Kapag mayroong isang taong hindi mo kilala na lumapit sayo sa daan upang humingi ng limos ay kadalasan na hindi natin ito pinapansin. Dahil ang iniisip natin na gumagawa lamang sila ng kwento upang magmukang kaawa-awa sa mga tao at upang mabigyan sila ng limos.

Ngunit ang hindi natin alam, na may iilan sa mga ito ay nagsasabi rin pala ng totoo. Gaya na lamang ng isang inspiring na kwentong ito na shinare ng Facebook user na si Jaive Joseph Roble.

Siguro tadhana nga na pagtagpuin sila ng isang mahirap na lalaki na nakilala niya bilang si Jerick Reyes habang papauwi na sana siya sa kanilang bahay. Napanasin ni Jaive na nilapitan siya ng lalalaki at nanghihingi ito ng sampung piso sa kanya.

Nang maikwento ni Jerick sa kanya kung bakit niya kailangan ang sampung piso ay talagang naging emosyonal at naantig ang puso ni Jaive. Nalaman niya na na ang mahirap na lalaki ay kailangang bumili ng gatas para sa kanilang anak ngunit nagkulangan siya ng pera.

Ayon sa post ni Jaive, halatang kinakabahan pa daw ang lalaki bago siya lumapit. Sinabi ni Jerick na buong araw na daw siyang paikot-ikot sa mga construction sites upang maghanap ng trabaho ngunit walang tumanggap sa kanya.

Ayon pa sa lalaki, hindi daw alam ng kanyang misis na nanlimos lamang siya ngayong araw na ito para may maiuwi lang siya na gatas at pagkain para sa kanyang pamilya.

Nang tinanong ni Jaive kung ano ba ang gatas ng kanyang baby ay sinabi niya na Nestogen na may halagang Php160. Aabot na daw iyon bilang panggatas sa loob ng dalawang araw. Nakabili na siya ng ibang kailangan ng anak gaya ng diaper ngunit 150 Pesos na lang ang kanyang natirang pera at hindi na ito kakasya para sa gatas.

Noong una ay nadalwang isip si Jaive kung bibigyan na lamang niya ito ng pera at aalis na. Ngunit dahil malapit na sila sa isang mall ay sinamahan na niya ang lalaki upang makabili ng gatas.

Nagaalinlangan pa ang lalaki dahil baka hindi daw siya papasukin. Ngunit iginiit ng Jaive na huwag itong mag-alala dahil pinagtagpo sila ng tadhana.

Walang tigil ang pasasalamat ng lalaki sa kanya habang binibili nila ang mas malaking pakete ng gatas at sinamahan pa niya ito ng pang-ulam na manok, atay, at giniling.

Pinayuhan din ni Jaive ang lalaki na huwag panghinaan ng loob sa paghahanap ng trabaho.

Minsan kahit napanghihinaan na tayo ng loob sa ating mga problema ay huwag nating kalimutan na may plano ang Diyos para sa ating lahat.