Isang maswerteng Pinay, ang binigyan ng kanyang amo ng napakaraming pera para sa pag-aaral ng kanyang anak sa kolehiyo at pampagawa ng bahay

    0
    289

    Marami sa ating mga kapwa Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa upang mabigyan ng maginhawang buhay ang kanilang mga pamilya.

    Sa hangad na makaahon sa kahirapan at maibigay lahat ng mga pangangailangan ng kanilang pamilya, marami sa ating mga kababayan ang pinipiling mangibang-bansa upang doon magtrabaho para kumita ng malaki.

    Kaya naman halos lahat ng mga Pinoy ay naeengganyo magtrabaho abroad, ngunit malaki man kinikita hindi naman lahat ng mga pumupunta doon ay nagiging maganda ang kapalaran.

    Pero sa kabila bandang, mayroon pa rin namang mapapalad na mga OFW na nakakaranas ng maganda mula sa kanilang mga amo.

    Katulad na lamang ng isang Pinay OFW sa Dubai, UAE na nakilalang si Avelina dahil sa swerteng naranasan niya mula sa kanyang amo na si Alex Hirschi. Si Alex ay isang Youtube vlogger sa kanilang bansa, ayon sa kanya sobrang proud siya sa kanyang kasambahay dahil ganoon na lamang ito pahalagahan ang kanyang trabaho para maitaguyod ang kanyang pamilya.

    Batid din niyang nag-iipon si Avelina ang malaking pera para sa pagkokolehiyo ng kanyang anak at para na rin sa pampatayo ng kanilang bahay sa Pilipinas.

    Kaya naman sa naging vlog ni Alex, sinurpresa niya si Avelina dito inabutan niya ito ng boquet of flowers at may kasamang isang maliit na box. Laking gulat naman ni Avelina ng bigyan siya ng kanyang amo ng ganitong sorpresa, kaya naman nang buksan niya ito tumambad sa kanya ang napakalaking halaga at ang nasabi niya na lamang ay, “I’m a millionaire sir!”.

    Saad pa ni Alex, “This is enough money to send your son to college or to help you build the house that you want back home when you retire.”

    Sa naturang vlog din na ito, masayang ibinahagi ni Alex kung gaano siya nagpapasalamat sa kanilang Yaya Avelina.

    Payahag pa ni Alex, magtatatlong taon na umanong nagtatrabaho sa kanila si Avelina at talagang maaasahan ito sa lahat ng bagay tulad ng paglilinis ng opisina, pagluluto, at maging pag-aalaga ng kanyang mga aso sa tuwing umaalis sila.

    “I just want to say she means so much to me. I couldn’t do what I do today without her,” sabi pa ni Alex.

    “She is so integral to the Supercar Blondie family,” ika pa niya.

    Halos maiyak naman si Avelina sa naging regalo sa kanya ng kanyang amo at labis ang kanyang pasasalamat dahil sobrang malaking tulong na ito para sa kanyang pamilya. Kaya naman mas pagbubutihin pa ni Avelina ang kanyang pagtatrabaho sa kanyang amo, upang matumbasan ang kabutihang ginawa nito para sa kanya at sa kanyang pamilya.

    Larawan Ng Isang Katulong Na Nakatingin Habang Kumakain Ang Kaniyang Amo, Humabag Sa Mga Netizens!

    Ikinadur0g ng puso ng maraming netizens ang larawan ng isang katulong kung saan makikita na pinapanood lamang nito ang kaniyang mga amo na kumakain sa isang restaurant.

    Sa post na ibinahagi ng netizen na si Cey Budomo sa kaniyang Facebook account, makikita ang isang babae na nanonood sa kaparehas na table kung saan kumakain ang pamilya na kaniyang pinagsisilbihan na tila ba siya ay naghihintay na matapos ang mga ito sa kanilang pagkain.

    Ayon kay Cey, isang matanda mula sa pamilya ang tumawag sa katulad ngunit sa halip na alukin o bigay nito ng pagkain na kaniyang makakain, inilagay pa nila ang tissue at plastic bag sa harap nito at hinayaan lamang siya nito na panoorin sila sa kanilang pagkain.

    Sa g4lit ni Cey, sinabi niya na dapat ay hindi na dinala ng pamilya ang katulong kasama nila sa mall kung hindi naman sila handa na bilhan ito ng kahit anong pagkain. Dagdag pa ni Cey, ang katulong ay tao din naman at dapat na tratuhin ng tama.

    Samantala, naging viral naman sa social media ang nasabing larawan at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. May ilan na sumasang-ayon kay Cey. Ang ilan naman na katulong sa loob at labas ng bansa ay ibinahagi din na ito ang nakakalungkot na katotohanan sa kanilang trabaho.

    Marami ding netizens ang nagsasabi na ang pagtrato ng mga amo sa kanilang katulong ay dapat ng magbago. Dapat sila ay maging mas mabait at mahabagin sa kanila dahil sila ay tao din katulad nila.

    Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

    “this kind of employers must be pun1shed..And God never sleep…Karma always find a way.”

    “She is a human with flesh and bones. The Lord Jesus said; What ever youve done to the least of your brothers you have done it to me. Wait for your karma in your life. What you sow is what you reap.”