Jovit Baldivino, Labis Na Nangungulila Sa Anak, Nais Na Nya Itong Makita at Makasama

0
231

Mararamdamang labis labis ang pangungulila ngayon ng pinoy singer na si Jovit Baldivino matapos nag ilang taong hindi nakita ang kanyang anak sa dati nitong nobya na si Shara Chavez.

Inihayag niya ang saloobin sa kanyang social media account na nais umano niyang makuha ang anak nito mula sa kanyang ina.

Binanggit din niya na may karapatan din siya sa kanyang anak dahil siya ang ama nito at bilang ama ay mahirap para sa kanya na hindi man lang ito nakakasama at nakakausap.

Mahaba haba ang naging pahayag nito at umani ng samut saring realsyon mula sa kanyang fans at netizens.

Matatandaang dating fan ni Jovit si Shara noon bago maging sila at biniyayaan sila ng isang anak noong July 2016 at makalipas ang isang taon ay nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon dahil umano sa [email protected] ni Jovit.

Mula noon ay inilayo umano ni Shara ang kanilang anak.

“bilang isang ama may karapatan din naman ako sa anak ko, yung pamilya ko nga nalulungkot pag hindi nakita ang pamangkin at apo, eh ano pa naman ang isang ama, na lagi na lang nagaalala at nagtatanong kung malaki na ba, madaldal na ba, kumakanta rin ba o ano etc…”

Ayon sa kanya ay masaya na umano siya ngayon dahil nabigyang linaw na ang lahat na wala siyang kasalanan sa mga ibinintang sa kanya noon.

Ang tanging hiling na lamang nito ay makasama ang anak sa magandang buhat at tapat na hanapbuhay at lumaki ng may paniniwala at takot sa Diyos.

Ilang netizens ang nalungkot sa naging pahayag nito at pangungulila sa anak.

“god bless  you as always  marami kaming naniniwala at buong pusong nag mamahal sau”

“I always believe that the truth will prevail..You will always be my fave singer no matter what ,I Stan you all the way .May God bless you and your family always.❤️”

Makikita rin sa mga nagkomento ang pagmamahal sa singer at marami ang naniniwalang magkikita rin silang mag-ama sa tamang panahon.

Anak nina Jessa at Dingdong Avanzado, Masayang Natapos ang Grade 11 Bilang 1st Honor Student sa Kanilang Paaralan

Si Richelle Ann Mallari Loyola-Avanzado o mas kilala bilang Jessa Zaragoza ay ipinanganak noong Enero 31, 1979. Siya ay isang modelo, mang-aawit at artista.

Siya ay kinilala bilang “Phenomenal Diva” at “Jukebox Queen of ’90s”. Ang kanyang asawa ay si Fernando Cyril “Dingdong” Veloso Avanzado na ipinanganak naman noong Hulyo 7, 1968. Isa siyang mang-aawit, aktor, politician at TV Host.

Ikinasal sina Jessa at Dingdong Avanzado noong Marso 18, 2018 at may isang anak na nagngangalang Jayda.

Si Jayda Avanzado ay 18-anyos pa lamang ngunit isa na siyang song writer, music producer, singer, model at social media influencer. Ang kanyang talaento ay nakuha sa kanyang ina at ama na magagaling din sa pagkanta.

Sa edad na 9 na taong gulang ay nag-perform na siya sa show ng kanyang ama na “Tatlong Beinte Singko”.

Edad 12 naman nang matuto siyang sumulat ng kanta. Dahil sanay sa showbiz si Jayda mula pagkabata, ay hindi na lamang niyang pinapansin ang ilang mga nangba-båsh sa kanya sa social media.

Marso 2019 nang ilabas ang kanyang kanta na pinamagatang “Happy For You”. Hanggang sa may mga sumunod pa siya isinulat na may pamagat na Paano Kung Naging Tayo at Mag-isang Umiiibig.

Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa kanyang instagram post ang kanyang achievement sa kanilang paaral.
Natapos niya ang Grade 11 bilang isang 1st honor student. Hindi naman maipagkakaila ang kanyang angking kagandahan at katalinuhan. Bukod pa rito ay talentado rin siya kaya naman total package na si Jayda.