Dama ang matinding emosyon ng aktor na si Benj Manalo sa tribute message niya para sa kaniyang minamahal na ina na si Anna Lyn na namayapa noong Biyernes, Enero 4.

Sa isang Instagram post, makikita sa larawang ibinahagi ni Benj na yakap niya ang urn ng kaniyang namayapang ina.

Kaakibat ng larawan ay isang madamdaming tribute message ng aktor para sa kaniyang ina.

Caption ni Benj sa kaniyang post,

“Dear mommy, thank you for everything, thank you for all the life lessons you’ve shown us, this week was a rollercoster ride but it ended up in full restoration.”

Dagdag pa niya,

“Love, hope, peace, joy, sadness and family.. these are the things/knowlege that you left us and will be forever be treasured in our heart. You are a testimony to us.”

Ayon kay Benj, ang kaniyang ina ang “a testimony of Gods love to His children.”

Aniya pa,

“We are saddened that you have to went through all of those. But we are happy that you are now in His kingdom.”

Dagdag pa ni Benj,

“You may sing and dance now and enjoy eternal life with God. You will be missed by your children, your sisters and everyone who loves you.”

Sa kaniyang post, nagpasalamat din di Benj pata sa mga nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa kaniyang pamilya.

Huling mensahe niya para sa kaniyang mahal na ina,

“Thank you for leading this family. I love you so much mommy. We love you. Rest now mom.”

Sa hiwalay na post sa Instagram, nagbigay din ng tribute message si Lovely Abella, asawa ni Benj, para sa kaniyang mother-in-law.

Si Anna Lyn ay ang dating partner ng komedyanteng si Jose Manalo. Sila ay biniyayaan ng apat na anak na sina Benj, Myki, Ai, at Niccolo.