Ang pagkakaroon ng anak ay isa sa pinakamalaking blessing na matatanggap ng lahat ng tao. Halos lahat naman ng kababaihan sa buong mundo ay nanaising sa buhay ay maging isa silang ina at ama naman sa kalalakihan. Pero ng magulang ay may kaakibat na mga responsibilidad na kailangan harapin.

Sa maniwala kayo o hindi, may taga India na nagbuntis at nanganak pa sa edad nitong 72 yrs old. Si Daljinder Kaur na ngayon ay ang pinakamatandang babae na nanganak sa buong mundo.

Noon pa man na sila ay bagong kasal pa lamang yan ninais na nilang magkaroon ng kanilang sariling anak, ngunit hindi ito naging madali sa kanila. Pero sa isang pagkakataon matapos ang 46 years na paghihintay, ang kanilang hinihiling na magkaroon ng anak ay natupad na. Sumailalim sila sa IVF o mas kilala natin sa tawag na Vitro Fertilization, ito ay ang proseso kung saan ang sperm at egg cell ay nakuha at kapag ito ay pwede na, ito ay ilalagay sa uterus para mabuo ang sanggol.

Kahit na gumastos sila ng medyo malaking halaga para sa proseso ay ginawa nilang lahat ng kanilang makakaya para lamang magkaroon ng sariling anak. Makalipas ang dalawang taon na pagsasailalim sa proseso ng tatlong beses ay nagpasalamat sila at nakita nila ang kanilang baby boy.

Ayon sa magulang ay Charming at friendly ang kanilang anak

“I love him. He is a friendly child and smiles at everyone. This makes things very easy for me because I can be at ease when someone is around.”

“I spend all day with him.. We decided not to get any help. He loves his father a lot. He’s always in his arms if I’m busy cooking or doing housework,”

Read also:

Isang Ama, Naging Emosyonal ng Mahawakan ang Kanyang Anak na Kakapanganak palang Sa Unang Pagkakataon!

Naging emosyonal ang first time dad na ito nang una nya mahawakan at mabuhat ang kanyang anak na kakatapos lamang isilang ng kanyang asawa.

Nag ani ng iba’t ibang magagandang komento at pinusuan ng mga tao ang naturang pangyayari na iyon, at umabot pa sa mahigit 3.5 millioan ang nakapanood sa facebook.

Ang asawa ni Chris Bunao na si Xia Bunao ay nanganak sa kanilang lalaking anak noong September 11, 2021, sa Edmonton, Canada.

Pinangalanan nila itong Chrisxian Psalmuel na galing daw sa kanilang pinaghalong pangalan. Kwento pa nila ay mahigit 8 yrs daw na naging long distance ang kanilang relasyon.

At ngayong September sa kasalukuyang taon, ay nag migrate na si Xia sa Canada. At makalipas ng tatlong buwan mula ng magpunta si Xia sa Canada ay nag dalang tao na ito.

Pahayag pa ni Xia sobrang hands on daw ni Chris bilang asawa at ama. Lagi daw nitong kinakantahan at kinakausap ang kanilang baby noong nasa sinapupunan pa lamng ito.

Read also:

Julia Montes, Ipinakita At Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Kaniyang Anak

Naging viral sa social media nito lamang ang larawan na ito na ibinahagi ng aktres na si Julia Montes sa kaniyang Instagram account kung saan makikita siyang nakaupo habang siya ay may karga na baby boy.

Maraming netizens pa ang nakapansin na tila hawig ng sanggol ang kasintahan umano ni Julia na si Coco Martin. Wala ding kahit na anong caption ang aktres sa larawan na ito.

Sa loob ng isang oras nang i-post ni Julia ang naturang larawan, umani na kaagad ito ng mahigit na 30,000 likes. Marami din ang bumati sa kaniya na mga tagahanga at followers niya kaya marami ang nagsasabi na ang sanggol na ang anak nila ni Coco.

Kung matatandaan, kapag nagpo-post si Julia ng mga larawan ng bata sa kaniyang social media account ay palagi itong may caption. Katulad ng isang larawan na napagkamalan din na anak niya, ngunit malinaw sa caption na ninang lamang siya nito. May isa pang baby photo din siya noon na ipinost at may kaakibat na caption na nagsasabing Baby Amara, ang pangalan ng kaniyang anak sa teleserye na ginampanan niya noon.

Ayon sa ilang sources, nagdalang tao umano si Julia noong taong 2019. Ngunit, sinasabi na pinili umano ng aktres na itago ito para sa kaniyang kalusugan at peace of mind. Naging malaking tulong din umano kay Julia ang pamilya ng kaniyang biological father na nasa ibang bansa.

Matatandan na sa kasagsagan ng kasikatan ng aktres nang bigla na lamang itong umalis para pumunta sa Germany at tumira sa pamilya ng ama.

Gayunpaman, walang kahit na anong direktang kumpirmasyoan mula sa aktres kung ang sanggol nga ba na ito ay anak niya kay Coco.

Hanggang ngayon, wala pang nagiging reaksyon patungkol dito si Coco. Kung matatandaan ay nag-viral ang mga videos ni Coco kaya nagdesisyon ang management ng ABS-CBN na ipabura na sa aktor ang kaniyang social media account.

Ngayon ay abala pa ang aktor sa kaniyang teleserye na ‘Ang Probinsyano.’