Jake Ejercito, 5 yrs ng single, payag na muling makasama ang ex at ina ng kanyang anak na si Andi Eigenmann

0
385

Ipinakilala na si Jake Ejercito sa media noong April 30 bilang bagong Kapamilya at bahagi ng Dreamscape family.

Hindi naman nakaiwas ang aktor ng tanungin kung handa ba itong makatrabaho ang dating nobya na si Andi Eigenmann.

Sakaling mabigyan ng proyekto na magkasama.

Mabilis na sumang-ayon si Ejercito, na may anak kay Eigenmann na si Ellie, sa posibilidad na magkasama sila ng aktres.

“Yeah why not? If the opportunity arises, pero mukhang heavy drama ‘yun kung Andi kasi the heiress of drama kasi siya before e,” saad ni Jake.

Maging ang mother nitong si Jaclyn Jose ay wala raw problema at magiging karangalan pa raw  kung makakasama ito ni Jake sa trabaho dahil kilala itong mahusay na aktres.

“Oo naman. It would be an honor kasi Cannes Best Actress. Of course definitely. Tita J. The one and only,” pagbabahagi pa ng aktor.

Natanong din si Jake kung papayagan ba nito ang anak na si Ellie kung gustuhin nitong pasukin din ang showbiz.

Saad ng aktor susuportahan niya ang anak sa kung ano mang gusto nito.

Nakikita din naman daw niya na kumportable na si Ellie sa harap ng kamera dahil na rin sa ilang photoshoots na nagawa nito kasama ang inang si Andi.

Hindi rin naman daw siya tututol sakali at gusto rin nitong mag-artista.

Sabi nga ni Jake, “If ever naman she decides to go to show business rin in the future, I won’t say no. Kung ano ang gusto niyang gawin, I will be rooting for her 110 percent.”

Samantala natanong din si Jake kung sino sa mga Kapamilya stars ang mga gusto niyang maka-trabaho.

Ilan sa kanyang mga nabanggit ay sina John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Piolo Pascual at Coco Martin.

Sa ngayon ay bahagi na si Jake ng teleseryeng “Marry Me Marry You.”

Read also:

Ganito Pala Kayaman Si Andi Eigenmann! Kaya Hindi Na Pala Siya Bumalik Sa Showbiz

Si Andrea Nicole Guck Eigenmann o mas kilala bilang Andi Eigenmann ay ipinanganak noong June 25, 1995. Siya ay anak ng yumaong aktor na si Mark Gil at aktres na si Jaclyn Jose. Siya ay mayroong kapatid sa ama na sina Sid Lucero, Gabby Eigenmann, at Max Eigenmann na kapwa aktor at aktres din.

Si Andi ay nag-aral ng elementary at sekondarya sa Miriam College at nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Fasion Design and Merchandising sa De La Salle College of Saint Benilde.

Taong 2007 nang una siyang mapanood sa telebisyon sa soap opera na ‘Princesa ng Banyera’ ng ABS-CBN. Siya ay sumali din sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus. Kahit pa man siya ay na-eliminate kaagad sa naturang reality television show, nagsunod-sunod pa din ang swerte sa kaniyang showbiz career. Sa katunayan ay napanood na ito sa humigit kumulang na 18 TV shows, at ilan dito ay talaga nga namang top rating kung saan siya ay bumida. Kabilang na dito ang Agua Bendita, Kahit Puso’y Masugatan, Galema: Anak ni Zuma, Maalaala Mo Kaya.

 

Umaabot ng halos 5-digit ang bayad kada taping day sa mga sikat na artista kagaya ni Andi Eigenmann. Hindi lamang sa TV pinamalas ni Andi ang kaniyang pag-arte, maging sa pelikula ay pinatunayan din niya ang husay niya bilang aktres. Matapos siyang mapanood sa mga box-office hit movie katulad ng A Secret Affair, Camp Sawi, at Shake Rattle and Roll 12.

Kung sa palagay niyo ay malaki na ang bayad sa mga artista kada taping day, mas malaki pa ang bayad sa kanila kada shooting day. Madalas ay nakakatanggap pa sila ng malaking bonus kung sakaling mag box office hit ang kanilang pelikula.

 

 

Dahil sa natural na ganda, kinukuha din si Andi na mag-cover sa mga sikat na magazine. Bukod pa diyan, marami ding kumpanya ang kumukuha kay Andi para maging celebrity endorser ng kanilang produkto. Malaking bahagi ng income ng mga artista ay nagmumula sa kanilang mga endorsements dahil ang isang sikat na celebrity ay binabayaran ng milyon milyon ng mga kumpanya na kumukuha sa kanila bilang celebrity endorsemers.

Sa laki ng kinikita ni Andi sa showbiz industry, siya ay nakapagpundar na din ng mga property katulad ng Nissan Terra, at may pinapagawa na din siyang dream house sa Siargao kasama ang partner na si Philmar Alipayo at dalawang anak na sina Eli at Lilo. Maging ang kaniyang business na paupahan ay malapit na ding matapos.

 

Malayo na din ang narating ni Andi na kahit pa man hindi na siya mag-showbiz ay mabubuhay siya dahil sa yaman na din niya ngayon.

Sa ngayon ay masaya na si Andi kapiling ang kaniyang surfer boyfriend na si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak.