Viral ang isang post ng netizen na si Vivien Che matapos ibahagi ang kuhang larawang uri ng isang isda na may halintulad sa bibig at ngipin ng tao. saad niya sa kaniyang post “First time ko makakita ng garineng isda, habang naglilinis ako, saki’t ko na’t parang may iba eh!’parang may mali!.

Kinagiliwan ito ng maraming netizen saad nila isa daw itong uri ng “Tiger fish” at lubhang nαkαkαsαkιt ito kapag ito ay nαkα kαgαt ng tao. may ilan pang nag sasabi na mahahalintulad ito sa isang uri ng isda na kung tawagin ay “piranha” na kung saa’y ito ay nanga-ngagat din, ngunit ang mga piranha ay hindi basta-basta mang bibiktima ng tao kung ito ay ωαℓαng sυgαt na maaring maamoy ng mga “piranha”.

HahahaFirst time ko makakita ng Garneng isda. habang naglilinis ako ng isda, sabi ko na’t parang may iba eh! Parang may mali! Yung nguso niya at ngipin parang sa Tao?Gara Ahh gusto ata Magpalipstick

Nang dahil sa pananampalataya, Isang bata nαkαℓιgtαѕ sa kαmαndαg ng DIKYA

Nalalapit na ang tag init at unti-unti na ring pinapayagan ang pagbubukas ng mga resort at ilang mga sikat na bakasyunan.

Kaya naman trending ngayon ang isang paalala para sa mga kagaya niyang ina, ang ibinahagi ni Ma Zita Vanessa Dequita – Jarme sa kanyang facebook account. Ito ay matapos makaligtas ng kαnуαng αnαk mυℓα ѕα kαmαndαg ng dιkуα.

Imahe mula Ma Zita Vanessa Dequita – Jarme | Facebook

Araw ng Lunes, February 8 2021 nang nagtungo ang pamilya ni Ma Zita kasama ng ilang kaibigan sa Nabulao Beach Resort and Spa upang mag outing at para na rin makaiwas sa realidad.

Isang nakamamanghang lugar, kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit inirerekomenda at marami ang nagtutungo dito.

Sa kanilang kasabikan, madali nilang iniwan ang kanilang mga gamit sa kanilang silid at agad na nilibot ang lugar. Upang mas lalong mag enjoy ay inumpisahan na rin nilang magpalamig at uminom ng beer at juice.

Ang dalawang bata naman na si Alexis at Alexa ay masayang naglalaro ng buhangin at nang hindi na nakapagpigil sa ganda ng beach ay napagpasyahan nilang dalhin ang dalawa malapit sa baybaying dagat.

Ilang minuto ang lumipas, sumali narin sa kasiyahan ang asawa ni Ma Zita Vanessa na si Joshua at tinuruan pa ang anak na si Alexis kung paano lumangoy.

Imahe mula Ma Zita Vanessa Dequita – Jarme | Facebook

Ang kasiyahang ito ay nabalot ng tensyon ng marinig ang hindi pangkaraniwang sigaw at iyak ni Alexis.

Laking gulat ni Ma Zita ng makita niya ang lagay ng paa ng kanyang anak. Batay sa kaniyang nakita, ang hitsura na ito ay dulot ng makamandag na Box Jellyfish o Dikya.

Katulong ang kanilang lolo Pads, agad nilang binuhusan ng malamig juice ang sugat sa mga paa ng bata habang si Ma Vita naman ay naghagilap kung saan makakahanap ng suka.

Imahe mula Ma Zita Vanessa Dequita – Jarme | Facebook

Imahe mula Ma Zita Vanessa Dequita – Jarme | Facebook

Imahe mula Ma Zita Vanessa Dequita – Jarme | Facebook

Pero hindi ito naging sapat, at ilang saglit lang ay nakita na niyang umiiyak ang kanyang asawa habang bitbit ang kanilang anak na walang malay at ang lolo nila ay humihingi na ng pangunang lunas.

Dito na nila napagpasiyahan na kaagad dalhin ang bata sa pinakamalapit na ospital. Mabuti na lang at ang kanilang resort na tinutuluyan ay malapit sa ospital na kalaunan ay napagalaman ng pamilya na ito lang ang nag-iisang ospital sa lugar.

Bilang magulang napakasakit na makita ang kalagayan ng anak kaya naman habang papunta sa ospital ay sinubukan niyang lapatan ang anak ng CPR upang ito ay magkaroon ng malay.

Sinubukang kausapin ng ina habang ang ama naman ay buong paglalakas ng loob na patawanin ang kanilang anak na si Alexis ngunit hindi man lang ito kumikibo.

Hindi nawalan ng pag-asa ang mga magulang kaya patuloy ang pag darasal ng mga ito at pag gising sa halos wala ng buhay na anak.

Nang malapit na sila sa ospital, ay biglang nasilayan ni Zita na tila bumabalik na sa normal ang mga mata ng anak at kaagad namang tumugon ng hilingin niya na ikurap o ipikit ang mga ito.

Sa pagkakataong ito ay kumalma at gumaan na ang kalooban ng mga magulang ng batang si Alexis.

Narito ang isang bahagi ng Facebook post ni Ma Zita:

“Indeed God is good he doesn’t want us to suffer instead he gaves us second chance to prove how worthy we are as parents to Alexis. I do believe that when you rely on God during difficulty and danger, He will give you confidence and power. I want to quote a bible verse on Psalm 28:7 “The LORD is my strength and my shield; my heart trusted in him, and I am helped: therefore my heart greatly rejoices; and with my song will I praise him.”

Kuha ang larawan matapos ang nakakatakot na pangyayari kay Alexis. Kitang kita na sa kabila ng lahat ng ito, ang bata si Alexis ay nanatiling palangiti at masiyahin.

“Jellyfish ka lang c Baby Alexis ko ya” pagsasaad ng ina.

Nawa’y magsilbi itong paalala sa mga magulang lalo na ngayong marami na ang nagbabalak na mamasyal sa unti unti nating pagbabalik sa normalidad.

Basahin ang buong Facebook post ni Ma Zita Vanessa:

Imahe mula Ma Zita Vanessa Dequita – Jarme | Facebook

Bibili Lang Daw Ng Payong Ang Kanilang Ina, Magkapatid Hindi Na Binalikan

Bilang isang magulang, responsibilidad nilang alagaan, ingatan, at ibigay lahat ng pangangailangan ng kanilang mga anak. Ito rin ay isang mahirap na tungkulin dahil ito ay pang habang buhay na. Kaakibat din ng pagiging isang magulang ang mas mabigat na responsibilidad dahil sa kanila nakasalalay kung ano ang kahihinatnan ng kanilang mga anak kapag ang mga ito ay lumaki na.Ngunit nakakalungkot lamang isipin na may ilang mga magulang pa rin na kayang iwan ang kanilang mga anak hanggang ngayon. Kagaya na lamang ng karanasan ng dalawang magkapatid na ito na iniwan ng kanilang ina sa harap ng isang restaurant sa Valenzuela.

Isang crew ng Mang Inasal sa People’s Park sa Valenzuela City ang nag-upload ng larawan at kwento ng dalawang magkapatid na iniwan ng kanilang ina na nagpaalam lamang sa mga ito na bibili ng payong ngunit hindi na sila binalikan nito.

Makikita naman sa ilang larawan ang isang batang lalaki na nakaupo sa harap ng restaurant habang karga-karga nito ang kaniyang kapatid. Ayon sa nakakatandang kapatid, sila ay nakatira sa Tondo at sinabi sa kaniya ng kanilang ina na ito ay bibili lamang ng payong ngunit ito ay hindi na bumalik.

Saad din ng post ni Myleen, simula pa 6 ng umaga ay nasa harap na ng restaurant ang mga bata. Dagdag din ni Myleen na napansin niya ang mga ito dahil ilang oras na rin nakaupo ang mga ito sa gilid ng restaurant at hinihintay na dumating ang kanilang ina.

Makalipas naman ang ilang oras, nilapitan na din ni Myleen ang mga bata at tinanong sa mga ito kung nasaan ang kanilang mga magulang. Sinabi naman ng nakakatandang kapatid na nais na nilang makauwi sa Tondo ngunit hindi sila makaalis sa pwesto nila dahil inaasahan nila ang pagbalik ng kanilang ina para sa kanila at hindi rin naman nila alam kung paano sila makakabalik sa nasabing lugar.

Nanawagan naman si Myleen sa mga magulang ng bata na sana ay balikan na nila ang mga bata.

Sa kasalukuyan, wala pa namang balita muli kung binalikan ba ng mga magulang ang mga bata o kung nakauwi na ba ang magkapatid sa Tondo.