Kim Atienza, Sinupalpal Ang Pahayag Ni Mario Maurer Na ‘Fan’ Daw Niya Si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo

Hindi maikakaila ang disgusto ni Kim Atienza o kilala rin sa tawag na Kuya Kim kay Mario Maurer at sa PR team nito matapos itong mag-iwan ng...

0
386

Hindi maikakaila ang disgusto ni Kim Atienza o kilala rin sa tawag na Kuya Kim kay Mario Maurer at sa PR team nito matapos itong mag-iwan ng komento sa isang post na nalathala sa official FB page ng GMA News.

Ang post ay tungkol sa pahayag ng pagsuporta ng Thai actor na si Mario Maurer kay Rabiya Mateo na kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.

Kahapon ay nagdaos ang isang telecom company kung saan si Mario Maurer ang brand ambassador ng isang virtual conference.

Sa panayam ay nagpahayag si Maurer ng suporta kay Rabiya. Aniya, “I heard that Rabiya is kind of a fan of mine, and I’m very happy to hear that. “And, you know, I wish her good luck because I know she’s in the competition, so I wish [her] good luck.”

Sa kabilang banda, hindi pinalampas ni Kuya Kim ang pagkakataon upang iparating ang nararamdamang pagkadismaya sa Thai aktor at kampo nito.

Nag-iwan si Kuya Kim ng mainit na komento sa post tungkol sa ulat ng pahayag ng pagsuporta ni Mario kay Rabiya upang ipakita ang kanyang simpatya sa komediyanang si Kakai Bautista.

Hindi naiwasan na magbigay ng maaanghang na salita laban sa Thai actor at sa PR team nito. Aniya, “No, Rabiya is not a fan of yours, Kakai was and how badly you and your PR team treated her. Just had to say that.”

Maraming netizen ang sumang-ayon sa komento na ito ni Kuya Kim.

Matatandaang naging laman ng balita si Kakai Bautista dahil sa demand letter na pinadala sa kanya ng kampo ni Maurer na tigilan ang paggamit sa pangalan ng aktor.

Samantala, nabanggit ni Rabiya Mateo na paborito niyang aktor si Mario Maurer sa isang ambush interview nang mag check-in siya sa official residence ng mga Miss Universe.

Miss Universe Russia, Hinangaan Dahil Sa Taglay Na Ganda Na Tila Isang Real-Life Barbie Doll

Sa nalalapit na tagisan ng ganda, talent at talino: ang inaabangang Miss Universe 2020 pageant, kaniya-kaniya na nang pagpili ang mga tao nang kanilang susuportahan. Marami ring kandidata ang inaabangan ng mga pageant enthusiasts na magpakitang gilas sa nalalapit na paligsahan.

Malapit nang isalang sa kompetsiyon ang mga kandidata ng iba’t-ibang bansa na kasalukuyan ay nasa United States of America na upang maghanda sa pagpapakita ng kanilang husay, kasama na nga rito ang ipinagmamalaking kandidata ng Pilipinas na si Rabiya Mateo. Ngunit hindi rin maiiwasan ng mga tao na abangan ang iba pang mga kalahok.

Isa nga sa mga ito ang kandidata ng bansang Russia na si Alina Sanko. Marami ang humahanga sa huli dahil sa nakakabighani umano nitong kagandahan at tila ba isa itong real-life Barbie doll.

Sa mga larawan ni Miss Universe Russia na ibinahagi ng socmed page na The Pageantry, makikita ang itsura nitong maihahalintulad sa isang maynika katulad nga ng nakasaad sa caption ng naturang page na isa itong real-life Barbie doll.

“Look: She is the definition of a living Barbie doll, Alina Sanko, Miss Universe Russia 2020. She has arrived safe and sound in Miami, Florida USA for Miss Universe 2020,” turan sa nasabing post.

Umani ng komento nang paghanga mula sa mga netizens ang post na ito.

Inaabangan din ng mga ito ang ipapakita ng kandidata ng Russia, ang damit na isusuot nito at ang magiging kasagutan sa Question and Answer portion.

Samantala, kahit pa mga Pilipino, sinabi ng iba na malaki raw umano ang tiyansa ni Miss Russia na magwagi sa Miss Universe pageant. Ito ay dahil isa na raw beterana si Miss Russia sa pageantry

Lumahok na raw ito sa Miss World pageant, tulad ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na pambato noon ng Pilipinas, ay malaki raw ang tiyansang maiuwi ang korona dahil sa mga karanasan nito. Bagama’t hindi nanalo sa Miss World 2019, ay napabilang naman ito sa top 12.

Sa nalalapit na May 17 sa Florida, USA, magaganap ang labanan ng 70 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang masungkit ang korona.

Rabiya Mateo, Nagkaroon ng Wardrobe Malfunction sa National Costume ng Miss Universe Pageant

Isa sa mga pinakainaabangang segment ng Miss Universe ay ang National Costume. Maraming fans ng Miss Universe ang nakatutok sa segment na ito, dahil dito lalabas ang creativity at resourcefulness ng mga kandidata. Isa sa mga pinaka promising na kandidata ngayon sa Miss Universe ay ang Philippines representative na si Rabiya Mateo.

Itinuturing ng mga pageant enthusiasts ang National Costume bilang make-or-break para sa mga contestants. Mayroon rin silang chance na magdulot ng lasting impression sa mga judges upang mag-advance sila sa competition. Ngunit maraming netizens ang napa-react matapos i-reveal ang national costume ni Rabiya.

Ginawang inspirasyon ni Rabiya ang Philippine flag para sa kanyang red and blue ensemble. Proud na proud niyang inirampa ang kanyang gown, ngunit marami ang nakapansin na tila nahihirapan si Rabiya na gumalaw dito. Ayon sa isa sa mga teammates ni Rabiya, nagkaroon ng wardrobe malfunction dahil sa bigat ng costume.

Ayon sa reports, mahigit 20 kilos ang bigat ng damit ni Rabiya. Dahil sa bigat nito, hindi inaasahang nasugatan rin ang beauty queen. Nabahiran din daw ng dugo ang kanyang stockings matapos niyang rumampa dahil nahirapan siya sa kanyang costume.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang agad na nag-react sa balitang ito. May mga fans ang nangamba na baka maging balakid ito upang maiuwi ni Rabiya ang korona. Mayroon ding nagpahatid ng kanilang suporta upang palakasin ang loob ng beauty queen. Silipin ang kanilang mga komento dito:

“Ano ba yan? All the price for winning. Di ba kinonsider nung gumawa ang weight nyan? O baka pinalalaki na naman? Whatever. Basta we wish you luck.”

“Go rabiya.. dedmahin mo yang mga Nega Commnts.. we are proud of you no matter what happen.”

“It looks beautiful pero parang hindi eksakto yung posture kasi parang statue hindi na choreograph.”

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Rabiya Mateo, personal na humingi ng sorry sa 2 Miss U candidate na nιℓαιt lαιt ng ilang Pinoy

Miss Universe-Philippines Rabiya Mateo recently expressed her disappointment over Filipino fans.

Making rac!st and hate comments against other contestants of the upcoming Miss Universe pageant.

Given the competitive nature of beauty pageants and the enthusiasm surrounding them, it’s only natural to expect that things can get heated online. However, some pageant fans took it too far.

Miss Universe Canada Nova Stevens posted on Instagram a black-and-white photograph of herself.

Collaged with a collection of rac!st comments trained on her skin color. Unfortunately, all of them were in Filipino.

Meanwhile, Miss Universe Philippines Rabiya Mateo addressed the issue in a Miss Universe Philippines virtual conference on May 5.

She said that she sent personal messages to her co-candidates and asked for their forgiveness.

“I actually personally sent messages to Amanda, to Nova saying sorry because these hate speeches that we see online, this is not a reflection of who we are as Filipinos,” the Miss Universe Philippines titleholder said.

She added, “I can say that we do love pageants, and we support girls. And with Miss Universe, the goal is to celebrate the differences and to be with the girls and the cause that they stand for.”

Rabiya also expressed sadness over the rac!st comments her beauty queen sister Nova received.

“I saw the post of Nova earlier today and I really feel sorry for her because nobody deserves to be in that position,” she said.

Being someone who has experienced such a thing as well, Mateo stated that buIIying is a very emotional topic.

“That’s why I’m actually planning to make a video, the organization and I are planning to make a video to make an appeal to the public to stop being rude. Because it costs nothing to be kind,” she added.

Your thoughts on this?