Isang Kapitan ang Namahagi ng mga Libreng Upo na Gulay sa mga Motorista!

0
417

Ang tila bangungot na nangyayari sa buong mundo ngayon dala ng C0V!D-19 ay talagang sumusubok sa katatagan ng bawat isa.

Hindi biro ang mawalan ng hanap buhay, pagbagsak ng mga negosyo at kung anu-ano pang pwedeng pagkakitaan, kaya naman ang anumang tulong–kahit gaano pa kaliit, ay napakalaking bagay na.

Sa panahon ng matinding pagsubok ay nangingibabaw rin ang kabaitan at pagiging matulungin ng marami, kagaya na lamang ng isang butihing opisyal sa isang barangay sa Imus.

Isang lalaki sa Imus, Cavite ang namataang namimigay ng mga gulay na upo sa mga dumaraang motorista sa kalsada.

Maaaring inakala ng iba na nagbebenta ito ng gulay dahil pinapara nito ang bawat dumaraan sa kalyeng iyon, ngunit ang mga upo na iyon ay ipinamamahagi lamang nito nang libre.

Ang lalaking ito ay napag-alamang kapitan pala ng Barangay Bucandala IV sa may Imus, Cavite. Siya si Kapitan Gary Bacos at kilala na ito roon sa kanyang pagiging natural na matulungin, sa katunayan ay hindi lamang ang pamimigay ng gulay ang una nitong ginawa para makatulong sa mga tao.

Hindi pa man umano naipapatupad ang ECQ sa buong isla ng Luzon ay aktibo na ito sa pamamahagi ng tulong para sa kanyang mga nasasakupan.

Maliban rito ay nakapaghatid na rin ito ng tulong noon sa mga taong apektado sa pagsabog ng Bulkang Taal ilang buwan na rin ang nakalilipas, kaya naman masasabing hindi limitado ang kanyang pagtulong sa mga taong malalapit lamang sa kanya kundi pati na rin ang mga nasa malalayo.

Ngayong panahon ng krisis ay alam nitong napakahalaga ng tungkulin nito sa kanyang komunidad, kaya naman mas lalo pa nitong pinag-igihan ang pamamahagi ng ano mang tulong na kaya niyang iabot.

Tunay na kahanga-hanga ang mga katulad ni Kapitan Gary na talagang isinapuso ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko at sa mga ganitong hindi magandang pangyayari sa ating mga buhay ay kapansin-pansin lalo ang kabaitan ng mga taong katulad niya. Saludo naman ang lahat ng nakakita at nakarinig ng tungkol sa kanyang kabutihan at marami ang humihiling na nawa’y ang lahat ng mas may kakayahan sa buhay ay mamahagi rin sa mga higit na nangangailangan.

Kilalanin ang Good Samaritan Teacher na ito na Nagbibigay ng Libreng Tutor at Libreng Isda sa kaniyang mga Estudyante

Tunay ngang bayani kung maituturing ang ating mga guro na walang ibang hangad kundi mapabuti ang kanilang mga estudyante. Natural na sa kanila ang pagiging mapagmahal sa mga bata at puso na mapagpakumbaba.

Marami ng guro ang nagpatunay nito at isa na nga si Teacher Emiliano “Emil” Bal-iyang sa mga ito. Naging viral siya sa social media matapos maibahagi ang kakaiba niyang kwento na higit pa sa pagiging isang guro.

Mula sa kanilang bahay ay kailangan ng bumyahe ni Teacher Emil ng mahigit isang oras sakay ang motorsiklo habang tatawid ng tatlong ilog.

Matapos nito ay kakailanganin pa niyang maglakad sa matarik na bundok upang marating ang kanilang paaralan.

Siya ang adviser ng Grade 6 pupils sa Lamag Elementary School, na matatagpuan sa Quirino, Ilocos Sur.

Lahat ng subject para sa nasabing baitang ay siya ang natuturo at sa hapon naman ay naglalaan ng oras upang magbigay ng libreng tutor sa mga batang nahuhuli sa kanilang pinag-aaralan.

Maliban dito, abala rin sa  extracurricular activities si Teacher Emil kagaya ng pagiging Councilor ng Supreme Pupil Government, trainer at athletic coach.

Noong una siyang dumating sa paaralan ay napag-alaman niya na hindi ito sumasali sa kahit anong paligsaan dahil sa kakulangan ng school staff, kaya naman sa abot ng kaniyang makakaya ay sinimulan niyang turuan ang mga bata.

Nakita niya ang natatagong talento ng mga ito at sa katunayan ay madalas silang mag-uwi ng iba’t ibang parangal at medalya matapos sumali sa mga kompetisyon kagaya ng chess, swimming at maging sa academic competitions tulad ng Math at ScienceHindi pa natigil dito ang kaniyang layunin na mapabuti ang mga estudyante dahil noong 2016 ay gumawa pa ito ng maliit na fish pond at nag-alaga ng dalawang kilo na tilapia. Sa tulong rin ng mga bata ay nagkaroon sila ng mumunting hardin na mayroong mga gulay na tanim.

Dahil dito ay lubos na namangha ang kanyang kapwa guro at sila man ay nagtulong-tulong rin sa iisang layunin na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga bata sa kanilang komunidad.

Sa katunayan, noong kasagsagan ng lockdown dahil sa pandemya ay nagdesisyon silang mamigay ng isda at mga gulay sa bawat pamilya ng kanilang mga estudyante.

Sa ngayon ay patuloy si Teacher Emil sa pagiging isang magandang ehemplo hindi lamang bilang isang guro kundi bilang isang mabuting mamamayang Pilipino.

Anak ng basurero at basurera, nagtapos sa kursong Electronics Engineering

Ang buhay estudyante ay hindi biro at tunay na pinagdaraanan ang hirap sa sa pagaarl, lalo na kung ang mga ito ay self-supporting o working student na kinakailangang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho para lang may maitustos sa kanilang edukasyon. Ito ang kwento ng buhay ni Jayvee Calayag. Ang lalaking sa murang edad pa lamang ay agad nang namulat sa realidad ng buhay.

Marami na tayong narinig at natunghayan ang storya ng tagumpay na nagpabilib sa marami sa atin. Ngunit ang kwento ni Jayvee ang nagpahanga sa marami, dahil sa naging pagpupursige nito sa buhay na naging dahilan para maiahon nya sa hirap ang kanyang mahal na pamilya. Si Jayvee, bilang anak ng isang basurero at basurera, ay bata palang ay alam na niya agad kung gaano kahirap ang kumita ng pera. Kaya naman kahit maliit pa siya noon ay minabuti nya nang sumama sa kanyang mga magulang sa pagpupulot ng mga basura para makatulong.

Pagdedetalye nya sa kanyang Facebook post, “Elementary pa lang ako sumasama na ako sa tatay at nanay ko na mamili at mamulot ng kalakal sa bara-barangay. Kailangang tumulong para makaraos sa pang-araw araw.” Kwento pa nya, “Namulat agad na mahirap pala kumita ng pera. Natutunan ko sa magulang ko na magbanat ng buto. In God’s grace, di naman kami pinababayaan.” Kaya kahit kapos man sila sa buhay, naitaguyod nilang pamilya ang pag-aaral nilang magkakapatid sa pamamagitan ng pangangalakal o pagkolekta ng mga basura. “Hirap na hirap po kayo sa pamumulot ng maduduming kalakal. Pero itinaguyod ninyo po ako sa aking pag-aaral sa loob ng 16 years.”

aniya sa kanyang mga magulang. “Alam kong di po yun matutumbasan ng anumang halaga.Pero wag po kayong mag-alala, ako naman po ang babawi sa inyo makapagtrabaho lang ako, ganun din po kila Kuya.” dagdag pa nya. Kaya naman labis na lamang ang pasasalamat ng kayang mga magulang ng siya ay maging consistent Dean’s Lister at kinalaunan ay nagtapos na sa kursong Electronic Engineering. Sa ngayon siya ay tumutulong na sa kanyang mga magulang bilang isang Engineer at part-time financial advisor. Basahin ang kanyang Facebook post: Lumaki sa hirap, kung kaya’t namulat na mangarap, nablessed ni God kasi binigyan Nya ako ng second chance na mabuhay, kasi 6- months old baby pa lang ako, tinanggalan na ako ng left kidney stone

Maswerte sabi ng mga Doc, pero for me, I have a mission pa;syempre sa family ko. Elementary pa lang ako sumasama na ako sa tatay at nanay ko na mamili at mamulot ng kalakal sa bara-barangay. Kailangang tumulong para makaraos sa pang-araw araw. Namulat agad na mahirap pala kumita ng pera. Natutunan ko sa magulang ko na magbanat ng buto.

In God’s grace, di naman kami pinababayaan.Nay, Tay Pasensya na po kayo kung di na ako nakakatulong nung nagCollege na ako kasi I want to focus po sa study ko.Alam ko po yung hirap na ginagawa ninyo magkaroon lang ako ng baon sa araw araw. Hirap na hirap po kayo sa pamumulot ng maduduming kalakal

Pero itinaguyod ninyo po ako sa aking pag-aaral sa loob ng 16 years. Alam kong di po yun matutumbasan ng anumang halaga.Pero wag po kayong mag-alala, ako naman po ang babawi sa inyo makapagtrabaho lang ako, ganun din po kila Kuya. Thank you sa mga kamag-anak ko na nandyan palagi na nagtitiwala at tuparin ang pangrap ko na makatapos: Justina Avendano Bontuyan Jessica Jumaquio Francis Domingo Dennis Acorita Sa bestfriends kong sina Carl Michael Bacuetes Adriano at Rose Anne Espinola sa pagtulong sakin.Thank you! Bestie Christian Lay Samson, binago mo lifestyle ko, thank you sa help to improve myself. To PSPC, NMA Philippines, Mr.Henry Lim and Mayor Christian Dionisio Natividad Scholarship Program, Maraming salamat po sa financial assistance.Thank you BulSU Scholarships head and staffs, Ma’am Reina Marie Clemente Santiago! Sa mga naging prof ko Sa BulSU COE: Thank you po sa lahat lahat!Lalo na kay Sir Dennis Robles Dela Cruz.Thank you po Engineers: Benjamin Santa Maria Jr. Oliver Mariano Hilario Calinao Allan Nicolas Emmylyn Roque Sevilla Tuazon Rina Santiago Ian Javier Jenette Centeno Rav De Jesus Dion Mendoza “Isa lang masasabi ko, huwag lokohin ang iyong magulang instead sundin sila.” “Hindi hadlang ang kahirapan.” BEST GIFT EVER TO YOUR PARENTS Bachelor of Science in Electronics Engineering Dean’s Lister Batch 2016 Thank You GOD BULACAN STATE UNIVERSITY