Sa kabila ng krιѕιѕ at mga pagsubok na kinakaharap natin ngayon, nakakatuwa lamang makakita ng mga larawan ng mga tao na nagpapakita ng kabutihan at katapatan sa kapwa nila nangangailangan.

Katulad na lamang ng isang pulis na nag-viral sa social media kamakailan lamang dahil sa kabutihan na ipinakita nito sa kaniyang kapwa.

Sa larawan na ibinahagi ng netizen, makkita na nilapitan ng isang pulis na nakilala bilang si Bason Delos Reyes ang mag-ina na nakaupo at nagtitinda ng candy sa labas ng convenience store sa Marikina City. Makikita din na binigyan ng pagkain at inumin ng pulis ang mag-ina dahil tila hindi pa ata kumakain ang mga ito.

Hiniling ni Janet Samsom-Morta na nakakita at kumuha ng larawan sa pangyayari na sana lahat ng pulis ay katulad ni Delos Reyes na mabait at mapagbigay sa kapwa na nangailangan. Sinabi din ni Janet na sana ay ipagpatuloy lamang ng pulis ang maganda niyang ginagawa sa kapwa.

Ani Janet,

“Sana lahat ng pulis ganito. Good job sir Bason De Lo. Godbless sir! Ikaw ang tunay na lodi. 👍👍 Ipagpatuloy mo lang po ‘yung magandang ginagawa mo.”

Samantala, marami namang netizens ang humanga at pinuri ang pulis dahil sa kabutihan na ginawa nito sa mag-ina. Hiling din nila na sana ay tularan si Delos Reyes ng iba pang pulis.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“May maitulong ka lang sa kapwa mo malaking bagay na yun di mahalaga ang pera ngayon mahalaga ang buhay ng kapwa tao mo.. maraming salamt po sainyo”

“Mas marami nman tlagang mababait at mabubuting pulis,my mga barkada,tropa taung mga PNP officers n Wala ka Ng masabi s pagiging dedicated nila s trabaho#PNP#Frontliner#Two hands salute 🙂”


“WOW GANYAN SANA ang turaan nng ATING ibang kapulisan God bless you sir”

“He is the kind of policeman to be much appreciated by the people specially the poor.”

Isang Nigerian national ang tinulungan ng mga mabubuting ρυℓιѕ na ito, umani ng papuri sa mga netizens

Sa panahon ng kahirapan marami pa rin ang mga taong nangangailangan ng tulong. Kaya naman nagkakapit-bisig ang mga tao upang matulungan ang mga taong humihingi ng tulong.

Kilala man ito o hindi ang taong may mabubuting puso ay hindi nagdadalawang isip na hindi tumulong. Kagaya na lamang ng mga pulis na ito, sila ang mga nakilalang mga ρυℓιѕ na nagsasagawa ng checkpoint sa kalsada.

Source: Facebook/ Isko Moreno Supporters page

Naibahagi sa social media ang kanilang kabutihang ginawa. Ayon sa post, habang naka-duty daw ang mga pulis na ito sa checkpoint ay may lumapit raw sa kanilang isang lalaking Nigerian national.

Ang lalaking umano na ito ay humingi ng tulong sa kanila dahil naubusan ito ng perang pamasahe patungo sa United Church of Christ sa Quezon City. Wala nang ibang malapitan ang lalaking Nigerian na ito, kaya naman naglakas loob siyang lumapit sa mga ρυℓιѕ lalo pa’t gutom na gutom na ito.

Kaya naman dahil sa naramdamang awa sa lalaki ay pinakain siya ng mga ρυℓιѕ at nag ambag-ambag pa sila upang mabigyan ng pera ang lalaki, para makapunta na ito sa kaniyang pupuntahan at makauwi na rin sa kaniyang tirahan.

Source: Facebook/ Isko Moreno Supporters page

Labis naman ang naging pasasalamat sa kanila ng lalaki dahil hindi daw ito nagdalawang isip na tumulong. Iba man ang lahi ng lalaki, hindi naman ito naging hadlang upang hindi siya matulungan. Ito ay isang pagpapatunay na likas na sa mga Pinoy ang pagiging maawain at matulungin.

Isang magandang halimbawa ang mga pulis na ito sa kanilang kapuwa, dahil hindi naman sila tumulong bilang opisyal ng bayan bagkus bilang isang mabuting mamamayan.

Bibihira na lamang tayong makakita ng mga taong gumagawa ng kabutihan sa kanilang kapuwa. Kaya’t maswerte ang taong nakakatagpo ng mga mabubuting tao. Sila ang maituturing na tunay na mga bayani, dahil sa kanilang ipinakitang kabutihan maraming mga netizens ang humanga sa kanila at binigyan sila ng mga papuri. Nawa’y kanilang ipagpatuloy ang paggawa ng kabutihan sa lahat ng tao.

Mabuting Security Guard, Sinauli ang napulot na 500,000Php sa isang OFW

Isang Security Guard sa isang paliparan, nagpakita ng katapatan matapos isauli ang napulot na pera.

Napulot ng isang Security Guard na si Danny Namion ang nalaglag na pera ng isang OFW na nagkakahalaga ng 500,000Php sa Airport ng Terminal 1.

Kahit maliit lang ang kinikita ni Danny ay hindi nya pinag-intrisan ang pera na kanyang napulot.

Minsan pa nga ay nanghihiram pa ito sa mga kasamahan nya ng pera para panggastos. Kadalasan pa ay hindi ito nakakakain ng tanghalian dahil sa kakapusan sa pera.

Dahil sa katapatang ginawa nya, binigyan sya ng 300 dollars ng OFW na nagmamay-ari ng perang kanyang napulot.

Hindi rason ang kahirapan para hindi ka gumawa ng mabuti sa iyong kapwa, Lahat ng mabuti sa kapwa ay pinagpapala.