Kylie Padilla, tapat na inaming naka-move on na sa hiwalayan nila ng asawang si Aljur Abrenica

0
156

Kylie Padilla, naka moved on na nga ba sa hiwalayan nila ng kanyang dating asawa na si Aljur Abrenica?

Tila masaya na ang Kapuso actress ngayon matapos ang ilang buwan na mapabaluta ang hiwalayan nila ni Aljur.

Sa most recent interview niya sa 24 Oras kay Lhar Santiago, madami ang nakapansin na naka ngiti at blooming na muli ang aktres.

Ayon kay Kylie, masaya na daw talaga siya ngayon at nakapag adjust na rin siya at ang kanyang mga anak sa kanilang nilipatang bahay.

“I mean, puwede naman sabihin na ‘I’m happy’ just for the sake of it. Pero I’m really, really happy now, masaya talaga ako,” giit ng aktres.

Bukod dito, maganda din daw ang naidulot sa kanya ng kanyang new project.

“Especially after this project na sinasabi ko nga, naging therapy siya in a way to get through I was going through. But now I feel happier talaga,” pagbabahagi ng mom of two.

Ang mas nakakatuwa pang sabi ni Kylie, “I’m at peace now than I was.”

Matagal din hindi nakagawa ng pelikula ang aktres kaya naman super excited siya sa upcoming movie niya na BetCin.

Makakasama niya dito ang isa pang Kapuso aktres na si Andrea Torres.

Kamakailan lang, pina-wow ni Kylie ang kanyang nga fans dahil sa kanyang fiercer new look.

Agot Isidro, May Mensahe Para Kay Drivers United Representative Cong. Claudine Bautista: “That gown alone can feed hundred of families of displaced drivers”

Si Maria Margarita Amada Fteha Isidro o mas kilala bilang Agot Isidro ay ipinanganak noong Hulyo 19, 1966. Siya ay isang sikat at batikang aktres.

Ika-apat si Agot sa anim na magkakapatid. Ang kanyang mga magulang ay sina Jose Isidro, isang architect habang ang kanyang ina ay si Edwarta Fteha, isang Palestinian.

Nakapagtapos si Agot sa University of the Philippines Diliman sa kursong Bachelor’s Degree in Interior Design.

Ipinagpatuloy naman niyang ang Fashion Buying and Merchandising sa Fashion Institute of Technology sa New York City kung saan natapos niya ito bilang Magna Cum Laude.

Natapos din niya ang Master’s Degree in Communication sa Ateneo de Manila University.

Naging usap-usapan naman sa social media ang kanyang tweet patungkol sa isinuot na gown ni Con. Claudine Baustista sa kasal nito. Si Cong.

Bautista ay Representative ng Drivers and Commuters at siya rin ang humindi sa pag-franchise ng ABS-CBN.

 

“That gown alone can feed hundred of families of displaced drivers,” ani ni Isidro sa kanyang tweet.

“And you’re representing which sector again, Cong. Claudine Bautista?” pagtatanong ng aktres kay Cong. Bautista.

Ni-retweet ni Isidro ang tweet ni DeeDee Holliday na may caption na: “Drivers and Commuters Rep who voted NO to ABS-CBN franchise got married in a Michael Cinco gown in a lavish peony-filled ceremony in Balesin in the middle of a ραndεmιc. How ostentatious. May vαccιnαtισn drive ba sya for drivers and commuters? Asking for a friend.”