ayon kay Cherley Mae Nicolas, hindi umano nila pinagplanuhan namagbuntis ng sabay-sabay. Sa katunayan ang ilan sa kanila ay itinago pa noong una na sila ay nagdadalang tao hanggang sa may isa sa kanila na nagsabing buntis siya ay sabay-sabay na nilang sinabi na sila rin ay nagdadalang-tao na.

“‘Yung day na ‘yon, nagsabi siya sa amin na ‘Day, I have news. Buntis ako.’ Tapos ‘yon, natawa na lang kaming lahat. Sunod-sunod nagsabi na, ‘Ako rin.’

Dahil dito ay napagpasyahan nilang magpamaternity photoshoot ng sabay-sabay.

“Na-excite ako kasi first time ko nag-shoot ng group picture na maternity at mag-friends pa sila. Nag-wonder talaga ako kung paano nagsabay-sabay silang buntis,” ani ni Marvin.