Lester Llansang, delivery rider na ngayon matapos ang role sa Ang Probinsyano

0
141

Proud na ibinahagi ng aktor na si Lester Llansang na isa na siya ngayon Lalamove delivery rider.

Sa latest interview ni Lester kay Ogie Diaz, ibinahagi ng aktor ang kanyang trabaho ngayon. Matapos ang naging role niya sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Saad ni Lester proud siya na isa siyang delivery rider ngayon. Aniya, “Sinubukan ko siya pero in-enjoy ko siya tito, promise… Nagde-deliver ako ng mga pangangailangan ng tao.”

“Umulan, umaraw nandun ako, isa ako ngayong Lalamove rider,” pagmamalaki pa ng aktor.

Naibahagi din ni Lester ang mga karanasan niya araw araw sa pagbyahe bilang isang delivery rider. Na aniya’y paniguradong dinaranas din ng mga kapwa rider niya.

Ayon sa aktor sa umpisa daw ay mahirap pero habang tumatagal ay nag-eenjoy na siya sa kanyang ginagawa.

Malayo man daw sa kinalakihan niyang trabaho bilang artista ay taas noo pa din siya dahil kumikita siya sa malinis na paraan ngayong may pandemya.

“Nasa state ako ngayon na ‘di baleng mababa ang kita kesa wala,” paglalahad pa ni Lester.

Ibinahagi pa niya na kahit may trabaho man ang kanyang partner ay ayaw niyang iasa na lang ang lahat dito. Lalo pa at sanay siya na siya ang gumagastos at naghahanap buhay para sa kanila.

Umani naman ng papuri si Lester mula sa maraming netizens.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Nakaka-relate po ako sa inyo Sir Lester, laban lang, tama po kayo Something is always better than nothing and always be a blessing to others.”

“inspiring stories sana maging ganito lagi yung theme, learning lessons from how others live their life.”

“This interview really represents our heroic delivery riders. Hindi talaga biro ang ginagawa nila. I admire you for working hard even just for a small income.”

Pulis, Inabutan ng Pera ang Isang Lola na Nagtitinda ng Gulay Para Umuwi at Magpahinga na Lamang

May ilan man sa ating mga kapulisan ang nakakagawa ng hindi maganda sa ating mga kababayan ay marami pa rin ang mga pulis na may pus0ng mamon.

Matapang man sa kanilang mga gampanin bilang mga Pulis ay malalambot naman ang kanilang mga pus0 pag dating sa mga taong nangangailangan ng tulong lalong lalo na sa mga matatanda.

Isang post naman ang ibinahagi ng Tambayan NG PULIS facebook page nitong Agosto 9. Mapapansin sa larawan kung paano inabutan ng Pulis ang isang Lola ng pera.

Ayon sa ulat, binigyan ni PLT Rafael N Abuan ng pera ang isang lola na naglalako ng mga gulay sa isang lugar sa Aurora. Binigyan niya ito ng pera para umuwi na at mamahinga na upang hindi na masyadong mapag0d ang matanda.

Dahil dito ay marami ang sumaludo at napahanga sa Pulis dahil sa pagiging mabuti nito at pagmamalasåkit sa matanda.

“I love him because he has a huge heart to our elderly. I salute you sir! Super hanga ako sayo. Hindi ka lang tall dark and handsome napaka buti ng kalooban mo. Keep up the wonderful and anazing deeds for our elderly.. Godbless you po,” ani ni Yon Yon L Gulle sa kanyang komento.

Narito ang naturang post:

Umuwi ka na po lola. Pulis ng Dipaculao MPS, Aurora PPO, nakilalang si PLT RAFAEL N ABUAN, nakita ang isang ginang na nagbebenta ng gulay, dahil sa banta ng C0V!D19, inabutan nito ng pera upang umuwi na lamang, at mag pahinga na lamang sa bahay at hindi na mapagod pa!