Mayroong kanya-kanyang istorya natin na bawat tagumpay ng isang tao. Isa na nga rito ay ang tagumpay ng pag-aaral ng isang anak, sa likod ng pagsisikap, pagpapakahirap at pagpatiyatiyaga ng kanyang mga magulang upang siya’y mabigyan ng magandang edukasyon na magiging sandata sa buhay.

Ang istorya ng mag-ama na nito lamang nakaraan ay nag-viral sa social media ng ibahagi ng anak ang larawan nilang mag-ama na kinunan para sa graduation photo.

Laking pasasalamat ni Jerdy Grace Araneta sa kanyang ama dahil sa kasipagan at pagtityaga nitong igapang siya sa pagaaral sa kabila ng hirap ng buhay sa pamamagitan ng pagtitinda ng balut. Ibinahagi niya ang graduation photo nito na kasama ang kanyang ama. Proud na proud naman ang kanyang ama sa nakamit ng anak at nagbunga nga lahat ng kanyang paghihirap para sa kanya at sa apat na kapatid pa nito. Siya ay magtatapos sa senior high school.

Ang larawan ng mag-ama ay nag-viral sa social media na kinagiliwan naman ng mga netizens dahil ang istorya nila ay mabuting ehemplo para sa mga estudyante nawawalan na ng pag-asang makapagtapos dahil sa hirap ng buhay.

Mahirap man ang buhay na kanilang kinakaharap ay hindi ito hadlang upang makamit nila ang pangarap nilang makaahon sa hirap.

Read also:

Mag-asawa na traysikel driver at mananahi, napagtapos ang apat nilang anak sa kolehiyo na siyang nagregalo sa kanila ng “house and lot” at isang bagong kotse!

Lahat naman tayo ay mayroong pangarap sa buhay. Talagang napakasarap din naman ang mangarap lalo na kung para ito sa ating mga mahal sa buhay.

Ngunit sa kasamaang-palad ay maraming mga nagiging hadlang para matupad natin ang mga pangarap nating ito. Isa na rito ang kahirapan.

Ngunit hindi naging hadlang ang kahirapan para sa mag-asawang ito na pagpursigihan na mapagtapos ang kanilang apat na mga anak. Nagsilbing inspirasyon sa publiko si Tatay Jerry Calata na isang traysikel driver at si Nanay Cely na isang mananahi.

Mayroon silang apat na mga anak, sina Fatima na isang electrical engineer, si James na isang civil engineer, si Cecile na isang guro at si John na isang mechanical engineer. Mulat ang kanilang mga anak sa hirap ng buhay, nakikita nila ang bawat sakripisyo ng kanilang mga magulang.

Kahit na hindi malaki ang kinikita nila sa araw-araw nilang trabaho ay ginagawa nila ang lahat upang makaraos at makapagtabi rin ng pang-matrikula ng kanilang mga anak. Sinong mag-aakala na silang apat ay makakapagtapos ng kolehiyo at makakapasa ng board exam sa unang pagkakataon?

“Para sa amin kasi, hindi hadlang ang kahirapan para matapos yung gusto naming. Kaya kahit mahirap, sinabay talaga naming apat na magtrabaho sa fastfood or maghanap ng iba pang pagkakakitaan para matulungan din sina Nanay at Tatay.” Komento ni James.

Nang makapasa sa board exam ay nagtungo sina Fatima at Cecile sa Dubai habang si James naman ay nagtrabaho sa isang gas and oil company sa Kuwait. Dahil sa propesyonal na silang lahat ay napagdesisyunan nilang maghulog ng 80 square meter noong 2015-2018 sa halagang Php800,000 at taong 2018 naman nang pinatayuan na nila ito ng bahay na umabot ng halos Php2,000,000!

Taong 2019 at nakalipat na sila rito. Niregaluhan din nila si Tatay Jerry ng isang bagong sasakyan ngunit hindi ito naging dahilan upang itigil nito ang pamamasada niya ng traysikel.

Read also:

Reaksyon ng isang lalaking driver na nabangga ng isang motorsiklo, labis na ikinabigla ng publiko

Ang matinding trapikosa mga pangunahing kalsada ay hindi na bago sa ating mga Pilipino sa katunayan nga tayo ay sawang-sawa na lalo na sa siyudad partikular na sa Maynila. Madalas ang matinding trapiko ay ang nagiging dahilan upang uminit ang ulo ng mga driver at iba pang mga motorista.

Kung iisipin ay tunay ngang nakakalungkot na sa nagdaang mga taon ay hindi na mabilang ang mga insidenteng naganap kung saan ay nag-aabot ang dalawang driver sa gitna ng kalsada. Marahil ay nabangga ng isang driver ang isang sasakyan kung kaya naman agad na bumaba ang driver, nagalit, nag-away at nauwi sa sakitan o di kaya naman ay pagkakasawi ng isa sa kanila. Sa kabilang banda, mayroon pa rin namang iilang mga driver na may magandang pag-uugali.

Tulad na lamang ng isang lalaking ito na nakuhanan ng video sa Aurora underpass. Ang kumuha ng video ay isang babaeng nakasakay sa motorsiklo na kung saan ay makikita ang banggaan ng isang pulang kotse at isang motorsiklo. Makikita sa video na kaagad namang bumaba ang lalaking nagmamaneho ng kotse, sinilip nito ang kanyang sasakyan at agad na tinanong ang nakabanggang motorsiklo kung ayos lamang ba ito

Ang mg taong nakasaksi roon ay nagulat na lamang nang kamayan ng driver ng kotse ang nakamotorsiklo at saka bumalik sa kaniyang sasakyan. Ikinagulat nila ito dahil madalas ay talagang nagagalit ang mga may-ari ng kotse lalo na kung simpleng tao lamang ang nakabangga sa kanilang sasakyan. Ngunit ang lalaking may-ari ng kotse ay tila’y kakaiba dahil nagawa pa niyang kamustahin ang lalaking nakabangga sa kaniya.

Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 9 na milyong views ang video na ito at mahigit 100,000 na rin ang mga naging reaksyon dito. Tunay ngang dapat ay tularan natin ang lalaking ito dahil sa kanyang ipinamalas na kakalmahan, wala sa estado o sa ganda ng sasakyan ang pagkakaroon ng wasto at tamang pag-uugali sa kapwa lalo na ngayong panahon ng pαndєmчα.