Iskolar, Ginamit Ang Scholarship Allowance Upang Makabili Ng Gatas At Kape Para Maibahagi Sa Kanyang Kapwa

0
105

Ang pagtulog sa kapwa ay walang pinipiling edad, mas maganda nga na habang bata pa lamang ay natututo na silang tumulong at makipagkapwa-tao. Minsan, mayroon talagang mga tao na inuuna nila ang kapakanan ng kanilang mga kapwa na nangangailangan kaysa sa kanilang sarili.

Kahanga-hanga ang ginawa ng isang Grade 9 student na ito dahil ibinahagi niya ang kanyang natanggap na scholarship allowance sa kanyang mga kapitbahay at sa utility workers sa kanyang pinapasukang paaralan.

Nakilala ang 15 taong gulang na mabait na bata na si Jarred Gaviola ng Muntinlupa Science High School. Noong natanggap niya ang kanyang scholarship allowance mula sa local government unit ay naisipan niya ito na gamiting pambili ng mga gatas at kape para maibahagi sa kanilang mga kapitbahay.

Dahil nakita niya ang hirap na dinaranas ng mga tao sa kanyang paligid ay naisip niyang tumulong sa kanyang mga kapitbahay lalo na ngayong panahon ng krisis. Sa murang edad ay nagsagawa siya ng donation drive upang mabigyan ng tulong ang mga taong labis na nangangailangan kasama na rito ang mga utility at canteen workers sa kanilang paaralan.

Umabot sa isang daang pamilya ang kanilang mga natulungan at nabigyan ng donasyon na naglalaman ng gatas, kape, biscuit, bigas at iba pang pangangailangan. Naging inspirasyon siya at nahikayat pa ang kanyang mga kaibigan, kaklase at kamag-anak na sumama at tumulong sa donation drive na ito.

Mayroon ding mga indibidwal na nagboluntaryo at nag-paabot din ng kani-kanilang mga tulong. Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na tumulong sa kanyang mga kapwa. Sa katunayan noong Abril sa kanyang pamumuno sa isang samahan ay namahagi rin sila ng mga gamot, bitamina, diaper at gatas sa iba’t ibang pamilya at sa ilang mga senior citizens.

Isang Mapagmahal na Ina, Binigyan ng Simpleng Birthday Party ang Anak Kahit na Salat sa Buhay

Marahil lahat ng ina ay gagawin ang lahat para sa kanilang anak.

Wala nang mas hihigit pa ang ligaya na dulot ng anak para sa ina kaya naman binubuhos nila ang lahat maibigay lamang ang nais ng kanila anak.

Ito ay pinatunayan ng isang ina nang magbigay ng simpleng birthday celebration o party para sa kanyang anak kahit na kapos υmαnσ siya sa pera.

“Pangarap talaga niya yun marami siyang hinihingi wala naman kaming pera. Gusto sana kahit simple maranasan naman ng anak kong makapag birthdya party,” kuwento ng ina na si Mary Ann.

Nagsilbi namang venue ang makitid na bangketa sa Capt. M. reyes St. sa Makati para sa espesyal na ika-7th birthday ni Janella Mae.

Pinagbihis din ng unicorn dress at hairband si Janella para sanyang birthday party.

Nagkabit rin ng karton ang kanyang ina na may nakasulat na “Happy Birthday Janella!” May ilang lobo din na nakalagay sa paligid ng karton.

Ang pangyayaring ito ay nakita ni Kim kaya namana ay agad niyang kinuhanan ng litrato ang nakakaantig na eksena ng mag-ina.

Dahil dito, agad na nag-viral ang larawan ng mag-ina sa social media.

Marami at bumuhos naman ang tulong na natanggap ng mag-ina mula sa mga netizens. Lubos ang pasasalamat ni Mary Ann lalo na’t nitong Lunes lamang ay dιυmαnσ’ү nαnαkαωån pa siya habang nakatulog sa bangketa.

Isang Ina sa Southern Leyte, Niregaluhan ang Kanyang 11-Anyos na Anak ng Cake na Nilupak na Saging

Sa tuwing may dumarating na kaarawan ng isa sa ating pamilya ay kadalasang pinaghahandaan ng masasarap na pagkain lalo na kung kaarawan ng bata.

Madalas na makikita sa isang handaan ang spaghetti, fried chicken, at cake. Ngunit dahil sa hιråρ ng buhay ng marami sa atin lalo na sa panahon ngayon ng ραndεmүα ay hindi na nagagawang makapaghanda.

Viral naman ngayon ang larawan ng isang bata na may hawak na cake na nilupak na saging na gawa ng kanyang ina.Ang inang ityo ay kinilalang si Lea Orito Cruza.

Nag-viral ang kanyang post matapos na ibahagi ito sa kanyang facebook account. Makikita sa kanyang post ang larawan ng kanyang anak na nagdiwang ng ika-11 taon nito habang hawak ang cake na mismong si Lea ang may gawa.

Hinangaan siya ng marami dahil sa kabila ng kαkαρυsαn ay nakagawa ng paraan ang ina na si Lea na mabigyan ng cake at mairaos kahit na simple ang kaarawan ng kanyang anak.

Narito ang pahayag ni Lea sa kanyang post:

“Happy birthday dong, hinaot unta tagaan paka ug kabaskog sa lawas ug kaon na ug 2da aron manambok na hehehe hinaot unta mahorot ng akong hinemu na nilosak cake nemu hahaha gkapoi rba Jud qo ug lusak ana dong, hahaha iloveyou…”

[“Happy Birthday Dong, sana ay bigyan ka pa ng malakas na pangangatawan at kain ka ng marami para tumaba na hehehe sana maubos mo ang aking ginawang cake hahaha napagod akong gawin yan dong iloveyou…”]

Marami naman sa mga netizens ang napahanga kay Lea nang bigyan ang kanyang anak ng cake sa kabila ng estado nito sa buhay.

Nanatili pa rin ang pagiging ina nito at nabigyan ng maayos na pagdiriwang ng kaarawan ang kanyang anak. MArami din ang bumati sa kanyang anak.