Isang napakaswerteng avid fan ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake ang nakatanggap muli ng maagang pamasko.

Sa panibagong episode ng vlog ni Zeinab na ‘Santa Zebby’ ang Kapamilya actress na si Kim Chiu ang kanyang nakasama.

Napuno ng tawanan at kulitan ang nasabing vlog dahil sa parehong vibes na hatid ng dalawang magandang dilag.

Kumasa si Kim sa challenge ni Zeinab, ang rules ng nasabing laro ay maglalagay ang aktres ng mga Christams balls sa Chritmas tree.

Ang bawat bola ay ma katumbas na halaga, five thousand para sa mga red balls. At one thousand naman sa gold balls.

Ang mapapanalunan naman ni Kim ay mapupunta sa mapipili ni Zeinab na avid fan niya.

Kaya naman game na game at full of energy ang aktres para malaki umano ang halagang mapupunta sa nasabing avid fan.

Sa huli ay katumbas ng 54,000 pesos ang lahat ng nakuhang Christmas balls ni Kim. Plus automatic 10,000 pesos mula mismo kay Zeinab. Ang maiuuwi ng isang 22 years old working student avid fan ni Zeinab.

Total of 64,000 pesos ang matatanggap ng napakaswerteng fan na ito ng vlogger. Ngunit hindi pa doon natatapos ang biyaya. Dahil napagdesisyunan ni Kim na dagdagan pa ang cash prize.

Ani ng aktres, “Magkano pa ba kulang? 36? O dadagdagan ko ng Php36,000 para maging Php100,000!”

Laking tuwa at naging emosyonal pa ang working student sa pamsakong handog para sa kanya nina Kim at Zeinab.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video: